Third Person's POV
"Wow! Ang ganda naman nila! Anong tawag sa kanila?!" tanong ng dalaga habang naka-silip sa may bintana ng LRT.
"Ang tawag sa kanila ay mga ibon!" sagot naman ng binata habang nakangiting minamasdan ang mukha ng dalaga na may ngiti sa labi.
"Wow! Lumilipad pala ang mga ibon?! Ang galing naman!" manghang sabi naman ng dalaga.
Sa kaharap na upuan ay may mag-asawang natatawa habang pinapanuod ang dalaga na nakasilip sa bintana at manghang minamasdan ang mga lumilipad na ibon.
"May sira siguro sa utak 'yang babae noh? Hahaha..Lumilipad daw pala ang mga ibon hahaha!" natatawang bulong ng babae sa kanyang asawa.
"Uhmm..Hijo,siguro kailangan mo nang dalhin sa ospital iyang kasama mo!" baling ng lalaki sa binata kaya medyo natawa ng asawa niya.
Ngumiti ang binata sa mag-asawa bago magsalita.
"Kagagaling lang po namin sa ospital. Katatapos lang pong operahan ang mga mata niya! Salamat po sa concern!" nakangiting sagot ng binata bago ibaling muli ang tingin sa dalaga.
Napapahiya namang napayuko ang mag-asawa dahil sa kanilang nalaman.
Masyado silang nang husga at inuna nila ang panglalait bago alamin ang totoong kalagayan ng dalaga. Mas inuna nila ang kung anong nakikita ng kanilang mga mata.
Nang makababa sa LRT ay nagtungo ang dalaga't binata sa isang lugar kung saan sila unang nagkakilala.
"Dito tayo unang nagkakilala! Nandoon ako sa isang malaking bato,naka-upo at kumakanta tapos ikaw,bigla mo akong nilapitan at tinabihan!" kwento ng binata sa dalaga habang naglalakad papunta sa nasabing bato kaharap ng lake.
"Wow! Ang ganda! Ang ganda pala dito noh Kyungsoo?!" manghang ani ng dalaga habang nililibot ng tingin ang paligid.
"Maganda talaga dito! Tara upo tayo duon sa malaking bato kung saan tayo nakapwesto noon!" pagkasabi ng binata ay tinungo na nila ang eksaktong lugar at naupo.
"Napakasaya ko Kyungsoo! Napakasaya ko!" masayang ani ng dalaga kasabay ng pagtulo ng isang patak ng luha galing sa kanyang mata.
"Akala ko ba masaya ka? Eh bakit ngayon ay umiiyak ka?!" natatawang sabi ng binata kasabay ng pagpunas sa luhang tumulo sa mga mata ng dalaga.
"Oo nga masaya ako! Sa sobrang saya ko ay napapa-iyak na din ako!" natatawang sabi ng dalaga saka ipinatong ang kanyang ulo sa balikat ng binata.
"Salamat huh?! Salamat kasi,dahil sayo nagtiwala ako at dahil sayo ngayon ay nakakakita na ako!" nakapikit na sabi ng dalaga.
Hinawakan naman ng binata ang kanyang kamay at pinag-intertwined ito with his.
"Sinabi ko lang ang kung sa ano'y tingin kong mas makakapag-pasaya sayo! At ngayong masaya ka na,masaya na din ako!" malambing na ani ng binata.
"Ngayong....nakakakita na ako. Mananatili ka pa din ba sa tabi ko?!" sabi ng dalaga at tinignan ang mukha ni Kyungsoo habang nananatili pa ding nakapatong ang kanyang ulo sa balikat nito.
Niyuko naman siya ng binata at tinitigan sa mga mata nito.
"Oo naman! Hindi ako aalis sa tabi mo! 'Dito lang ako...at aalagaan pa din kita gaya ng ginagawa ko noong hindi ka pa nakakakita! Kaya,'wag kang mag-alala! Mananatili lang si Kyungsoo sa tabi ni Rhian!"
pagkasabi na'yon ng binata ay hinalikan niya sa nuo ang dalaga tulad ng lagi nitong ginagawa.
*flashback~Sa Ospital*
BINABASA MO ANG
Your Song (Do Kyungsoo FF)
FanficIsang tinig.. Isang napakagandang tinig ang bumago sa buhay ko. Isang napakagandang tinig ang nagbigay ng kulay sa buhay ko na akala ko ay walang silbi dahil sa kalagayan ko. ---- Do Kyungsoo (D.O) FanFiction. Mehehe..Sorry sa mga wrong grammar...n...