Noon sabi ko sa sarili ko.
"Si Mr.Fuckboi ay dapat kong mapabago to dapat maging Mr.Loyal to"pero hanggang dun na lang eh.
Nung nakilala mo siya.
Na parang siya na.
Na parang wala ng ako sa mundo niyo.
Yung wala yung pagakkaibigan natin.
Nawala nung nakilala mo siya.
Siya na lang lagi yung pangalan.
Pangalan na nakikita ko.
Nakikita ko sa mga chat mo.
Sa mga chat mo saakin.
Nung isang araw.
Natuwa pa ko kasi pagkagising ko.
Ikaw ang bumungad sa chat.
Pero ito nanaman ako.
Umaasa sa "goodmorning" mo.
Pero masamang balita!
Sinabi mong kayo na!
Pero teka...
Matutuwa ba ko?
O malulungkot?
Kasi yung kaibigan kong lagi kong kasama.
May iba na...
Sa mga tinginan natin NOON.
Mga sanadaling magkasama tayo NOON.
Mga asaran natin sa isa't isa NOON.
Mga NOON na hinding hindi na mababalik pa.
Kasi siya na.
Siya na at hindi ako.
At hinding hindi magiging ako.
Kasi akala ko ako na...
Akala ko ako na yung magpapabago.
Yung magpalabago sa "Mr.Fuckboi"
Yun pala iba.
Iba yung nagpabago sayo.
Nagpabago sa "Mr.Loyal"
Pero ito nanaman ako.
Patuloy an umaasa.
Pero nagchat ka.
Yung chat mo noon na kinakasaya ko.
Pero ngayon yung dating halos mamatay sa kilig dahil sa sweet message mo.
Ay parang biglang...
Gusto ko ng mamatay sa lungkot.
Kasi parang may pumalit na sa pwesto ko...
Ay hindi may pumalit na pala.
Tapos sabi mo...
"Wag ka na ulit magchachat ha"
tinanong ko kung bakit sabi mo...
"Loyal na ko sa kaniya."
Oo! naiintindihan kong loyal ak na sa kaniya.
Pero bakit pati ang pagkakaibigan natin.
Na wala...
Siguro nga...
Kailangan ko ng tanggapin.
Na wala ka na saaking piling.
Salamat sa lahat.
Sa pagpapatawa saakin sa tuwing marami akong problema.
Sa pangungurot sa pisnge ko.
Sa pang-aasar.
Salamat.
Nagpapasalamat din ako sa kaniya...
Kasi yung dapat na ako yung gagawa.
Ay ginawa na niya.
Paalam.
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken, Word Poetry
PoesíaItong mga Spoken Poetry na'to ay yung iba ay totoo. Mga naiwan?iniwan?pinaasa?umasa? Sabay sabay tayong lumaban at magkunyaring matapang. Upang kanilang malaman. At mapagtanto na tayo ay kanilang sinayang. At iniwan nila na parang wala lang. Masaki...