CHAPTER SEVEN

10.1K 208 3
                                    


"Ma'am Yanni..."

"Huh?" Hindi niya alam na kanina pa pala siya tinatawag ng isang saleslady. Paano naman kasi, mula kaninang ihatid siya ni Cholo ay hindi na ito mawala sa isip niya. Tuksong nagpabalik-balik sa kanyang isip ang ginawang paghalik sa kanya ng lalaki. "B-bakit, Roxanne?"

"Ma'am, may mga additional order ho si Mrs. Ramos, humihingi ng special discount," sagot nito.

Saglit siyang nag-isip. "Sige, bigyan mo ng five percent."

Sinundan niya ng tingin ang tumalikod na saleslady. Nakita niya ang pagbukas ng glass door at iniluwa ang pamilyar na bulto ng katawan ng isang lalaki.

Nakangiting lumapit sa mesa niya si Cholo. Naka-casual attire ito at halatang bagong-ahit.

Nakaramdam siya ng pag-iinit ng mga pisngi nang maalala niya ang mainit na halik ng lalaki sa kanya. At siguro kaya nag-ahit ito ngayon ay dahil sa pamumula ng paligid ng kanyang bibig sanhi ng nangyari kanina.

"Hi!" nakangiting bati nito.

Pinanatili niyang pormal ang kanyang anyo. "Ano'ng kailangan mo?"

Alam niyang hindi pa oras para sunduin siya ni Cholo.

"Hey, galit ka pa ba?"

"May dahilan ba para magalit ako?"

"I thought... 'yong pagkakahalik ko sa 'yo—"

"Hesus!" nahihindik na bulalas ni Yanni na nagpalinga-linga sa paligid sa takot na may nakarinig sa sinabi ni Cholo. Mabuti na lang at abala ang mga salesladies sa pakikipag-usap sa isang customer.

Amused na ngumiti si Cholo sa nakitang pagkataranta niya.

"Puwede ba, 'wag mo nang mabanggit-banggit ang... ang ginawa mo?" aniya sa nanggigigil, ngunit mahinang tono.

Para namang nakakalokong inilapit pa ng lalaki ang mukha sa kanya. "Why not?"

Naningkit ang mga mata ni Yanni. "Mr. Madrigal, kung gusto mong igalang kita, matuto kang irespeto ako. Hindi ako katulad ng mga babaeng nakakasalamuha mo. At para walang gulo, 'wag mo nang tangkaing banggitin iyon or else—"

"Paano kung ulitin ko?"

Nagpupuyos ang dibdib niya sa inis. "Subukan mo!"

"Ngayon na?"

"Don't push me, Mr. Madrigal!" humihingal niyang asik kay Cholo, alerto ang kanyang mga kamay. "Hindi mo pa kilala ang kaharap mo."

"Siyanga, ha?" nakakalokong sabi nito. Para pa ngang natutuwa namang titigan nito  ang pamumula ng mga pisngi niya. Mukhang ngayon lang nakatagpo ng palabang babae si Cholo. "At hindi mo pa rin ako kilala, Yanni."

"Stop pestering me, Mr. Madrigal."

"Cholo, mas magandang pakinggan."

"Please leave this place. Can't you see, nakakaabala ka na. Maraming ginagawa ang mga tao rito."

Nagpakawala ito ng seksing tawa. "You're only daydreaming, Yanni. Kanina pa."

Namula ang mga pisngi niya. Dahil pulos salamin ang kabuuan ng shop, hindi imposibleng makita ng mga nasa labas ang nangyayari sa loob.

Napatingin ito sa wristwatch. "All right, I came here to apologize."

Tumaas ang kilay niya. At napansin niyang pandalas ang sulyap sa kanila ng tatlong salesladies. Mababakas ang paghanga sa mukha ng mga ito para sa lalaking nakaupo sa harap ng kanyang desk.

Midnight Blue Society Series 3 - POCHOLO aka CHOLO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon