Chapter 16 (Indonesia)

10 1 0
                                        

'Sometimes, you just need a break in a beautiful place alone to figure everything out.'




.........................................................




"Frey? Ano nanaman itong naririnig kong pumunta kayo sa hindi dapat puntahan? At sinama mo pa si Ave ha? Mabuti nalang at nakita kayo ng tito niyo kung sakaling hindi ano ha?" Sabi ng mama ni Frey siguro tapos napayuko nalang si Frey?

Wait? Continuation ito ng nakaraang panaginip ko ha. Bakit? Sino ba sila? Bakit ko sila napapanaginipan.

"Sorry ma, hindi napo mauulit." Tama nga ako at mama ito ni Frey.

"Siguraduhin mong hindi na talaga ito mauulit dahil simula sa araw na ito dito ka nalang sa kwarto mo at hindi ka na maaring lumabas pa, napaka tigas ng ulo mo!" sigaw ng ina ni Frey at umalis at si Frey naman ay napatakbo sa kama at umiyak ng umiyak.

Ilang sandal lang ay biglang nagbago ang paligid.

"Frey? Nalaman ko ang nangyari sa inyo okay kalang?" tanong ng batang lalaki kay Frey.

"Okay lang ako, kaso bawal na akong lumabas ng bahay tumakas lang talaga ako para makita ka." Sabi ni Frey, wow grabe ang bata pa nila at luma love life na siguro nasa mga 6 or 7 pa sila grabe no?

"Mabuti't maayos ka----"

"FREEEEEEEY!"

"Patay, tinatawag na ako ni mama kita nalang tayo sa susunod!" nagmamadaling sambit ni Frey at tumakbo ng mabilis at umiba nanaman ang lugar.

"Napagalitan ka nanaman kahapon ano?" sabi nanaman ng batang lalaki kay Frey.

"Hindi no, sinabi ko lang na naglalaro ako sa hardin." Masayang salaysay ni Frey aba tang batang ito natoto ng magsinungaling.

"Frey, wag mo na iyong gagawin pa ha. Mapapahamak ka lang sa pinanggagawa mo." sermon ng batang lalaki.

"Okay, hihihi." Natatawang sabi ni Frey.

"Hi?" Nagulat silang dalawa ng may biglang sumulpot sa harapan nila at ganoon nalang ang takot nila ng makilala ito.

"Wag kang lumapit!" sigaw ng batang lalaki at itinago ng batang lalaki si Frey sa likuran niya.

"Wag kayong Matakot mabait ako, ako nga pala si Nico----"

"AWOOOOOOOOOOOOOO!"

"Tinatawag na ako, sige sa susunod na pakikita." Biglang tumakbo ang isa pang batang lalaki at hindi na nila ito nakita pang muli.

"FREY AT BLAKE!"

..............................................

Agad akong napabalikwas sa sigaw ng isang babaeng galit na galit, bakit koi yon napapanaginipan? Sino sila? Anong parte ng mga batang iyon sa buhay ko? bakit parang totoong totoo?

"Oh? Ken, gising ka na pala, mag ayos ka na ng sarili mo't aalis na tayo maya maya." Sabi ng isa kong kaklase, tama pala no at aalis kami ngayon para mag island hoping.

Mabilis akong pumunta sa Cr at nag ayos ng sarili ko at nagbihis. Pagkatapos kung mag ayos ay pumunta na ako sa baba at kumain ng umagahan.

Masaya kaming kumakain pero napansin kung wala si Damon, asaan kaya yung gaong yun?

Deadly RoseStories to obsess over. Discover now