Rhian's...
Eto na naman ako sa ganitong sitwasyon.
Gigising na naman na kadiliman ang sasalubong sa pagmulat ng aking mga mata.
"Anak! Tulungan na kita!" inalalayan ako ni Mama at siya na din ang naglagay ng toothpaste sa toothbrush ko.
"Salamat Ma!"
"Ahhh..Bilisan mo anak. Mayroon akong sorpresa sa'yo!" mukhang excited na sabi ni Mama.
"Ano naman 'yon Ma?" medyo natatawang tanong ko pagkatapos magmumog ng tubig.
"Sa baba hehehe." mukhang masaya talaga si Mama ah..nakakapanibago.
"Dahan-dahan!" inalalayan ako ni Mama pababa ng hagdanan. Sabi ni Mama,second floor daw itong bahay namin.
"Maupo ka na!" Ini-upo niya ako sa may sofa.
"Anak! Alam mo bang naka-ipon na ako ng pera at pwede ka na naming mapa-operahan para makakita ka na!" natutuwang sabi niya na ikinagulat ko.
"M-ma! Ayokong magpa-opera!" umiiling na sabi ko.
"H-huh? P-pero anak,diba sabi mo gusto mong makakita? E-eto na ang pagkakataon mo para makakita!" pangungumbinsi sa akin ni Mama habang hawak-hawak niya ang kamay ko.
"Ma! Oo,gusto kong makakita! Sawa na ako sa ganitong klase ng pamumuhay pero wala akong tiwala sa mga Doctor na 'yan. Baka mamaya, mas lalo pang lumala ang sitwasyon ko at masayang lang ang pera niyo! Ayoko!" tumaas na ang boses ko. Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko.
"P-pero anak---" hindi ko na pinatapos pa si Mama at naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Kaya ko naman.
Pagkapasok ko sa kwarto ay hinanap ko kaagad ang kama ko at nang makapa ko na ito ay doon na ako humagulgol.
Hindi naman kasi nila ako mapapagaling. Baka lumala pa ang sitwasyon ko kapag pinagkatiwala ko sa kanila ang mga mata ko.
Hindi ako nagtitiwala sa kanila.
"You think I'm so full of it, Full of it
But I think I'm just fed up baby"
Napatigil ako nang marinig ko ang pamilyar na boses.
"You think I can be So arrogant, arrogant
But I'm just Tryna to keep My head up, baby"
Ang napakagandang tinig na iyon.
"Kyungsoo?"
"You think I'm Procrastinate baby
But I think I'm taking my time"
Walang sumagot pero patuloy pa din sa pagkanta ang tinig na iyon.
"You think You need to leave
But I think I disagree but"
"Kyungsoo andyan ka ba?"
"If you believe You'll do best Without me
I'll let it go girl It's over
But before We say good bye
Lets give it a try
If you leave Then baby I'll leave
I'll let it go girl It's over
But I have no doubt We can work it out"
"Kyungsoo? Andito ka ba?" tanong ko pa ulit nang mawala na ang tinig na iyon.
"Hello Rhian! Nagustuhan mo ba ang kanta ko?" napangiti kaagad ako nang marinig ko ang boses niya at nang maramdaman ko ang mga yabag niya na papalapit sa akin.
"Uh-um! Gustong-gusto ko! Ang galing-galing mo talaga Kyungsoo!" naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.
"Kung ganon, bakit ka umiiyak? Niloloko mo naman ata ako eh! Ganoon ba kapangit ang boses ko at napa-iyak ka na diyan huh?" pinunasan niya ang mga luha ko. Hindi ko alam pero parang naramdaman ko ang tinatawag nilang 'kilig'.
"Naku,hindi kita niloloko Kyungsoo. Totoong maganda ang boses mo. Wala lang itong mga luha na ito, masakit lang sila at nagluluha talaga ako kapagka umaga!" depensa ko habang nagha-hand gesture pa. Syempre,nagsinungaling lang ako. Ayaw kong sabihin sa kanya ang totoong dahilan.
"Hindi ako naniniwalang masakit lang ang mata mo. Alam mo kasi, nandito ako kanina pa kaya ibig sabihin ay...ay nakita ko ang lahat ng nangyari kanina!" Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ka agad ako nakapagsalita.
"Rhian,bakit ba ayaw mong magpa-opera? Ayaw mo bang makakita?" tanong niya kaya napayuko ako.
"Wala akong tiwala sa mga Doctor Kyungsoo. Hindi ko kayang magtiwala!" mahinang sagot ko habang umiiling.
Hinawakan niya ang kamay ko at parang may kung anong kumiliti sa puso ko.
"Hindi kita pipilitin,'wag kang mag-alala. Pero sana pag-isipan mong mabuti kasi pagkakataon mo na ito. Lagi kitang tatanungin tungkol diyan at hihintayin ko ang pag-payag mo!" mahinahong sabi niya habang pisil-pisil ang mga kamay ko.
Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang luha ko. Hindi dahil sa malungkot ako kundi dahil sa ang saya-saya ko.
Dahil sa taong ito, pakiramdam ko,hindi na ako nag-iisa ngayon.
"Salamat Kyungsoo..pero teka! Paano ka napunta dito?" tanong ko kasi hindi naman niya alam ang bahay ko.
"Hinanap ako ng Mama mo at nung magkita kami ay pinaki-usapan niya ako na dalawin ka. Gusto ka daw niyang maging masaya. Sabi niya, masaya ka daw nung nakilala mo ako,totoo ba 'yon?" malambing na tanong niya.
"Pero sa tingin ko ay hindi ka masaya,tignan mo oh! Umiiyak ka!" dagdag pa niya at pinunasan ang mga luha ko.
"Hindi totoo 'yan. Masaya talaga ako kasi nandito ka Kyungsoo. Naiiyak lang ako kasi sobrang saya ko! Pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa kasi kasama kita!" umiiling na paliwanag ko.
Tumawa siya ng mahina at hinawi ang buhok ko na humaharang sa aking mukha.
Third Person's POV
"Kung gayon, simula ngayon magkaibigan na tayo! Araw-araw na kitang pupuntahan at ipapasyal!" nakangiting sabi ni Kyungsoo. Hindi niya alam pero nagkaroon siya ng kagustuhang pasayahin ang dalaga.
"M-magkaibigan na tayo? T-totoo ba?!" paninigurado ni Rhian. Nanggigilid na din ang kanyang mga luha sa sobrang kasiyahan.
"Oo Rhian. Magkaibigan na tayo! Totoo 'yun at lagi kitang pasisiyahin!" nakangiting sabi ng binata.
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ng dalaga.
Sa wakas, nagkaroon na din siya ng kaibigan...
"Umiiyak ka na naman!" muli, ay pinunasan ng binata ang mga luha ng dalaga.
"Pwede ba kitang yakapin?!" nabigla ang binata sa tanong ng dalaga at sa biglaang pagyakap nito sa kanya.
Parang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso at hindi alam ang gagawin ngunit nabigla man ay hinayaan niya na lang ito at niyakap pabalik.
"Masaya ako Kyungsoo. Masayang-masaya ako! Salamat sa'yo!"
Pagkabitaw sa pagkakayakap ay hinawakan ng dalaga ang mukha ng binata. Muli, ay pinag-aralan niya ang bawat parte ng kanyang mukha. Nang sa ganoon ay makilala niya talaga ang nagmamay-ari ng napakagandang tinig.

BINABASA MO ANG
Your Song (Do Kyungsoo FF)
FanfictionIsang tinig.. Isang napakagandang tinig ang bumago sa buhay ko. Isang napakagandang tinig ang nagbigay ng kulay sa buhay ko na akala ko ay walang silbi dahil sa kalagayan ko. ---- Do Kyungsoo (D.O) FanFiction. Mehehe..Sorry sa mga wrong grammar...n...