Six years ago when I met someone who change my life, I never thought na sobra akong magmamahal at sobra rin akong masasaktan. After I broke up with him, I accepted my promotion na ma assigned sa Vienna. Every day that I was there is a process of moving on, until one day naging normal na lahat.
Now I'm here at Barcelona for my cousin's wedding, I am so happy with her cause finally he'll gonna be with someone who truly loves her and she deserve it, papunta na kami sa simbahan and I'm so excited, eto yung feeling na gusto ko ring maranasan one day.
Magsisimula na ang entrourage kaya pumila narin ako. Nagsimula na akong maglakad, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako hangga't sa nakita ko sa gilid ang pamilyar na mukha sa akin, nakatitig lang siya na parang naluluha. Tumingin ako sa kanya ng saglit dahil ayokong lumuha ang aking mga mata. Akala ko ba, okay nako?
Natapos na ang ceremony, at papunta na kami sa reception, hindi parin ako mapakali at makapaniwala na sa dinami-dami ng pagkakataon at ngayon ko pa siya makikita.
Nang makarating na kami sa reception ay, umalis muna ako mag-isa dahil parang ang liit ng mundo para saaming dalawa.
Hawak ko parin ang wine glass na hanggang ngayon ay hindi ko parin mainom, umupo ako sa bench sa likod ng garden na tanaw ang isang lake. Mahangin ang paligid tahimik ngunit maririnig rin ang onting tunog na nangagaling sa loob ng reception.
Habang tinatanaw ko ang lake, may biglang umupo sa aking gilid, na nagpakaba sa akin lalo.
"Kamusta?" tanong niya sa akin
"Uhm okay lang" tugon ko sakanya habang iniinom ko ang wine na hawak ko. Diba move on nako? Bakit ganito parin?
"Ikaw kamusta ka na? siguro kayo na ulit...masaya ako...para sa inyo" ano ba tong sinasabi ko, nakakainis
"Hanggang ngayon hindi parin ako okay, and walang kami"
Natigilan ako sa sinabi niya kaya sinusubukan kong ibahin ang topic
"Bakit ka nandito?"
"Ahm patient ko kasi dati yung groom then naging friend, but Kelcey I want to talk about....us"
Paano ba ko sasagot sa sinasabi nya?
"I still waiting for a day na mag meet tayo and now eto na, I tried so many times na makita ulit kita, pero lagi ko ring pinipigilan ang sarili ko dahil baka..."
"baka ano?"
"baka may iba na, at ayoko ng makagulo, meron ba? Pwede pa ba?"
Tumingin ako sa mga mata niya, at nakita ko na ang mga matang iyon nang unang niyang sinabi sa akin na mahal niya ako. Nagkamali, ako akala ko okay na, pero eto nanaman ang puso ko.
"Please, because I still love you, and nagkamali ako na binitawan kita"
"Gene, hindi ganun kadali"
"I know and I will wait"
Tumingin ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang kamay sabay nginitian
"Let's try...again"
YOU ARE READING
My Sweetest Downfall
RomanceTo my future lover when will I meet you? tomorrow, in a couple of weeks, in three months or in four years? Maybe in a decade?