Nagsimula ang lahat nang makilala kita,
Yung dating ako lang, may dumating na ikaw.
Ang aking mundo'y mas naging makulay,
Puno ng saya't pagmamahalan.Wala pang tayo, pero
Parang may "TAYO" na.
Pagiging "MU" lamang ang nag-uugnay sa ating dalawa,
At ang kasunduan—tayo lang ang magsasama.
Ngunit katulad ng ibang relasyon,
Sinubok ang ating pagmamahalan.
Gustuhin man nating laging magkasama,
Ngunit kailangang mapalayo sa isa't-isa.Sa umpisa'y kinaya,
At patuloy na kinakaya.
Sa bawat paglipas ng araw,
Ang ating pagmamahal sa isa't-isa'y nababawasan,
At ang tanging pinanghahawakan
Ay ang ating kasunduan.Mga alaala'y parang ulap,
Na unti-unting naglalaho,
Sa hirap ng tanaw,
Walang tayo, wala nang tayo.
Pilit man nating iwasan ang katotohanang nagbago na,
Alam natin na ang isa't-isa'y napapagod na.Pinili nating manatiling maghintay sa isa't-isa,
Ngunit ang katotohanan na wala na talaga,
Di na dapat pilitin pa.
Sa pagkakataong nagkita tayong dalawa,
Bakas sa mukha ang pag-aalala—
Kung may natitirang pag-ibig pa ba o nakalimot na.Ngunit alam na natin ang sagot,
Na ang dating ako at ikaw
Ay hanggang alaala na lang.
Sa pagmamahal, may umaalis at may naiiwan,
May nagpaparaya pero patuloy na nagmamahal kahit nasasaktan.
Ngunit sa ating dalawa,
Pinili nating umalis
At iwanang nakabaon ang mga alaala.Ngunit sa likod ng bawat luha,
May aral na nag-aantay,
Walang tayo, ngunit hindi naglaho,
Ang pagmamahal, sa puso'y nakatago.
Baka isang araw, muling magtagpo,
Sa ibang daan, ibang panahon,
Ngunit ngayon, kailangan nating tanggapin,
Walang tayo, wala nang tayo.
YOU ARE READING
Echoes in the Abyss
General FictionInside my head, it's like a crowded market. Thoughts push and shove, all trying to be heard. Memories collide with worries, as dreams vie for attention. It's noisy, like a room full of chattering people, all speaking at once. Amidst conflicting voic...