Five

66 5 0
                                    

Third Person's POV

Inihanda na ang operating room...

At inihanda na din ni Rhian ang sarili niya.

Handa na niyang ipa-opera ang mga mata niya.

"Rhian anak...salamat! Maraming maraming salamat! Sa wakas, makakakita ka na din!" Masayang lumuluhang sabi ng Mama ng dalaga habang nakayakap dito.

"Hindi Ma..salamat sa'yo kasi hindi ka sumuko at hindi mo ako pinabayaan." sagot ni Rhian habang hinahaplos ang likod ng ina.

Sa gilid ng kama ay masayang pinapanuod ng binata ang mag-ina.

Sobrang saya ng kanyang nararamdaman...Sa loob ng isang buwan ay napapapayag niya ang dalaga. Sa wakas.

Hindi niya alam pero sa kabila ng saya ay may nararamdaman siyang takot...

Takot na baka hindi na siya nito makilala pa..Natatakot siya na baka 'pag nakakita na ang dalaga, ay hindi na siya nito pansinin pa.

Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan niya na nakakapagpa-kaba sa kanya. Hindi niya alam kung bakit sobrang apektado siya.

"Kyungsoo!" natinag siya nang tawagin ng dalaga ang kanyang pangalan.

Isinantabi niya muna ang mga isipin saka ngumiti at lumapit sa dalaga.

"Hmmm?"

"Huwag mo kong iiwan ah? 'Wag kang aalis sa tabi ko. Gusto ko kapag nakakita na ako, ikaw ang unang taong makikita ko!" malambing na sabi ng dalaga na nagpalakas ng tibok ng puso ng binata.

Hinawakan niya ang kamay ng dalaga bago magsalita.

"Dito lang ako..hindi kita iiwan!" malambing na sagot nito na nakapag-pangiti sa dalaga.

"Mrs. ready na po ang O.R. ready na po ba si Ms. Rhian?" tanong ng pumasok ng nurse.

"Anak ready ka na ba?" tanong ng ina.

"Ready na 'ko Ma!" sagot naman ng dalaga.

Nakangiting tinanguan ng ina ang nurse.

Sinamahan nila si Rhian hanggang sa pinto ng O.R.

"Kyungsoo, 'wag mo 'kong iiwan huh? 'Wag kang aalis!" pahabol na sigaw ng dalaga bago tuluyang makapasok sa O.R.

....

Hindi mapakali si Kyungsoo sa kakahintay. Ilang oras na ang nakakalipas pero hindi pa din sila natatapos.

Palakad-lakad siya at pabalik-balik, hindi niya alam kung paano niya ikakalma ang sarili.

Kinakabahan siya sa magiging resulta. Excited siya pero natatakot at the same time. Mixed emotions.

"Doc. kamusta po?" agad na nilapitan ng binata ang lumabas ng Doctor mula sa O.R.

"The operation is successful!" nakangiting sagot ng Doctor at ti-nap ang balikat ng binata na ngayon ay nakasilay ang isang magandang ngiti sa mukha.

"Salamat po Doc. salamat!" masayang sabi ng binata.

"Hintayin niyo na lang siya sa room niya!" sabi ng Doctor bago tuluyang umalis.

Tulad nang ipinangako ay hindi umalis ang binata sa tabi ng dalaga hanggang sa magising ito. Mabilis na tumawag ng Doctor ang binata upang matignan na kaagad ang kalagayan ng dalaga.

Nang makarating ay napag-usapang ngayon na tatanggalin ang takip sa kanyang mata at ngayon na din malalaman kung makakakita na siya.

Dahan-dahang tinanggal ng Doctor ang benda at ang eye patch.

Habang tinatanggal ang mga iyon ay halata sa mga mukha ng binata at ng ina ang kaba.

"Dahan-dahan mong imulat ang mata mo hija..'Wag mong pu-pwersahin!" paalala ng Doctor.

Pero bago imulat ng dalaga ang mga mata ay tinawag niya muna ang binata't pinalapit sa kanya at hinawakan ang kamay.

Nang magdampi ang kanilang mga kamay ay saka pa lang dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata...

"A-anak, a-ano na?" kinakabahang ani ng kanyang Mama.

Ipinikit muli ng dalaga ang kanyang mga mata sandali bago ulit ito buksan.

"May nakikita ka na ba hija?!" tanong ng Doctor.

Biglang tumulo ang mga luha ng dalaga kaya't mas hinigpitan ni Kyungsoo ang pagkakahawak sa kanyang kamay.

"B-bakit madilim parin?!" nag-aalalang tanong ng dalaga.

Bakit wala pa din siyang makita ?

"Rhian!" nag-aalalang sabi ni Kyungsoo na abalang pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ng dalaga.

-----

A/N: Sareehh sa late update okeh? Sareehh huh sareehh! XD

Nakuu, paano ba 'yun? 'Di successful ang operation :(

Your Song (Do Kyungsoo FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon