'They say, everything happens for a reason.'
..............................
"Best Friend? doon tayo, maglaro tayo doon." Sabi ng isang batang babae sa kasama niya.
"Best friend alam mo namang bawal tayo diyan, mga makasarili ang mga tao diyan." Sabi pa ng isang batang babae.
"Grabe ka naman Ave, maglalaro lang naman tayo eh." Pagpupumilit ng batang babae.
"AVE? Where are you? FREY? Kakain na tayo? Asaan na kayo." May narinig silang tumawag sa kanila kaya agad silang napatakbo pabalik.
"Tinatawag na tayo, takbooo. Balita ko masarap daw ang pagkain natin." Sigaw ng Babaeng si Ave at nagpatuloy sila ng pagtakbo pero sa di inaasahan biglang napatid ang kaibigan niyang si Frey.
"OUCH!"
"FREY? Okay ka lang?" biglang tanong ni Ave.
Magsasalita pa sana si Frey pero hindi niya nagawa napatulala nalang siya at napatitig sa likuran ng kaibigan niya.
"Frey? Anong nangyari sa iyo? Anong tinitingnan mo sa likuran ko?"(Sabay tingin sa likod).
"AHHHHHHHHH!" sigaw ni Ave at napasigaw na rin si Freya.
"AWOOOOOO"
"Nicolas! Tama na yan" napatingin ang dalawang babae sa nagsalita at napahinga sila ng maayos.
"Titooooo" sigaw ni Avery at napayakap sa bagong dating.
"Umuwi ka na Nicolas, siguradong hinahanap ka nang iyong ama."
*****
Agad akong napa bangon habang habol habol ko ang hininga ko. Nakakatakot, sobra. Anong klaseng nilalang iyon? Parang gustong pumatay ng tao. At isa pa sino ang mga batang iyon? Sino si Ave? Si Freya? Nicolas? Anong klaseng panaginip iyon?.
Napatingin ako sa paligid, bakit walang tao? Asaan si Damon? Tinignan ko kung anong Oras at napatayo ako.
"3:15 am?" agad kung tanong sa sarili ko, ganon din sa cellphone ko.
Bakit hindi nanaman ako ginising ni Damon? Hay nako.
Kinuha ko ang leather jacket ko at lumabas ng kwarto at ang tahimik ng hallway.
Nakarating ako sa garden, lahat ng tao tulog na except sa mga staff dito. Nasaan ba yung Demonyong yun? Bakit wala siya.
Napatingin ako sa langit at napakalaki ng buwan, Naalala ko tuloy ang mom and dad ko. Ng dahil sa buwan kaya sila nagkakakilala, basta it's a very long story but its worth it ng dahil sa kanila natoto akong magmahal pero ng mawala sila unti unti naging yelo ang puso ko even though bata palamang ako kaya nga ako hindi nagka love life eh.
"Why are you here?"
"AY PALAKAAA" napa sigaw ako dahil sa gulat. Tinignan ko kung sino ang nagsasalita at ang Demonyo pala. Napatakip ako sa bibig ko ng tinignan niya ako ng masama, wrong move Kendra.
"Nagising ako, at hindi na ako maka tulog." Sabi ko, ng dahil iyon sa panaginip.
"At ikaw bakit hindi mo ako ginising?" inis na tanong ko.
"Ginising kita pero ayaw mo and later on magigising na sila so you better fix your self." Napatango nalang ako at maglalakad na sana ako pabalik kasi nilalamig yung legs ko pero natigilan ako ng tinanong niya ako.
YOU ARE READING
Deadly Rose
VampiriThe moon is my SUN, the night is my DAY , blood is my LIFE, and you are my PREY.
