Chapter 18

594 8 3
                                    

Chapter 18

Julie's POV

Habang kumakanta si Dercky Babes, nakatingin lang siya sakin the whole time. Ramdam kong special pa rin ako sa kanya just like the old times. He used to sing what he feels towards me.

Kahit dati pa, alam kong magaling na siyang kumanta. Unlike kay Elmo na rap ang forte. Lately na lang siya nag-improve sa singing. Seeing Derrick, ang daming nagbago sa kanya. Lalo siyang gumwapo at mas naging fit. Dati kasi medyo chubby siya kaya lagi kong pinipisil ang healthy cheeks niya. Nakakatuwa nga kasi hindi pa rin niya ako nalilimutan. Kasi nga childhood sweethearts kami diba? Naalala ko pa nung nagpaalam si Dercky Babes kay Daddy nung 7th Birthday ko na liligawan niya raw ako...

Flashback

9 years ago...

Naglalakad kami pauwi nina Mosey at Dercky galing kasi kami sa park. Nakilala nga namin sina Ate Marian at Kuya Dingdong, magboyfriend-girlfriend sila.

"Julie, mauna na 'ko sa inyo. At may sasabihin pa yang si Pareng Dercky sayo eh." sabi ni Elmo saka tumakbo pauwi sa bahay nila. Ano na namang trip ng dalawang 'to!

"Hoy Mosey! Ano ba naman yun! Tsk." Sigaw ko pa kay Elmo pero deadma lang siya. Tumingin naman ako kay Dercky ng ano-yung-sasabihin-mo look.

"Ah.. Eh.. K-kasi JA..." Paputol-putol na sabi niya. Ano ba naman 'to?!

"Umayos ka nga diyan. Para kang tanga! Di bagay sayo. Hahaha!" Natatawa kong sabi. Mukha kasi siyang ewan. Haha.

"Kasi JA, ano kasi..." di niya matuloy yung sinasabi niya kaya pinandilatan ko siya ng mata. "C-c-crush kasi kita eh... Pero p-parang ano na eh... Parang love na... G-gusto k-kitang ligawan." Nahihiyang sabi niya.

First time niya ata mahiya ah. Haha. Pero nagulat naman ako dun. Hala! Ang bata pa kaya namin.

"Hoy! Wag ka nga! Joke time ka na naman." Hinampas ko pa siya ng mahina sa braso.

"Hey! I'm not joking. I'm serious. Ipapaalam pa kita kay Tito Jonathan bukas kita mo." Seryosong sabi ni Dercky. Kinikilig naman ako. Yiee!!!

Crush ko rin kasi siya. Nung una kasi kaming magkita tinulungan niya ko sa mga nang-aaway sakin. Which is first time na may gumawa sa akin. Si Elmo kasi, ako ang laging tumutulong or nagtatanggol sa kanya. Tapos sobrang cute ni Dercky. Waaah!!!

"Okay sige, naniniwala na ako. Pero sa ipapaalam mo ko kay Daddy? Goodluck sayo. Ang bata pa kaya natin!"

"Ako na bahala dun. Advance happy birthday! Tara bilisan na natin at nang makauwi ka na. Baka mapagalitan ka pa." Sabi ni Dercky saka hinawakan ang kamay ko at medyo binilisan yung lakad namin.

"Thank you Dercky! Ingat pauwi." Sabi ko at kiniss siya sa cheeks saka ako tumakbo papasok ng bahay. Hahaha!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sobrang saya lang ng birthday party ko. Princess na princess ang dating ko. Ang partner ko? Syempre si..... Dercky. Hehe. Si Mosey naman, isa rin siyang prince kaso wala siyang partner. Fairytale Costume party pala ang theme ng party.

Natapos ang party pero nagpaiwan si Dercky sa bahay. Mukhang seryoso nga siya sa sinabi niya kagabi. Hay nako, bahala siya. Pasalamat siya crush ko din siya.

Nasa living room kaming lahat. Ako, si Daddy, Mommy, Baby Joanna at si Dercky.

"Tito, may sasabihin po sana ako sa inyo ni Tita." Out of nowhere na sabi ni Dercky. Hala siya!

Can We Stay Like This FOREVER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon