CHAPTER ELEVEN (EPILOGUE)

14.5K 349 10
                                    


Sa sulok ng mga mata ni Cholo, nakita niya ang nakakalokong ngisi ng kapatid na si Nico. Sakay sila ng Starex at ito ang nasa manibela.

Kinakantiyawan siya nito dahil mula pa kaninang umaga ay nakailang tawag na siya kay Yanni, ang kanyang fiancée na mas pinili pang magpaiwan sa Cebu.

"For the boys ang lakad mo, 'no!" sabi pa ni Yanni sa kabilang linya. "Besides, alam ko naman na matagal din kayong hindi nagkasama ng kapatid mong 'yon. Ako naman, eh, medyo mag-e-enjoy nang husto kasama sina Auntie dahil kapag ikinasal na ako sa 'yo..."

Napangiti si Cholo nang maalala ang paliwanag sa kanya ng kasintahan. Sa sandaling makasal sila ni Yanni ay dapat magsarili na sila. Para nga fair sa magkabilang partido.

Nais kasi ng mama niya na doon sila ni Yanni sa ancestral house para makasama ito. Ngunit hinihimok din sila ni Tita Marta na tirhan ang bahay sa downtown. Sayang naman daw.  Ang hindi alam ng mga ito ay mayroon na silang love-nest ni Yanni.

Eksaheradong bumuntong-hininga si Nico. "Ang baduy mo palang ma-in love!" buska nito, sabay palatak. "May pahalik-halik ka pa sa CP."

"C'mon, Nic, naiinggit ka lang. Palibhasa'y walang sumeryosong babae sa 'yo. Zero ang love life mo ngayon, right?"

"Correction, ako ang hindi seryoso. Zero sa love life, but not... alam mo na," pagmamalaki nito. "Anyway, maiba nga pala ako. Buti naman at nagbago na si Mama. I can't imagine na magagawa ni mama iyon."

"Matagal na n'yang ginagawa iyon, Nico. Iyong fat sum of money sa bangko, talagang nakalaan sa inyo ni Piolo. Yes, ma-pride pa rin si Mama; but deep inside, naroon ang kahinaan. Alam kong na-realize na niya ang lahat ng kanyang mistakes. Though, hindi pa rin niya maatim na siya ang unang lalapit para makipagbati sa inyo."

"Women..." bulong nito.

"Matanda na si Mama kaya kung ako sa inyo ni Kuya Piolo, kayo na ang gumawa ng first move."

Kung matindi ang pangungumbinsi ni Nico na lumuwas siya sa Manila ay gayundin ang panghihimok niya sa kapatid na makipag-ayos na sa kanilang ina. After all, hangad niyang magkasundo na ang dalawang kapatid at ang dating palalong ina.

Naalala pa niyang tinakot siya ni Nico na hindi dadalo sa kasal nila ni Yanni kung hindi niya ito pupuntahan sa bahay nito sa Subic.

Heto nga't dalawang araw na silang magkasama.

Ideya ni Nico ang magaganap na stag party mamaya. Pero ang higit na pinagtuunan niya ng lubos na pag-aaral ay ang nakatakdang merging sa pagitan ng Perez Group of Companies at ng Madrigal Estates.

Ipinagkatiwala na sa kanya nang lubos ni Pilar Madrigal ang pamamalakad at desisyon sa kabuhayan ng pamilya. Pero isinaalang-alang pa rin niya ang desisyon ng dalawang kapatid.

Kay Nico ay walang problema, dahil ito mismo ang nagpakilala sa kanya kay Romano Perez at sa iba pang mga negosyante sa ilalim ng naturang higanteng korporasyon. Nakaharap niya ang mga batambatang negosyante sa isang luncheon meeting na ginanap kahapon sa Perez Grand Villa.

At least, nagpakita rin ng interes ang kapatid nilang si Piolo na nakausap nila kagabi via overseas call. Nanghinayang nga ang piyanista dahil hindi ito basta-basta makalilipad patungong Pilipinas para dumalo sa stag party. Di umano'y may mga konsierto pa itong dapat tapusin sa Paris. Hindi rin ito sigurado kung makakauwi para sa kasal nila ni Yanni.

Mamaya nga'y makakasalamuhang muli ni Cholo ang mga kasamahan at kaibigan ni Nico sa stag party na gaganapin sa isang suite sa resort na pag-aari ni Romano.

Kasabay ng nakatakdang merger ay ang awtomatikong pagiging miyembro niya sa Midnight Blue Society.

Matapos maibida sa kanya ni Nico ang tungkol sa mga aktibidades nito at ng iba pang miyembro ng naturang club ay fascinated na siyang maging miyembro din.

Wakas

Midnight Blue Society Series 3 - POCHOLO aka CHOLO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon