One

184 5 7
                                    

Here I am again.

Waking up at the same way.

Nakakatawa lang isipin na paulit-ulit nang paulit-ulit na lang ang takbo ng buhay ko. Paulit-ulit na lang nang paulit-ulit ang mga bagay na nakikita ko.

Only dark!

Nakakapagod na. Nakakapagod na...

Minsan naisip ko.

Ano kaya ang itsura ko? Maganda kaya ako? Eh 'yung bahay ko? Mansyon kaya ito? Eh 'yung mundo? Maganda ba talaga ito?

Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang sagot sa mga katanungan ko.

Bakit ba kasi nawala pa ang paningin ko?

Mula nang ipanganak ako ganito na ako. Madilim na ang paningin ko.

Kaya mula pagkabata, kadiliman lang ang kasama ko.

Hindi ko alam kung paano ba ako nabubuhay. Hindi ko alam kung paano ako nakakaraos sa araw-araw kung wala naman akong mga magulang.

Ahh..siguro dahil kay Mama. Siya 'yung kumupkop sa akin nang abandunahin ako ng sariling kong mga magulang. Siguro dahil bulag ako. Siguro hindi nila matanggap na ang anak nila ay isang bulag kaya nila ako iniwanan sa mga kamay ni Mama.

Malaki ang pasasalamat ko sa kanya kasi itinuring niya akong parang isang tunay na anak. Masaya ako kasi kahit papaano ay hindi ako nag-iisa. Kahit paano mayroon akong Mama. At tanggap niya ako sa kabila ng kapintasan ko.

Mahal na mahal ako ni Mama pero bakit ganoon? Bakit parang hindi pa ako kuntento?

Masyado ba akong masama at sakim? Siguro nga oo pero masisisi niyo ba ako kung pakiramdam ko ay nag-iisa pa din ako?

Pakiramdam ko kahit na anong gawin ko ay mag-isa pa din ako. Bakit ba hindi ko maramdaman na may kasama ako?

Nakaka-asar naman. Napaka-unfair ng buhay.

Bakit hindi ko maramdaman ang maging masaya? Bakit kahit na andyan si Mama,nakakaramdam pa din ako ng lungkot? Bakit pakiramdam ko pa din ay kadiliman lang ang kasama ko mula't sapol?

"Anak! Gusto mo ipasyal kita?" natauhan ako nang marinig ko ang tinig ni Mama at maramdaman ko ang mga kamay niya sa balikat ko.

"Sige Ma!" Sang-ayon ko. Nagkukunwari akong masaya pero sa totoo lang ay nalulungkot ako. Nalulungkot ako kasi hindi ko din naman makikita ang paligid. Useless lang din ang pag-pasyal sa akin ni Mama.

"Mama..nasaan tayo?" tanong ko sa kanya nang tumigil na siya sa pagtulak ng wheelchair ko.

"Nandito tayo sa park anak. Dito sa may tabi ng lawa. Maganda ang paligid at napakalinaw ng tubig" sagot niya kaya mas lalo pa akong nalungkot. Buti pa sila nakikita nila kung ano ang itsura ng mundo.

"Mama..maganda po ba ako?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman Rhian,Napaka-ganda mo!" sagot naman niya. Napangiti ako ng mapait.

"May bulag po bang maganda?" dagdag ko naman. Hinaplos ni Mama ang pisngi ko.

"Anak, maganda ka! Hindi lang sa panlabas na anyo pati na din ang iyong kalooban." malumanay na sagot niya saka hinalikan ang noo ko.

Geobi na ganghaji motan na

Neo eobshin muetdo anin na

I mamshoge neo hanaman ango algo saraon nal

Aljanha neo bakke eomneun nal aljanha

Niga naui haneurideon geu nare angyeo ulgo utdeon nacheoreom

Your Song (Do Kyungsoo FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon