Chapter 4 - Intramurals (Part II)

31 3 0
                                    


Masigla ang atmosphere sa St.Joseph High.First day ng week long celebration ng Intramurals.

Tumutugtog na ang DLC  habang nagsisimula ng mapuno ang school grounds dahil magsisimula na ang parade.Hawak ng muse ng bawat year level ang banner ng kanilang batch.

After ng parade ay nagsimula na ang opening ceremony para sa celebration ng Intramurals.

Isang buong linggo na magiging active ang mga players ng school at maging ang ibang members ng iba't-ibang organization ay maari ring mag-enjoy sa pag-iikot sa mga booths na nagkalat sa school ground.

Pagkatapos ng laban nya ay nagpaalam sandali si Luke na may aasikasuhin sya.Pumayag naman si coach dahil bukas na ang susunod na laro nya.

Pagkaalis sa tennis court ay mabilis na nag-ikot si Luke.His eyes were busy scanning the campus.

Biglang napaatras at mabilis na nagkubli sya ng marinig ang nagkakagulong magkakaibigan sa garden sa likod ng office ng west moonson o ang school gazette ng St. Joseph High.

Tila nagtatalo ang mga ito.Umupo sya sa ilalim ng puno ng mangga malapit sa magkakaibigan ngunit hindi naman sya exposed sa view ng mga dalagita.

Kasabay ng pagtahimik ng tatlong kaibigan ni Trish ay sinimulan na ng dalaga ang pagtipa sa kanyang pink na gitara.

You're the one that never let me sleep...

Napakaganda pala ng boses nya.Bagay na bagay sa mala anghel nyang mukha.Di ko mapigilan ang paghanga sa dalaga.Habang kumakanta ay may ilang hibla ng kanyang nakalugay na buhok ang nakawala at marahang tumatabing sa kanyang mukha.Lalo tuloy syang nagmukhang inosente.

You're love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside

You're love is like the river
That flows down thru my veins
I feel the chill inside

You're love.Yun pala ang kakantahin ni Trish para sa talent presentation nya.Excited na akong panoorin sya.Di pa man ay naiimagine ko ng marami ang hahanga sa kanyang talent sa pagkanta.Baka nga pagkatapos ng Intrams ay irecruit sya ni Ms.Chua na sumali sa glee club.

Haaaay lalo akong naiinlove sayo aking angel.Sino ba naman ang hindi?Full package na.Maganda,matalino,mahinhin at ang galing pang kumanta.

Ang swerte ko naman kapag sinagot mo na ako😁.

Mabilis na nagkubli sa likod ng mga halaman si Luke ng marinig nyang aalis na ang magkakaibigan upang manuod ng iba pang laro.

Nang mawala na sa paningin ang apat ay masaya na syang bumalik sa field upang malaya na naman nyang mapagmasdan ang kagandahang kanyang labis na hinahangaan.

Pagkatapos nyang mag practice ng piece na kakantahin para sa talent portion sa darating na pageant night ay napagpasyahan nilang magkakaibigan na manuod sandali ng games bago sila umuwi.Kahit na wala pa naman silang participation ngayong first day ng Intrams ay
obligado silang pumunta sa school para sa attendance na minumonitor ng kanilang class adviser.

Habang busy ang lahat ay pumunta sila sa garden ng HQ ng editorial staff para doon mag practice ng kanyang piece.Masaya siya ng sabihin ng mga kaibigan na maganda daw ang napili nyang kantahin at malaki ang chance na makuha nya ang best in talent na award.

Sana nga,makuha lang nya ang talent award ay masaya na sya dahil hindi na sya uuwing luhaan.

Ready na ang lahat ng kakailanganin nya sa pageant.Suportado naman sya ng kanyang abuela.Maging ang kanyang mga pinsan ay matyagang nag ipon ng talulot ng niyog ng malamang iyon ang gagamitin nyang materials para sa kanyang ethnic attire na tinahi din ng kanyang abuela.

Maging ang mama at papa ni Trish ay panay ang tawag at nagpadala pa ng mga tips lalong lalo na sa mga possible questions na maari raw nyang pag-aralan para hindi sya ma mental blocked.

Dalawang tulog na lang  ay sasabak na ako sa pageant.Sana po ay wag naman ako maging kulelat.Piping dasal ni Trish bago sya hilahin ng antok.

Sad SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon