Chapter 9 - Musical Night

13 3 0
                                    

Trish POV

Masaya kaming tumulong ng mga kaibigan ko sa pag decorate ng stage.
Mamayang gabi na kasi ang last night ng camping event at musical night na rin kung saan may showcase of talents ang mga participating schools.

After ng decorating participation ay napag desisyonan naming magkakaibigan na pumunta na muna sa aming favorite tambayan para makapag bonding habang free time pa namin.

Nang marating ang secret garden, agad akong inulan ng tanong ng mga bruha kong kaibigan tungkol sa ginawa namin kanina ni Luke dito rin sa same na lugar na tinatambayan namin ngayon.

So, Trish nagtapat na ba?  pilyong tanong ni Jenny sa akin. Umismid ako kunyari pero deep inside ay natatawa ako sa kanila. Ano bang pinagsasabi nyo? Nag practice lang nga kami para sa presentation namin mamaya.Pigil ang ngiti kong sagot sa makulit na si Jenny.

Pero ayaw pa rin talaga tumigil ng mga bruha, Nag practice?!  May pa picnic basket at picnic mat tapos practice lang talaga? OA na nakamulagat pa na tanong ni Maricel.

So, yun pala ang ipinunta natin dito? imbyerna kong tanong sa kanila.
Gusto nyo lang pala ako iinterogate tungkol sa panliligaw kamo ni Luke? Pwede ba girls, tigilan nyo na yan dahil hindi naman talaga nanliligaw yung tao. For all we know, baka he was just trying to be nice dahil madalas kaming magkasama sa mga performance namin. Saka, baka marinig tayo nun nakakahiya noh🙄. Kaya please lang, tigilan nyo na yan. Mahaba kong litanya sa mga kaibigan ko.

Sabay sabay naman na kunwari ay nagsara ng zipper sa kanilang bibig ang mga bruha. Napailing na lang ako habang naka ngiti.

Kahit kailan talaga ay ang kukulit nitong mga kaibigan ko. Pero, hindi ko rin naman sila ipagpapalit. For they are one of a kind.  Yung tipong sasabihin sayo kung ano ang nasa isip nila. Either it will boost your ego or would ruin your mood.. they don't care. Kasi if ma misunderstood naman ang kanilang intention they would apologize and will never let you leave ng hindi nagkakaintindihan.

That's why I love them so.

After almost an hour, napag desisyonan na namin na bumalik na sa tent para mag ready sa gaganapin na musical contest mamaya.

At exactly 7:30 lahat kami ay nasa covered court na, waiting anxiously for the event to start. Ay, ako lang pala ang anxious😊hehe! Sino ba naman ang hindi kakabahan, gayong lahat ng  participating schools ay may mga students na manunuod sa performance namin. Pano kung magkalat ako mamaya😣 grrrrr!

Aray! siniko ako ni Lucille. Masakit yun ah!  Problema mo ba?! paagsik kong bulong sa bruhang nanakit sa akin. Ang likot mo kaya! saka ang sakit na din ng hita ko kakakurot mo noh. Paismid na sagot ng bruha. Unknowingly kinukurot ko na pala ang katabi ko, one of my mannerism pag kinakabahan ako.

Hehe! Sorry naman. Kinakabahan kasi ako girl. nakangiwi kong sabi kay Lucille. Automatic naman na lumingon si Jenny at Maricel. Ano ba kailangan mo gawin para mawala yang kaba mo? concerned na tanong ni Jenny.

Nothing, mamaya pag nasa stage na ako magiging kalmado na din ako☺

So, meaning si fafa Luke pala ang makakapagpakalma sa kanya. Maldita talaga to si Lucille. Nakita kong siniko din sya ni Jenny at tumahimik na kami.

After ng ilang presentor ay tinawag na ang pangalan ng school namin. Kami ang huling magpiperform dahil kami ang host. Pagpasok ko sa backstage ay naabutan ko ng naghihintay ang nakangiting si Luke.

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko sabay ngiti sa binatang kaharap ko.

whew!  lalim ah☺ puna nya pero niyakag na din nya akong lumabas sa stage.

May dalawang upuan sa gitna ng stage. Si Luke ang tutugtog ng gitara at dahil duet kami tig-isa din kami ng mic. He started strumming the guitar while I am starting to feel calm from my anxiety down stage.

Natapos naman kami ng matiwasay.
We bowed together after the heart warming applause we received.

Luke brought me back to our seat and waved hi to my friends. At ang mga walang hiya mukhang ilalaglag pa ako kay Luke. Hindi ko gusto ang klase ng mga ngiti sa pagmumukha ng mga baliw kong kaibigan. So, instead na ayain ko pa syang mag stay sa pwesto namin ay nagpasalamat na ako at halos ipagtabuyan ko na si Luke palayo sa mga bruha. And I succeeded😊 haha!

Katakot takot na kantyaw ang inabot ko sa mga bruha pagtalikod ni Luke. Kesyo, bagay na bagay daw talaga kami at masyado daw halata ang malagkit na tingin sa akin habang nasa stage kami.

Hindi ko na lang pinansin ang mga kaibigan kong wala na atang alam gawin kundi ang ireto ako kay Luke.
Pasimple akong umismid sa kanila only to find out pag baling ko ng tingin ay nakatitig pala sa akin si Luke sa di kalayuan or was it just namalikmata lang ako?

Bitin ba😊 bawi po ako sa next chapter.

Please don't forget to press the ⭐ below.

Thanks.

Sad SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon