SIMULA PA NUNG UNA

513 5 0
                                    

Simula pa nung una?
Nung nakita ko ang iyong mga mata.
Tila ang puso ko ay tumitibok ng todo.
Na hindi malaman ang gagawin.
Ang mga pawis na bumabagsak.
Ang katabing napapalo sa braso sa sobrang kilig.
Naging mag kaibigan nung simula.
Sabay sa pagkain.
Sabay sa pag gala.
Na tila magkasintahan.

Yan ang simula.
Pero nung nalaman mo ang mga salitang matagal ko nang tinatago.
Mga salitang kinikim kim ko lang.
Ay bigla mong nalaman.
Hindi ko malaman.
Hindi ko malaman kung ano ang gagawin.

Isa o dalawanhg araw ang makalipas.
Tila ung simula ay nagbago.
Nagkahiyaan bandang dulo.
Hindi alam kung anong pinagbago?

Nilayuan mo ako nang walang pasabi.

Pero isang araw.
Nakita kita.
May kasama ka.
Ang ikinatakot ko ay
Yung taong ituring kong kapatid.
Yung taong tinuring ko pamilya.
Yung pinagtataka ko ay...
Bakit siya pa?
Bakit yung kaibigan ko pa!
Bakit yung kasundo ko pa?
Bakit siya pa?

Talaga bang ganito ang tadhana?
O baka naman mahal mo na ko.
O baka naman pinagseselos mo lamang ako?

Teka napapalayo na ako eh.
Nagiging assumera ako eh.
Pero maiintindihan ko naman kung ako'y layuan.
Pero bukas makalawa, kaibigan ko naman.
Maiintindihan ko kung iba tao pa eh.
Pero ang sakit eh.
Ang sakit sakit na.
Yung mga lambingan niyong parang walang tao sa inyong mga paligid.
Yung mga gala niyong parang wala kayong natatamaan.

Hindi ako manhid.
Nasasaktan din ako.
Okay lang sana eh.
Kaso sana naman wag ninyong ipadama saakin na kayo na.
Wag niyo naman sanang ipadama saakin na hindi ako yung minahal mo.

Kasi ang sakit sakit na.
Walang isang araw na hindi ko kayo nakikita.

Nang dahil diyan nasira ang ating matagal nang pagkakaibigan.
Nasira isang araw.
Sumuko ka na.

Pero teka?
Kaibigan ba talaga kita?
Noon nag oopen ako sayo tungkol saaming dalawa.
Pero hindi ko alam na fall ka na pala.
Noon halos buong pagsasama namin ay kinukuwento ko.
Yun pala interesadong-interesado ka.

Ang tangi ko lamang masasabi ay...

EH DI MAGSAMA KAYO!

Hugot Spoken, Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon