Chapter 29
Julie's POV
Months have passed and ganito pa rin kami. Ang bilis nga dahil konting kembot nalang 2nd year college na kami. Naging busy kami sa kanya-kanya naming activities. Lalo naman ako 'no! As president ng CommArts department ang dami kong kailangang gawin. Plus yung mga paglapit sakin ng mga students para sa kung ano mang tanong o problema nila regarding sa department namin. Hayy. At syempre, yung LMT pa. Kailangan naming magpresent ng isang musical play para sa foundation day. At hindi kami dapat pumalpak, nakakahiya.
Here we are sa tambayan, super busy. We are currently working on the musical play na ippresent namin. Bukod sakin na president ng LMT slash leader ng Singing group, officer din ang barkada sa organization. Assistant ko naman si Maqui. VP ko si Moe. Secretary si Yassi. Treasurer si Lexi. Leader ng Dancing group si Sef. Leader sa Acting group si Babes. Si André, Kris at Joyce naman, assistant naming mga leader.
Ngayon, nakuha na namin yung draft ng plot na gagamitin for the musical play. Ang kailangan nalang naming gawin ay lapatan ng script ang draft. Pati na rin yung mga props na kailangang gamitin. Hindi pa nga nakakapili ng mga gaganap sa bawat character. Syempre, ihuhuli namin yun.
"Juls! Break muna! Napipiga na yung utak ko." Reklamo ni Maqui.
"Oo nga, Babes. Wala na 'kong maisip. Dapat kasi binigay mo nalang kina Rita yung sa scriptwriting." Pang-aagree naman nitong si Babes.
"Hindi naman tayo magpapakahirap dito kung may ibang gagawa 'no. And may I remind you guys, nasakin po yung mahigit kalahati ng scenes. Tig-3 scenes lang yung binigay ko sa inyo tapos yung iba pa diyan filler lang." Pagr-remind ko sakanila.
"Know what? Kumain nalang tayo. Gutom lang yan eh. Nagpadeliver na ko ng pizza. Parating na siguro yon." Awat ni Elmo.
Tinapik naman siya ni Sef sa balikat. "Galing mo, dude. Kaya idol kita eh. Pero teka, nakapagpadeliver ka na? Bilis ah."
Pabirong binato ng unan ni Elmo si Sef. "Oo, kanina pa. Habang pinapaulanan niyo ng reklamo yang si Julie, nagpadeliver na 'ko. Wag na rin kayong mag-alala. Kami na magbabayad ni Japs ng pizza dahil alam kong mga mukha kayong libre." Paliwanag niya na ikinagulat ko. Ako? Manlilibre?
"Hoy Magalona! Bakit damay ako diyan? Ikaw nakaisip niyan eh! Tsaka mukha rin akong libre no!" Bulyaw ko sakanya.
"Pambawi mo na sa kanila yan, Japs. Tsaka minsan ka lang manlibre 'no."
"Tsk. Oo na! May magagawa pa ba, nakapagpadeliver ka na eh."
Dumating na yung pizza at ayun nga kumain na kami. Mga ilang minuto lang ang itinagal ng pizza samin. Pasensiya, gutom talaga kami eh.
Tok! Tok! Tok!
"Kris, pakibukas nung pinto." Sabi ko.
"Hi, Jas! Ikaw pala." Rinig naming bati ni Kris sa taong nasa pinto. "Pasok ka."
Naramdaman ko namang tumayo agad si Elmo na nasa tabi ko rin.
"Hi, hon!" Sabi ni Elmo then nagbeso siya kay Jasmine.
"Hi, Jas!" Isa-isa kaming nagbeso sa kanya.
"Hi guys!" Bati niya samin pabalik.
Yung nangyari before about sa pagtutol nila kay Jasmine? Wala na yun. Hindi naman kasi sila talaga tutol. They were just curious about it. So yun, ayos naman ang pakikitungo ng barkada kay Jas. Although, may iba talagang group of friends si Jas. As for me and Derrick, ganun pa rin. MU kami for now. I don't think I can handle a relationship just yet. Basta. Kasi I have this feeling na parang may kulang. I don't know what is it. Basta may kulang. And gusto ko, when the time comes na I'll give my yes to him ay sigurado na ako and alam kong I have no reservations.
BINABASA MO ANG
Can We Stay Like This FOREVER?
FanfictionA cliché love story. She loves him but unfortunately he loves someone else. But there's a sudden event that they realize something that they already have. Something that will make their hearts unstill.