"Bes that's what you called destiny" sambit ni Vany sa akin pagkatapos kong ikuwento lahat ng nangyari with matching kilig at tili pa.
"I grab mo na yang opportunity nayan bes, tandaan mo ang tadhana nagtatampo paminsan-minsan"
"Grabe ka naman girl yun agad yung nasa isip baka naman assumera lang ako"
"Girl hindi yun sasama sa dinner kung walang interest sayo, nakakaloka ka alam mo namang napagdaanan ko na yan"
"Ganun ba yun? Pero sana nga kasi I like him na hahaha"
"Hala siya oh, kilig na kilig si ate girl, o siya balik na tayo sa trabaho, and by the way you need to work all these papers bago ka umalis dito"
Since the day na inaccept niya ako, lagi niya na akong mine-message, minsan nagkikita kami, at pinakilala ko na rin siya kay Vany. Halos isang buwan na getting to know each other, pero alam kong may-iba na, hindi lang ako sure kung ganun din ba ang nararamdaman niya. I like him at ayoko na siyang mawala, and until now hindi ko parin sinasabi sa kanya na I already saw him and I saw how her ex left him. Though, he already mention na nagkaroon na siya ng past girlfriend, pero never niya pa na namention ang nangyari sa kanya. Minsan I doubt kung ginagawa niya lang akong rebound, pero wala namang kami eh. We're just friends, but I like him so much.
Ang pangit tignan kung ako ang gagawa ng first move, but I really like him kahit ngayon lang gusto kong sumugal.
"Gene, free ka ba tonight?" tanong ko sa kanya nang tinawagan ko siya sa office
"Uhm may patient pa ako, pero baka mag out narin ako ng 6:00 pm, why?"
"Uhm okay, puntahan na lang kita mamaya" sagot ko sa kanya na may halong kaba
"Ha? No ako na....pero ikaw bahala...ano bang meron?"
"Wala lang... basta I'll go there na lang..bye see you."
Nakarating ako sa hospital bago mag 6:00, agad naman akong in-assist nang assistant nurse niya, agad naman niya akong nakita kaya inaya niya ako sa loob ng clinic niya. First time kong makapunta sa loob ng clinic niya at ang linis at ang bango pa...parang siya.
"Ano bang meron ngayon?" tanong niya habang nagliligpit nang gamit niya.
"Yayain lang kita...mag dinner" sagot ko sa kanya habang tumitingin-tingin sa paligid.
"Okay, so..let's go" pag-aya niya saakin pagkatapos niyang mag-ayos
Nakalabas na kami ng hospital at habang bumababa kami nang stairs, ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Are you okay?" tanong niya saakin
"Ah...oo"
"Eh bat nanlalamig kamay mo?"
"Wala, okay lang ako" kahit na kabang-kaba na ako.
Sumakay na kami nang sasakyan at tinuro ko sakanya kung saan kami kakain, kinakabahan parin ako dahil hindi ko alam kung gagawin ko ba talaga ang plano ko, humingi ako nang sign kanina sa church na pinuntahan ko bago ako mag punta sa hospital. Hiniling ko na kapag may nakita akong red rose paglabas ko ng simbahan, itutuloy ko ang ibinabalak ko. At sakto ngang nakakita ako, at hawak pa nang bata at inabot sakin, at hanggang ngayon ay dala-dala ko parin at nakaipit sa journal ko.
I know my permission na ako from God, but I can't help myself para di kabahan. Pagkatapos naming kumain, ako ang nagprisintang mag drive ng sasakyan niya dahil dadalhin ko siya sa lugar na iniisip ko. Pinayagan naman niya ako, ngunit alam kong kanina pa siya nagtataka sa mga kilos ko.
"Ano ba talagang meron, saan tayo pupunta?" tanong niya saakin na may halong pag-tataka.
"Basta"
Nakarating na kami sa pupuntahan naming, at nauna akong bumaba. At sumunod naman siya agad
"TADAAA" surprise ko sakanya, dinala ko siya kung saan tahimik at kitang-kita ang buong city lights.
"Wow..paano mo nalaman to?" naka ngiti nyang tanong sa akin
Umupo ako sa damuhan at siya rin..
"Dito ako pumupunta pag gusto ko mag relax...gusto ko lang i-share."
"Well...thank you" sambit niya saakin na nakatingin sa gilid ko, kahit na pinag-mamasdan ko ang city lights, na mas lalong nagpa kilig saakin.
Kasabay nang katahimikan at nagliliwanag na langit dahil sa mga stars at city lights, wala namang tigil ang kutob ng puso ko...paano ba?....paano ko ba sisimulan?
Ngunit bigla na lang kumalma ang dibdib ko ng naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Tinignan ko ang kamay kong hawak niya at tumingin ako sakanya na kanina pa nakatitig saakin. Kitang kita ko naman ang kinang ng mga mata niya sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko...sasabihin ko na ba? At bigla siyang nagsalita...
"Kelcey Anne, from the day I met you hindi na kita maalis sa isip ko...yes I was broken pero every time na nakasama kita unti-unti ulit akong nabubuo..you always complete my day, I always want to hear your voice that sounds like an angel. Your eyes are always nice to look at after a long day of doing things, You had me mesmerized by your eyes...and I knew then I was...in love...could you be my girlfriend?"
Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko sakanya, at bigla na lang tumulo ang mga luha ko, at agad ko ring pinunasan sabay hampas ko sa kanya na medyo napalakas.
"Ouch..why?"
"Inunahan mo ako eh nakakainis ka" sambit ko naman sakanya habang umiiyak na parang ewan "bat ka nakangiti?...wala na binasag mo plan ko"
Nakangiti lang siya saakin habang pinupunsasan ang mga mata ko.
"So kaya ka pala nanlalamig kanina pa?...haay ang gwapo ko kasi eh kaya na-iinlove ka sakin hahaha" pang-asar niya sa akin na nakakapikon..pero totoo.."So ibig sabihin ba nun na in-aaccept mo na yung tanong ko"
Tinahan ko muna ang sarili ko at kunyaring nagpakipot...mukha akong tanga pero ewan ko ba, lagi na lang ako nagiging baliw pag nandyan siya.
"Uhmmmm...Yes Mr. Alexander Gene" sagot ko sa kanya habang nakangiti.
Tumayo naman siya at nagtata-talon sa tuwa na parang bata, tumayo rin naman ako at agad niya akong hinalikan sa noo at yinakap at bumulong saakin.
"Thank you for coming into my life"
Hindi naman ako makapag-salita sa sobrang tuwa at kilig sa mga nangyayari. Bigla namang nagkaroon ng fireworks display na nangaling sa isang building na medyo may kalapitan sa kintatayuan naming, na parang sumasang-ayon sa aming pakiramdam.
YOU ARE READING
My Sweetest Downfall
RomanceTo my future lover when will I meet you? tomorrow, in a couple of weeks, in three months or in four years? Maybe in a decade?