Nagsimula tayo sa "hi"
Sumagot ka naman ng "hello"
Nagdaan ang mga panahon.
Kung gaano kahaba yung edsa.
Parang ganon na rin ung convo natin.
Naging magkaibigan tayo.
Nafall ako sayo.
Umamin ako sayo.
"Gusto kita"
At dali dali mo namang sinabing.
"Totoo ba to?"
Tapos sabi ko Oo.
Tumagal tagal.
Umamin ka na din saakin ng iyong nararamdaman.
Pero makalipas ang ilang saglit.
Ilang minute.
Ilang buwan.
Nagabago ang ating pakikitungo sa isa't isa.
Naging malamig.
Mahal! malamig pa sa inaakala mo.
Hanggang sa nakita ko na lang sa convo natin.
Yung pinaka ayokong makita.
Yung luha ko na parang oras nung tayo'y magkasama.
Mabilis na pumatak.
Nakita ko...
"You can't reply to this conversaition. learn more"
Mahal! asan ung pinangako mo?
Na walang iwanan? ano man ang mangyari?
Maglalaho na lang ba?
Hindi ka naman bula para iwan ako ng napakabilis.
Pero siguro nga ito ang tama.
Siguro kailangan ko na ulit magsimula.
Paalam na.
Salamat sa lahat.
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken, Word Poetry
PoetryItong mga Spoken Poetry na'to ay yung iba ay totoo. Mga naiwan?iniwan?pinaasa?umasa? Sabay sabay tayong lumaban at magkunyaring matapang. Upang kanilang malaman. At mapagtanto na tayo ay kanilang sinayang. At iniwan nila na parang wala lang. Masaki...