HANGGANG sa dumating ang panahong nananaig na ang matinding inggit ko kay Mysterious Eyes. Dahil dito ay isang masamang plano ang nabuo sa isip ko---aangkinin ko ang lahat ng kwentong isinulat niya, lalo na ang kanyang pagkatao bilang si Mysterious Eyes.
Ang una kong ginawa ay alamin ang totoong pagkatao ni Mysterious Eyes. Gamit ang kaalaman ko sa paghahack, nalaman ko ang ilang importanteng impormasyon tungkol sa kanya sa tulong ng ilang social accounts niya.
Ang tunay niyang pangalan ay Genesis Orville De Villa. Siya ay fifteen years old, third year high school student sa isang private school, ang Ybrahim College.
Ipinagpatuloy ko ang pag-iimbestiga kay Mysterious Eyes habang patuloy ang pakikipag-ugnayan ko sa kanya. Kaya hindi niya nalaman na ilang beses ko na siyang nakita.MULING umusbong ang galit sa puso ni Crysca habang pinanood niya ang suicidal video ni Lucas. Matagal na itong nabura sa online world ngunit nakapag-download na siya nito bago pa mangyari iyon.
Naisip niyang panoorin ito dahil sa isang misteryosong mensaheng ipinadala sa kanya kahapon. Ang laman ng text na iyon ay nagsasabing, He committed suicide because he killed his own brother. But like him...No one knows what really happenned that night...
"Ano ba talaga ang gusto mong sabihin sa 'kin?" Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung ano ang gustong ipaliwanag ng taong nagpadala ng nasabing mensahe.Dahil sa ilang beses kong pagsunod sa kanya, nalaman ko ang pagpunta ng kanilang buong klase sa Morris Paradise para sa kasal ng kanilang teacher. Iyon ang pinakahihintay kong pagkakataon upang maisakatuparan ang aking mga plano. Kaya bago pa makarating si Geno sa Morris Paradise ay naroon na ako. Ilang beses ko pa siyang sinubaybayan bago ko isinakatuparan ang pagpatay ko sa kanya...
Pinahinto niya ang video nang muli siyang makatanggap ng isang text message mula sa taong iyon.
The truth will set me free...
but I'm afraid to tell it to anyone.
+6399171717777"Ano ba talagang ibig mong sabihin?" Muli siyang nagpadala ng ganitong mensahe upang tanungin ang taong iyon. Ngunit nabigo na naman siyang makakuha ng kasagutan dahil hindi pa rin nito ipinapaliwanag ang mga gusto niyang malaman.
"Bessie Crysca, bakit nagkukulong ka naman sa k'warto mo?"
Mabilis niyang itinago sa ilalim ng unan ang kanyang tablet nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Rain. Agad siyang tumayo upang pagbuksan ito ng pinto.
"Gusto ko lang mapag-isa, Bessie..." aniya nang makaupo silang dalawa sa kanyang kama.
"Okay ka lang ba talaga?" pag-uusisa na ni Rain sa kanya. Alam niyang napapansin na nito ang pagiging balisa niya mula nang mabasa niya ang kwentong isinulat ni Geno. "Kahit 'di mo sabihin, alam kong may gumugulo d'yan sa isip mo," giit pa nito.
Matama siyang pinagmasdan ni Rain na para bang naghihintay itong magkuwento siya kung ano man ang pinagdadaanan niyang problema.
Kahit ang kanyang mga magulang at kapatid ay napapansin na rin ang unti-unting pagbabago niya mula nang mamatay si Geno. Minsan ay napapabayaan na rin niya ang kanyang pag-aaral dahil sa kalungkutang nananaig sa kanyang pagkatao dahil sa pangungulila rito.
"Sige na, aamin na 'ko, Bessie," sagot niya kasunod ang isang buntung-hininga. "May taong gumugulo sa 'kin..."
"Ha? Sino? Ano'ng ginagawa niya sa 'yo?"
Hindi na siya sumagot pa bagkus ay ipinabasa niya kay Rain ang dalawang text messages na ipinadala sa kanya ng taong iyon.
"'Di kaya testigo siya no'ng gabing 'yun?" konklusyon nito base sa mga mensaheng iyon.
"Naisip ko na rin 'yan eh, pero bakit pa niya ako guguluhin 'di ba? Kung inamin na ni Lucas ang ginawa niya," paliwanag naman niya.
"Oo nga 'no. Tapos, sinabi rin niyang may alam siyang totoo pero 'di niya kayang sabihin," sagot ni Rain, na alam niyang naguguluhan na rin.
"Out of coverage pa rin eh," aniya matapos niyang ilang ulit na i-dial ang numerong iyon. "Kung sino man ang taong 'to, sana 'wag na siyang manggulo," giit niya.
Sapagkat dahil sa ginagawa nito ay mas lalo lamang niyang hindi matanggap ang pagkamatay ni Geno. Mas lalo rin nag-aalab ang poot niya kay Lucas.
"Sana nga tumigil na siya kung gusto niya lang talagang manloko." Saglit na natahimik si Rain na tila hindi sigurado sa susunod niyang sasabihin. "...Pero kung talagang may alam siyang dapat nating malaman, dapat harapin niya tayo."
"'Yon din ang gusto kong mangyari," sang-ayon niya. "Basta 'wag mo munang sabihin kahit kanino ang tungkol dito ha. Lalo na kay Greg," giit pa niya.
"Oo naman. Tutulungan na lang kitang alamin ang totoo," sinserong sagot ni Rain.
"Salamat."
Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil sa pag-uusap nilang magkaibigan. Sa ngayon ay wala siyang magagawa kundi hayaan ang taong iyon sa pagpapadala ng mensahe sa kanya. Dahil baka sa huli ay ito na mismo ang humarap sa kanya.
Kung ano mang katotohanang itinatago ng taong iyon ay sana makatulong upang mabigyan ng sapat na hustisya ang pagkamatay ni Geno.
BINABASA MO ANG
Plagiarist II (Published under LIB Dark)
Mistério / SuspenseBook II - Plagiarist Duology Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo upang makamit ang pinakaaasam mong pagpapatawad mula sa taong pinagkakautangan mo ng isang napakalaking kasalanan? Muling magpapatuloy ang mga buhay ng magkakapatid na naging bikti...