Rhian's
Ngayon lang!
Ngayon lang ako nagkaroon ng dahilan para gumising sa umaga.
Ngayon lang nag-iba ang pakiramdam ko tuwing babangon ako sa kama.
Kung dati ay parang wala akong buhay at walang balak na bumangon, ngayon ay punong-puno ako ng enerhiya at may namumuong excitement sa aking katawan.
At dahil 'yon kay Kyungsoo.
Sabi niya kasi araw-araw niya akong pupuntahan at ipapasyal kaya ibig sabihin lang noon ay araw-araw kong maririnig ang maganda niyang tinig at araw-araw ko ding mahahaplos ang kanyang mukha.
"Anak! Andyan na si Kyungsoo sa ibaba. Hinihintay ka na niya!" Sabi ni Mama. Ramdam ko ang saya sa kanyang tinig.
Awtomatikong gumuhit ang mga ngiti sa aking labi.
"Tulungan na kita anak." inalalayan ako ni Mama na bumaba sa hagdanan.
Mas lalong lumawak ang aking mga ngiti nang marinig ko ang tinig na'yon.
"Goodmorning Rhian. Ready ka na ba?" masiglang bungad niya sa akin.
"Ready-ing ready na." masiglang sagot ko naman. Tinulungan nila akong maupo sa wheelchair.
"Tita, mauna na po kami. 'Wag po kayong mag-alala, ako na po ang bahala kay Rhian. Hindi ko siya pababayaan!" pamama-alam ni Kyungsoo kay Mama.
"Sige! Mag-iingat kayo huh? Alagaan mo siya. Sana ay mag-enjoy ka'yo!" sagot naman ni Mama pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo.
"Bye Ma. Promise po mage-enjoy ako!" nakangiting paninigurado ko sa kanya.
Hindi ko alam pero may kung anong tuwa ang umusbong sa aking puso.
Paulit-ulit na nage-echo sa akin ang huling sinabi niya.
Hindi ko siya pababayaan!
Hindi ko siya pababayaan!
Hindi ko siya pababayaan!
Naramdaman ko na lang na nasa labas na kami dahil sa mga ingay na naririnig ko at ang mga hangin na humahaplos sa balat ko.
Naririnig ko ang mga tunog ng tambutso, ang mga nag-uusap at nagtatawanan na mga ale, mga sigaw ng mga naglalarong bata, ang mga nagtitinda ng ice cream at balot.
"Alam mo ba Rhian, masayang naglalaro ang mga bata ng tagu-taguan, masaya ding nagkwe-kwentuhan ang mga ale pati ang mga batang kumakain ng ice cream. Sana kung nakikita mo lang sila." sabi ni Kyungsoo kaya natahimik naman ako.
"Diba sabi ko sa'yo parati kitang tatanungin tungkol sa operasayon? Hindi pa din ba nagbabago ang isip mo?" tanong niya kaya mas lalo akong natahimik.
"Hindi ko kasi kayang magtiwala." mahinang sabi ko naman.
"Tulad ng sabi ko ay hindi kita pipilitin at araw-araw kitang tatanungin hanggang sa magbago ang isip mo!" Sabi naman niya at ginulo pa ng bahagya ang buhok ko.
"Nandito na tayo!" inihinto na niya ang wheelchair ko.
Napapikit ako nang humaplos ang malalamig na hangin sa aking balat. Ang sarap sa pakiramdam. Nakaka-relax.
"Ang sarap ng ihip ng hangin!" nakapikit pa ding usal ko.
"Sabi ko naman sa'yo diba?" sabi naman ni Kyungsoo.
"Asaan nga pala tayo?" tanong ko.
"Nandito tayo sa isang malawak at magandang garden. Maraming bulaklak dito at mga puno kaya presko ang ihip ng hangin." Sagot naman niya.
BINABASA MO ANG
Your Song (Do Kyungsoo FF)
FanfictionIsang tinig.. Isang napakagandang tinig ang bumago sa buhay ko. Isang napakagandang tinig ang nagbigay ng kulay sa buhay ko na akala ko ay walang silbi dahil sa kalagayan ko. ---- Do Kyungsoo (D.O) FanFiction. Mehehe..Sorry sa mga wrong grammar...n...