T*ngina! Ikaw na matalino,
Sa bawat putak ng bunganga mo,
Akala mo kung sino.
Dami mong alam, pero di mo alam
Kung saan ilulugar ang bunganga mo.Sa lahat ng bagay, may nasasabi ka,
Sa simpleng ayos ng kaibigan mo,
May papuri ka pang dala,
Ngunit panlalait ang tinatago.
"GANDA KA? GANDA KA?"
Ah, oo nga pala, maganda ka—
UGALI mo lang naman ang HINDI maganda.Di kita masisisi kung ganyan ka,
Pero t*ngina, sumusobra ka na.
Baka tuluyan na kitang masapak
Kung naiirita ka sa paligid mo—
Ano na lang kaya sila sa'yo?Huwag mong itulad sa'yo ang mga tao;
Matuto kang umunawa at magrespeto.
Huwag iyong na nakakaapak ka na ng tao—
Di mo lang alam ang pinagdadaanan nila.
Oo, ikaw may problemang dala-dala,
Pero lahat tayo'y may mabibigat na dinadala.Makiramdam ka naman sa paligid mo.
Huwag masyadong magpataas;
Matuto kang tumanggap ng iyong kamalian.
Tandaan mo!
Nakangiti lang yang mga tao sa paligid mo,
Pero sa totoo, may mga baril na nakatuon
Sa kanilang mga ulo.
Sa isang maling salita mo,
Kakalabitin na ang gatilyo.-------------------------------------
Triggered ka ghorl? HAHAHAHA
I just want to remind everyone to be kind. You don't know what someone is going through. Let's spread love not hate. Be forgiving.
"Love your neighbors as you love yourself."
YOU ARE READING
Echoes in the Abyss
General FictionInside my head, it's like a crowded market. Thoughts push and shove, all trying to be heard. Memories collide with worries, as dreams vie for attention. It's noisy, like a room full of chattering people, all speaking at once. Amidst conflicting voic...