Chapter 7 - Camping

21 2 1
                                    

Nang dumating si Ms.Chua ay agad nyang ipinaalam sa dalawang mag-aaral kung bakit nya sila ipinatawag.

St.John High will be hosting the Camping Week this year.And part of the celebration is the showcasing of talents on the last night of the celebration.Intro ni Ms.Chua sa dalawang kausap. And I want you two to prepare a piece which you will present on the said night.Pagpapatuloy pa ng guro.

Nang umalis ang guro ay naiwan na ang dalawa.

What are we going to sing then? malambing na tanong ni Trish kay Luke ng mapagsolo sila.

Wala pa din akong maisip eh.sagot naman ng binata.Ano nga kayang maganda? Balik tanong nya pa sa dalaga.

Kailangan na nating makapili ng piece before tayo maghiwalay ngayon.Para naman makapag practice na din tayo maybe mamaya after class?

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa dalawang mataman na nag iisip kung ano na nga ba ang kakantahin nila.

Hanggang sa napagkasunduan na ng dalawa na after ng klase ay magkikita sila sa garden na malapit sa HQ ng editorial staff ng school paper.

Camping Week

First day of the celebration ay sinimulan ng parade and an opening program kung saan ipinakilala ang mga participants from different schools.

Pagkatapos ng opening program ay nagkanya-kanya ng hanap ng pwesto na maaaring pagtayuan ng tent ang mga participants.

One week silang mag-i-stay sa school with the other participants to compete and perform tasks that would be assigned to them.

Tinuruan silang mag bow tie,
magluto ng itlog using  gasera and kung anu-ano pang mga survival activities na dapat matutunan ng isang scout.

Sa loob ng dalawang araw na simula ng activity ay hindi maikakaila ang mga boys na umaaligid kay Trish.

Marami ang gustong makipagkilala at mapalapit sa dalaga.

Nandyang may magbubuhat ng timba ng tubig na iniigib nya mula sa poso para ipangligo.

Kanya-kanyang da moves para mapansin.

Kailangan mo ng kumilos dude kung ayaw mong maunahan.Sige ka,pag ganyang papatay-patay ka baka pagkatapos ng camping eh may jowa na ang baby mo.Pangangantyaw sa akin ni Mark na kasama namin sa glee club at isa sa mga nakakaalam sa aking lihim na pagsinta kay Trish.

Kasalukuyan kaming nagpapahinga sa tent namin.Mamaya after an hour ay magsisimula na ang bonfire sa tabing dagat.Kaya may time pa kaming mag kwentuhan habang nagpapahinga.

Alam mo pare,kung di lang dahil sayo niligawan ko na rin yan si Trish eh.  Dagdag pa ni Marco.

Dahil sa mga napag-usapan namin ay tila ako naalarma.Marami akong kalaban sa aking angel. Kailangan ko ng kumilos at baka maunahan pa ako.

Kahit paano ay may friendship naman ng namamagitan sa aming dalawa.Sa simpleng tanguan at pansinan isama pa ang casual  naming kwentuhan tuwing may practice ang glee club ay masasabi kong magandang simula na yun para hindi masyadong awkward kapag nanligaw na ako sa kanya.

Tinawag na kami ng mga teacher para pumunta sa tabing dagat.Magsisimula na daw kasi ang bonfire.

Lahat kami ay nagkanya-kanya ng hanap ng pwesto paikot sa apoy na nasa gitna.Katabi ko sila Mark,Marco at ang iba ko pang kaibigan.

Namataan ko sa may katapat namin pumwesto ang tropa nila Trish.Kaya naman malaya akong pagmasdan sya ng hindi masyado halata dahil madilim na at tanging ang apoy lang sa gitna ang nagsisilbing ilaw sa amin sa ngayong gabi.

Nakasuot si Trish ng hello kitty blouse na color pink na tinernuhan ng white shorts at pink din na havaianas.Naka ponytail ang hanggang bewang nyang alon-alonang buhok.

Pasimple ko syang pinagmamasdan habang nagdidiscuss si Ms.Chua ng mga criteria sa pinapagawa sa aming jingle na ipipresent ng bawat grupo bukas.

Bukas ng gabi ang awarding ng winners at ang Search for Mr.& Ms.Jamboree.

After ng mga discussions about sa activity bukas ng gabi ay nagstart na ang main event namin ngayong gabi.

Para kaming ng recollection.Nagbigay ng advises at reflections ang mga guro.Tapos may mga nagbigay din ng situational conflicts na ilang estudyante.Nag sorry sa mga nakaalitan o simpleng tampuhan.May mga nag abot din ng friendship token sa mga kaibigan gaya ng grupo nila Trish at ng iba pang mga girls.

Ang finale ay nagsindi kami ng kandila.Inilagay sa bunot ng niyog pagkatapos ay sabay-sabay naming pinaanod sa dagat.

Nakakatuwa ang activity namin.Napaka emotional talaga ng mga girls.Bago matapos ang activity namin halos lahat ng babae ay namamaga na ang mga mata at namumula ang tungki ng ilong.

Kahit si Trish ay nakita ko kaninang sumisinghot habang nag group hug silang magkakaibigan.

Nang pabalikin na kami sa tent namin para magpahinga ay naisip ko na humingi ng idea sa mga kaibigan ko kung paano ba ang dapat na first step ko sa manligaw kay Trish.Ang balak ko,bukas ng gabi dapat ay makapagtapat na ako sa kanya.

Nakakatuwang isipin na ang mga kaibigan ko ay matyaga namang nagbigay ng kanilang mga suggestions kung paano ako magsasabi kay Trish ng intensyon kong panliligaw.

Bago matulog ay nakabuo na kami ng plano.

Nag desisyon na kaming matulog na para handa na para makabawi ng lakas at maging handa na naman sa mga activities namin bukas.

At syempre pa,excited na ako sa plano namin na pagtatapat ko kay Trish bukas. Sana naman hindi mag fail💪

Please don't forget to press the ⭐ below.

Thanks.

Sad SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon