Luke's POV
Huling araw na ng school affair.
Maaga akong bumangon at naligo.
Kailangan ko na rin iready ang panligo ni angel.Maari ko syang makasama ngayong umaga hanggang tanghali. Kaya excited na ako.
Magpapractice kasi kami para sa performance namin mamayang gabi.
Pagkatapos kong maligo ay nakipagkwentuhan na muna ako sa mga katent ko. Habang di ko pa nakikitang lumalabas ng tent nila si Trish ay di ako mapalagay. Kinakabahan ako. Ngayon ang first day ng aking panliligaw sa dalaga.
Habang nagkikwento si Mark ay panay ang sulyap ko sa tent nila Trish.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction nya pag nahalata nya ang mga paramdam ko. Pero bahala na.It's now or never.
Saktong 6:30 ay nakita ko ng lumabas si Trish sa tent nila dala ang isang pink na basket na marahil ay lalagyan ng mga sabon and other shower stuff.
Sa kaliwang braso naman ay nakasampay ang pink na hello kitty towel.Napangiti ako. Napaka girly talaga. Halos lahat ng gamit ay pink. Pansin ko ding hello kitty lover sya.
I made a mental note na Trish loves pink and hello kitty as well.
Nang makitang papunta na sya sa direksyon ng poso na pinag iigiban namin ay mabilis ngunit pasimple akong nagtungo rin doon upang kunyari ay mag igib. Kaya syempre may dala akong maliit na timba.
Nang matanawan ko na syang palapit ay nagkunwari akong nagulat.
Oh, maliligo ka na rin? tanong ko sa kanya.
Oo, habang natutulog pa yung iba. Mamaya mag-uunahan na naman sila dito. Ayoko makipag siksikan.
Ganun ba? Mabuti pa, ikaw na muna ang gumamit nitong inigib ko. Nakangiti kong alok sa kanya.
Naku, ano ka ba! Nakakahiya.
Nakita ko pang nag blush ang maganda kong angel.
Hindi. Okay lang talaga. Ladies first. Saka mamaya lang konti dadami na ang nakapila dito kaya pumunta ka na dun at dadalhin ko na itong tubig mo sa banyo ng mga girls.
Sa bandang huli ay napapayag ko din ang mahinhing ale.
One point for me.
Pagkapasok ni Trish sa banyo ay agad na akong bumalik sa tent. Ihahanda ko na ang mga kakailanganin namin para sa practice mamaya.
Pagkatapos ng breakfast ay aayain ko na sya para magpractice ng kakantahin namin mamayang gabi.
Saktong 7:30 ay tumunog na ang bell. Meaning pipila na kami para kumain ng almusal.
Natanaw ko si Trish na papunta na sa pila kasama ang mga kaibigan nya.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko dahil sabi ko kanina kay Trish ay dadaanan ko sya sa tent nila para sabay na kaming pumunta sa lugar kung saan kami magpapractice.
Pagkatapos ko magbihis ay ginayak ko na rin ang mga dadalhin ko sa practice namin.
Pinag-isipan namin ng mga kaibigan ko kagabi itong practice na to dahil masosolo ko si Trish. Hehe! Nekekekeleg nemen.
Nang masiguro kong ready na ang lahat ay pumunta na ako sa tent nila Trish. Sumilip ako ng kaunti at sakto namang lumingon si Jenny kaya hindi naman ako nag-antay ng matagal sa paglabas ni angel.
Hi! Ready ka na? Tanong ko paglabas nya.
Oo, tayo na?!
Wait! saan ba tayo pupunta?
Basta, dito lang din naman sa loob ng campus kasi bawal tayong lumabas.
Ah, ok.
Magkasabay na kaming naglakad patungo sa likod ng Physics room.
Yes, doon kami sa garden tatambay para mag practice.
Nakita kong ngumiti si Trish ng mahulaan nya marahil na papunta kami sa garden na paboritong tambayan nilang magkakaibigan.
Nang marating namin ang garden ay humanap na kami ng spot kung saan kami pupwesto.Pagkatapos ay nilatag ko na ang pink na picnic blanket na pwersahan kong hiniram sa pinsan kong si Teresa.
Nang maisettle ko na ang pupwestuhan namin ay inaya ko ng umupo si Trish ng makapagsimula na kami sa aming ensayo.Syempre pa, ako ang may hawak ng gitara. Hindi naman ako papayag na ang tutugtog ay ang aking prinsesa.
Nagsimula na akong tumipa habang si Trish naman ay marahang sumasabay ng hum sa kanta.
Mabuti pa sa lotto
may pag-asang manalo
di tulad sayo
imposible.Prinsesa ka
ako'y dukha
sa TV lang naman kasi
may mangyayari.At kahit mahal kita
wala akong magagawa
tanggap ko oh aking sinta
pangarap lang kita.(now it's her turn)
Ang hirap maging babae
Kung torpe yung lalaki
kahit may gusto ka
di mo masabiHindi ako yung tipong
nagbibigay motibo
Conservative ako kaya
di maaariAt kahit mahal kita
wala akong magagawa
tanggap ko oh aking sinta
pangarap lang kita.(me and Trish as second voice)
At kahit mahal kita
(minamahal kita)
Wala akong magagawa
(walang magagawa)
Tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kita
(pangarap lang kita)Yeah right. Pangarap lang nga ang tingin ko sa anghel na kumakanta sa harap ko.
And like the many other times na nakaharap ko sya, once again I was mesmerized with her angelic face.
Which I caught myself staring at her for I don't know how long until naramdaman ko na lang na may kumurot sa braso ko na syang nagpabalik sa lumilipad kong huwisyo.
Please don't forget to press the ⭐ below.
Thanks!
BINABASA MO ANG
Sad Song
Teen FictionHigh School Life First Crush First Love First Heartbreak Trisha and Luke almost had their beautiful love story during High School. Full of dreams and aspirations. Pero dahil sa tadhana na hindi umaayon sa kanilang pag-iibigan things got so hard to h...