Rhian's
Lumipas pa ang ilang araw na patuloy kaming namamasyal ni Kyungsoo.
At simula nuong makilala ko siya ay masigla at masaya na akong gumigising sa umaga.
Bumabangon ako para sa kanya.
Gusto ko lagi siyang kasama, lagi kong naririnig ang magandang tinig niya at lagi kong nahahaplos ang kanyang mukha.
Nasanay na ako sa kanya....
At sana ay hindi na siya umalis pa sa tabi ko...
"Hindi ka pa ba talaga handa?" tanong niya patungkol sa pagpapa-opera ko.
Hindi pa nga ba ako handa?
"Hindi ko pa kayang magtiwala!" Sagot ko. Natigilan siya sandali bago ulit magsalita.
"Rhian..Pinagkakatiwalaan mo ba ako?" biglaang tanong niya na kaagad ko namang tinanguan at sinagot.
"Pinagkakatiwalaan kita Kyungsoo!" sagot ko.
"Kung sa akin ay nagagawa mong magtiwala, bakit hindi mo subukang magtiwala sa mga Doctor para makakita ka na!" sabi niya kaya natahimik ako saglit.
Bakit nga ba hindi ko magawang magtiwala sa mga Doctor?
Siguro kasi, hindi naman nila kayang pagalingin lahat. 'Yung iba nga, milyon-milyon na ang nagagastos pero namamatay pa din.
Nagsalita ulit siya nang hindi ako nakasagot.
"Alam mo Rhian. Dati, hindi rin ako sanay magtiwala. Noon kasi, ipinagkatiwala ko ang puso ko sa isang babaeng hindi karapat-dapat. Ibinigay ko ang lahat, minahal ko siya ng lubusan pero sakit lang ang ibinigay niyang kapalit. Simula noon hindi na ako nagtiwala pa ng basta-basta. Pero mayroong isang tao ang nagsabi sa akin na "subukan mong magtiwala ulit, baka sa pagkakataong iyon, hindi ka na mabigo"...Sinubukan ko ulit magtiwala, at sa pagkakataong iyon ay hindi na ako nabigo. Alam mo Rhian, hindi ako nabigo nang pagkatiwalaan ko ang Mama mo, ikaw! Hindi ako nabigo sa inyo. Kung nagtataka ka, pinagkatiwala ko sa inyo ang pagmamahal ko. Sa maikling panahon ay napamahal na kayo sa akin ni Tita at sa inyo, sumaya ako."
"Sa sitwasyon mo at sa sitwasyon ko, alam kong magka-iba tayo. Ako, ang pagmamahal ang pinagkakatiwala ko tapos ikaw iyang mga mata mo. Malaki ang pagkakaiba pero parehong pagtitiwala ang pinag-uusapan. Mahirap magtiwala pero madali itong mawala at masira. Pero kung susubukan mo, hindi ka naman nakakasigurado na magtatagumpay ka at mabibigo. Kaya kung hindi mo susubukan, paano mo malalaman? Kung natatakot ka sa maaaring maging resulta, harapin mo muna ang takot mo."
"Alam mo kasi para ka lang tumaya sa lotto. Kung tumama ka edi masaya, maganda pero ang masaklap ay tama ka na nga pero hindi ka naman tumaya. Tama nga ang mga numero pero pinalitan mo naman ng iba. Try mong itaya ang kung ano ang sa tingin mo ay tatama para kung nagkataon, maswerte ka kasi nanalo ka!" natahimik ako ng tuluyan sa mga sinabi niya at hindi ko maiwasang hindi mapa-isip.
"Hayaan mo, pag-iisipan ko!" nakangiting sagot ko. Naramdaman ko naman ang pagngiti niya at ang paghawak niya sa kamay ko.
"Mabuti naman. Pag-isipan mong mabuti huh?" dagdag pa niya.
"Sunday morning rain is falling
Steal some covers share some skin
Clouds are shrouding us in moments unforgettable
You twist to fit the mold that I am in"
Nagsimula na siyang kumanta.
Kahit araw-araw niya akong kinakantahan...hindi pa rin ako nagsasawang pakinggan ang maganda niyang boses.
"But things just get so crazy living life gets hard to do
And I would gladly hit the road get up and go if I knew
That someday it would lead me back to you
That someday it would lead me back to you"
Habang tumatagal, mas lalo kong hinahangaan ang tinig niya.
Hindi ko alam pero mas lumalala ang epekto sa akin ng bawat pagkanta niya.
"That may be all I need
In darkness she is all I see
Come and rest your bones with me
Driving slow on sunday morning
And I never want to leave"
Katulad ng mensahe ng kanta.
Parang ang tinig niya lang ang kailangan ko---mali, parang siya lang ang kailangan ko.
Siya lang ang nakikita ko sa kabila ng dilim na nakapalibot sa paligid ko. Siya lang ang nagbibigay kulay sa mundo ko....
At ayokong umalis siya sa tabi ko...Ayokong iwanan ako ni Kyungsoo.
"Fingers trace your every outline
Paint a picture with my hands
Back and forth we sway like branches in a storm
Change the weather still together when it ends"
Tulad sa kanta.
I'm using my fingers to trace his every outline...I'm using my hand to paint his picture...
Hindi ko man siya nakikita, pero nararamdaman ko kung ano ang itsura niya.
"That may be all I need
In darkness she is all I see
Come and rest your bones with me
Driving slow on sunday morning
And I never want to leave
But things just get so crazy living life gets hard to do
Sunday morning rain is falling and I'm calling out to you
Singing sunday it'll bring me back to you
Find a way to bring myself back home to you
And you may not know
That may be all I need
In darkness she is all I see
Come and rest your bones with me
Driving slow on Sunday morning and
I sometimes want to leave.
Yeah, yeah,... flower in your hair..."
Nakapagdesisyon na ako...
At sa pagkakataong ito...susubukan kong magtiwala...
Ipagkakatiwala ko ang paningin ko sa mga Doctor...
Haharapin ko ang takot ko...
Para sa'yo Kyungsoo....tataya ako...
BINABASA MO ANG
Your Song (Do Kyungsoo FF)
FanfictionIsang tinig.. Isang napakagandang tinig ang bumago sa buhay ko. Isang napakagandang tinig ang nagbigay ng kulay sa buhay ko na akala ko ay walang silbi dahil sa kalagayan ko. ---- Do Kyungsoo (D.O) FanFiction. Mehehe..Sorry sa mga wrong grammar...n...