5

22 0 0
                                    


" Being In Love With You Makes Every Morning Worth Getting Up For, Good Morning!" Pambungad na message ni Gene sa akin...este...ng boyfriend ko, haaay eto nanaman ako di nanaman mapakali sa sobrang kilig. Agad ko naman siyang ni replyan ng: "Good Morning Love, You are like a blessing from the heavens above and I'm grateful to have you, ingat sa pagpasok".

Agad naman siyang nag reply ng: " Love? Hahaha well you too, see you later... love you"

Haaay di ako makapaniwala sa mga nangyayari kaya nagpunta muna ako sa simbahan bago ako, pumasok. I just want to thank God from the blessing that He gave to me, ang tagal tagal ko ng humihiling ng ganito and now heto na.



Ibinalita ko kay Vany ang nangyari at kahit siya ay sobrang kinikilig.

"Girl, I'm so happy for you I wish you all the best, gusto ko syang ma meet ngayon, sasampalin ko lang para matauhan haha"

"Grabe ka naman sa BOYFRIEND KO"

"Yes boyfriend ko, naks iba ka na talaga bes"

Sabay kaming lumabas ni Vany galling office at sakto namang paglabas namin ay dumating narin ang sasakyan niya. Bumaba agad siya dala ang isang bouquet ng tulips at agad ding iniabot sa akin sabay halik sa noo ko.

" So ikaw na pala ang BOYFIEND na bessy ko" pambungad na tanong ni Vany kay Gene habang nakataas ang isang kilay

"Uhm..opo" agad namang sagot ni Gene na naka ngiti na parang nahihiya pa

"PO, tanggalin mo nga yang po, my ghad I'm still young ha, anyway wag kang matakot basta libre nyo kong dalawa hahaha" patawang sagot ni Vany kay Gene.

Sinama namin si Vany sa lakad namin at kumain sa labas. Mula sa sasakyan hanggang sa kainan ay puros tanong na lang ni Vany kay Gene ang naririnig ko hangga't sa matapos kami.

"So Mr. Alexander Gene, kapag sinaktan mo ang bestfriend ko, mananagot ka saakin kaya alagaan mo to" pambabanta ni Vany kay Gene.

"Siyempre naman mamahalin ko to" sabay akbay ng boyfriend ko sa akin...haay sa tuwing nababanggit ko ang salitang boyfiriend sa utak ko, hindi ko mapigilang ngumiti na lang bigla-bigla.

"Hala siya oh! Kinikilig nanaman, o siya ma iwan ko na kayo kailangan ko ng umuwi, thanks for this day and nice to meet you". Bineso ako ni Vany saka umalis at iniwan kaming dalawa ni Gene.

Habang naglalakad-lakad kaming dalawa na magkahawak ang kamay ay agad siyang nagsalita ng:

" Kelcey, pwede bang tomorrow mag dinner tayo sa bahay, ipapakilala lang kita sa parents ko, kasi I told them what happened last night."

"Uhmm...yeah...sure, kaso nahihiya ako"

"Wag kang mag-alala, I'm here tsaka mababait yun, sila nga nagsabi na pumunta ka eh"

Inihatid niya na ako sa bahay at hanggang ngayon ay napapaisip parin ako para bukas kinakabahan ako na natutuwa dahil proud siya na maging girlfriend ako. Hindi rin ako makapili sa dadamitin at dadalhin ko bukas. Ibinalita ko kay mommy ang nangyari at natutuwa rin siya at pinayuhan niya ako ng ilang tips para makipag-usap sa magulang ng boyfriend.

Kinaumagahan ay hindi na ako mapalagay para sa dinner namin mamaya, nag bake ako ng cupcakes para naman may maiabot ako mamaya, sinunod ko narin ang payo ni mommy.

Mag a-ala singko na ng hapon at maya-maya ay darating na rin si Gene para sunduin ako. Nagbihis ako na ako at inayos na rin ang sarili. Kinakabahan ako pero alam kong nandyan lang si Gene sa tabi ko.

My Sweetest DownfallWhere stories live. Discover now