Luke's POV
When I see your face, there's not a thing that I would change.
'Cause your amazing,just the way you are...Andito ako ngayon sa balkon nagpapaantok habang naggigitara.
"Just the Way You Are" nga ang kinakanta ko habang na-iimagine ko ang magandang mukha ni Trish.Kaya naman pala di magkamayaw ang mga schoolmates namin ng malaman nilang may transferee daw sa school.Kahit nga ang mga loko kong pinsan eh di mapigilan ang mga ngiti habang pinag-uusapan ang ka-batch nila.
Tama nga sila,ang ganda nya.
Yung tipong kahit ihalo mo sa crowd eh mapapansin pa rin ang ganda nya.Proof na nga ng di maitatanggi na appreciation sa beauty nya ay ang walang kasawaang pag nominate at pag boto sa kanya ng mga classmates ko maging ng iba pang kalahi ni adan sa lahat ng level nung nakaraang election ng organizations the other day.Nung una ay mukhang genuine pa ang ngiti nya pero nung nakailang akyat na sya sa stage eh parang medyo ngumingiwi na sya.Napangiti ako ng maalala ko ang moment when I first laid my eyes on her.
I respectfully nominate Ms. Trisha Janine Castro from star section of grade nine to be the club's muse. Sabi ng classmate kong si Mike.Pagkatapos ng nomination ay tinawag na ang mga candidates for their presentation.Nang makita kong umakyat sa stage ang new student ng star section ay literal na napanganga ako habang sinusundan sya ng tingin.
Wow! hiyaw ng utak ko. Pero mukhang nasabi ko yun ng malakas dahil siniko ako ni Mark sabay sabing ganda nya noh?! Liligawan ko yan.Nginisihan ko lang sya at ibinalik na ang tingin sa babaeng nakangiti sa stage.
Mahaba at alon-alon ang medyo blonde nyang buhok.Medyo singkit na mata na binagayan ng matangos na ilong,rosy cheeks at mapulang heart shaped lips.Medyo chubby sya pero bagay lang sa height nya. Maputi sya parang labanos at ang kinis.
Ng mag botohan na,syempre sa kanya ako bumoto at hindi sa classmate naming si Michelle.Ganun din ang ginawa ko at ng iba pa naming classmate hanggang matapos ang election at ilang ulit pa syang na nominate at twina ay sya ang panalo.Halos pinakyaw na ang lahat ng clubs sa pagiging muse.
Crush at First Sight 😚 naisaloob ko.
At magmula nga noon.Inspired na akong gumawa ng mga sulat para kay Trish pero andun lang lahat sa study table ko. Wala pa akong lakas ng loob na iabot o ipaabot yun sa dalaga. Sa ngayon ay masaya na ako na nakakasalubong sya araw-araw sa school grounds at tinatanaw tuwing recess sa canteen.Trisha's POV
Lumipas ang one week .So far,okay naman ako at inaalalayan ako makapag- adjust ng new found friends ko. Masaya ako at kahit paano ay hindi naman ako masyadong nahihirapan gaya ng winu-worry ko nung malaman ko na magtatransfer nga ako at kay lola mag-istay.
Paano masyadong strict si lola. Bawal humalakhak,tumakbo,sumigaw at kung anu-ano pang hindi daw gawain ng isang dalaga.At ang pinaka petmalu tuwing magsisimba kami ay lagi akong naka dress. As in! Hindi ako pwedeng mag maong pants or mini skirt man lang kasi maieskandalo daw ang taong simbahan.
Pero ang hindi alam ni lola. Humahataw ang beauty ko sa school hehe😁. Araw-araw na lang may nag aabot sa akin ng sulat.Minsan naman flowers na pinitas lang ata sa garden ng school.Pero syempre,malugod ko naman yung tinatanggap baka sabihin nila ang yabang ko kung magsusuplada ako.Kaya lang,ang nakakalungkot eh yung mga grade ten students na madalas na umiismid sa akin at nagpaparinig na flirt daw ako.Gusto na ngang patulan nila Jenny pero sabi ko ay pabayaan na lang at wag ng pansinin.
Tuwing may vacant period kami ay magkakasama naming binabasa ang mga sulat na natatanggap.Halos araw-araw ay may natatanggap akong mahigit sa tatlong liham.
Tulad na lang ngayon, andito kaming apat sa ilalim ng puno ng talisay sa likod ng physics lab at pinagtatawanan ang liham na ipinadala ni Joel daw.Pano ba naman sabi sa sulat eh Ang sulat kong pangit,kapag napunit ikaw ang kapalit. Eewww! oa na sabi ni Lucille sabay tirik pa ng mata.Nagtawanan kami at sabay-sabay ding tumahimik nang dumaan si Ms.Santos ang old maid slash strict slash not so pretty Filipino teacher namin.Sinamaan nya kami ng tingin pero dumiretso na din sa aisle na patungo sa faculty room.
Nag decide na kaming pumunta sa classroom namin dahil sweeper kami ngayon.Wala pa ang iba naming ka grupo ng dumating kami. Naglinis na rin kami at bahala na yung iba naming ka grupo na marahil ay tumakas na naman.After maglinis ay umuwi na rin kami.
After ng dinner,nagpaalam na ako kay lola na aakyat na sa aking silid para gumawa ng assignments.Pero ang totoo,magbabasa lang ako ng mga love letters na medyo nakakakilig. There's this guy na ilang ulit ng nagpapadala ng sulat and I find his thoughts so nakakakilig kaya minsan ay binabasa ko pa ulit yun bago matulog kahit na nabasa na naming magkakaibigan sa school.
Kailan naman kaya magpapakilala sa akin ng personal si Mr. Interesting? Naitanong ko out of the blue.
Binuksan ko na ang aking mp3 player para magpa antok at sinet sa auto off after two hours dahil malamang ay tulog na ako ng mga oras na yun.
A.N.
How do you find the story po? Okay naman ba ang flow and nagustuhan nyo po ba?
Comments are very much welcome☺
Don't forget to press the ⭐ below.
Thanks.
BINABASA MO ANG
Sad Song
Teen FictionHigh School Life First Crush First Love First Heartbreak Trisha and Luke almost had their beautiful love story during High School. Full of dreams and aspirations. Pero dahil sa tadhana na hindi umaayon sa kanilang pag-iibigan things got so hard to h...