Warning!!!! Contains words that are not suitable for young readers.
Sabi mo, gusto mo ako.
Tapos makikita kitang may kasama pang iba.
Iyong totoo, ginagago mo ba ako?
Di ko maipagkakaila, sobrang bagay kayo,
At tayong dalawa, sobrang labo.
Pero, alam mo ba?
Iba ang saya na iyong hatid,
Kaya ako'y nasanay sa bagay na di pwede,
Sa bawat titig mo, parang mundo'y humihinto,
Ngunit ngayo'y ako'y naiwan sa dilim ng iyong anino.
Naging marupok ako dahil sa pagnanais mo,
Ngunit bakit ginaganto mo ako?
Nasasaktan ako, kasi mahalaga siya sa'yo—
Minsan ay napapaisip ako,
siguro nga'y extra lamang ako sa inyong kwento?
Oo nga pala, magkaibigan lang kayo,
Magkaibigan na para ng magka-ibigan.
Gago, dapat di mo sinabing gusto mo ako
Kung di mo rin paninindigan ang nararamdaman ko.
Putang ina, parang pinaglaruan ako,
Isang pahina ng kwentong ayaw kong isulat.
Siya pala talaga ang gusto mo,
Di mo lang maamin sa sarili mo
Dahil natatakot kang mawala siya,
Pero paano ako?
Ako ba'y bagahe para sayo?
Claim mo lang kapag kailangan mo.
Ngunit sa totoo, sino ang makikinig sa aking hikbi?
Sana hindi na ako dinamay pa,
Puso kong nanahimik, bigla mong pinaasa,
Naghihintay sa ligaya, pero ang natamo'y sakit.
Nakakainis ka!-------------------------------------
Anyway this is trash but I have no plans on deleting this because I poured out my emotions on this. Sayang din ang pagdrama ko.
Update: Hindi naging kami. He's with someone now. He's such a baby. Ldr sucks.
YOU ARE READING
Echoes in the Abyss
General FictionInside my head, it's like a crowded market. Thoughts push and shove, all trying to be heard. Memories collide with worries, as dreams vie for attention. It's noisy, like a room full of chattering people, all speaking at once. Amidst conflicting voic...