Chapter 5 - Campus Queen

48 5 1
                                    

Nagrirehearse ang mga candidates for Ms.Intrams sa stage.Marami ang nanunuod na mga estudyante kaya hindi masyadong halata na buong paghanga akong nanunuod sa aking angel na kahit simpleng shorts at pink crop top ang suot ay kapansin-pansin ang ganda.

Mamayang gabi na ang pageant,kaya marahil ay seryoso na ang kanilang rehearsal.Malaki ang tiwala ko sa aking angel pagkat sya ang pinakamaganda sa mga candidates.Alam ko ring panalo ang talent na ipipresent nya dahil ilang beses ko na syang napanuod sa kanyang pag practice.

Pageant Night

7pm ay nakita ko ng bumaba sa CR-V na color kalawang si Trish kasama ang kanyang abuela kasunod ang kanyang pinsan na sya marahil ang nag drive.

Napakaganda nya sa suot nyang ethnic costume na gawa sa mga talulot ng niyog.Mukha syang diwata na naligaw sa mundo ng mga tao😍

Nakita kong sinalubong sya ng kanyang mga kaibigan na todo suporta talaga sa kanilang kaibigang dyosa.

Production number pa lang ay halatang nakuha na ni candidate number 5 (Trish) ang attention di lamang ng mga audience kundi lalo na ang mga judges na patangu-tango habang nakatingin kay Trish.

She dances very gracefully. Napakalambing din ng boses nya nung magpakilala.Kahit ata maghapon akong makinig sa mga kwento nya ay hindi ako magsasawang pakinggan sya.

Lumuwa ang mata ng boys sa paligid paglabas ni Trish na nakasuot ng red swimsuit para sa sportswear.Obviously,she's into swimming.Binabawi ko na pala ang description ko sa kanya na chubby sya. She's not.Actually she looks voluptous.Gusto ko na nga dukutin mga mata ng mga classmate ko habang halatang pinagpapantasyahan ang aking angel.

Huh! Possessive me.
Sorry naman,sino ba naman kasi ang hindi magiging possessive kung tulad naman ni Trish ang girl.

Haisst! Baka madalas akong mapaaway nito pag sinagot na ako ni Trish.

"Sinagot agad?" sabat ng kontrabidang utak ko."Ni hindi mo nga kayang magpakilala puro ka love letter."

Bwesit na utak to! Masyado akong pinapahiya ah.

Di bale,promise after ng Intrams eh magpapakilala na ako sa kanya.

Bahala na si Batman.

"Kita mo to,dinamay mo pa si Batman"sabat na naman ng atribidang utak ko.

Tapos ng mag present ng kanilang talent sila contestant number one to four now it's my angel's turn.

Lumabas na mula sa backstage si Trish na nakasuot ng tattered jeans at pink spaghetti strap na blouse with a heart print.At skechers for her footwear.Simple yet classy ang dating nya walking to the center stage with her pink guitar.

Nagsimula na syang mag strum ng guitar at nang magsimula na syang kumanta ay nagtayuan ang balahibo ko sa kilig.Enebeyen😳

Kitang-kita ang paghanga sa lahat ng mga manunuod. I feel so proud of my angel. Nakita ko ring todo ngiti ang kanyang lola habang pumapalakpak ng marahan.

Pagkatapos ng performance ni Trish ay masigabong palakpakan ang maririnig sa school ground. Ngumiti sya at nag bow before umexit sa stage.

Pagkatapos ng isang intermission number ay inannounce na ang muling paglabas ng mga candidates in their evening gown.

When it's Trish turn, I can't help but sigh as she walks regally in her red venus cut gown na may slit sa bandang kanan at kitang-kita ang maputi at makinis nyang legs habang rumarampa.

Ngayon naman ay mukha syang goddess from Mt.Olympus na tinitingala naming lahat.

After the eight candidates had finished with their catwalk ay muli ng tinawag ang lahat ng candidates still with their evening gown for the Q and A portion.

"If you will win as Ms.Intramurals what will be your advocacy?" basa ng emcee sa tanong na nabunot ni Trish.

Ngumiti muna sya saka inabot ang micropone mula sa emcee.

"If will be luckily selected as the winner in this pageant.I would help promote sports in this campus for the students to develop sportsmanship and camaraderie.For I believe that being engaged in sports will help them not to engage into vices which will soon lead to self destruction.
That would be all.
Thank you!"

Confident na sagot ni Trish and again ngumiti muna sya sa lahat bago tumalikod para bumalik sa kanyang pwesto.

Wait guys,I have to go upstage to serenade the candidates. Yes,you heared me right kakanta ako at makaka holding hands ang aking angel.

Surprise😂

Heart beats fast
colors and promises
how to be brave
how can I love
when I'm afraid to fall
watching you stand alone
all of my doubt
suddenly goes away somehow.

One step closer...

Sinadya ko talagang sa chorus ay si Trish na ang inaawitan ko.

I have died everyday
waiting for you
darling  don't be afraid
I have loved you
for a thousand years
I'll love you for a thousand more.

Yes! nahawakan ko na ang kamay ni angel😍ang lambot.Kinikilig ako.Grabe.

After ng serenade ay coronation na.Sa lahat ng minor awards,tanging ang Ms.Photogenic at Ms.Congeniality ang hindi nakuha ni Trish.After ng minor awards ay isusunod na ang major awards.

This is it! Moment of truth na.

2nd Runner Up-Candidate number 1 (grade 8)

1st Runner Up-Candidate number 8 (grade 10)

Grabe ang kabang nararamdaman ko as if ako yung contestant na nasa stage. Nagha hypervintilate na ata ako.OhMyG!

And this year's Ms.Intrams....

Taena! Naiihi ata ako😨.

Our Ms.Intrams is none other than...

Candidate number 5!
Ms.Trisha Janine Castro.

Please don't forget to press the ⭐ below.

Thanks.

Sad SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon