"Ate Arielle, sasama ka talaga sa amin na ihatid si Lola sa bahay niya?"
Ngumiti ako habang tulak-tulak iyong wheelchair ni Lola Esther. Lola Esther was a seventy-eight year- old patient dito sa ospital na ito. Mula nang nandito na ako, naging magkaibigan na kaming dalawa. Parang tumayo na siyang nanay-nanayan ko. Nasabi ko sa kanya ang mga bagay na hindi ko masabi sa kahit na kanino. Lola, she couldn't talk. She was more of a listener at ang palagian niya lang sagot ay ngiti sa akin. And her smile, it was enough para mapagaan ang loob ko.
'Yes, Nurse Joy." Sagot ko sa kanya. Nakatayo kami sa gilid ng entrance ng ospital. Napansin kong may itinuturo si Lola kaya napayuko ako. Habang pilit kong tinitingnan iyong tinuturo ni Lola ay narinig kong umaray si Nurse Joy.
"Oh, bakit?" I asked.
"Iyong lalaki nabangga ako hindi man lang nag-sorry." Inis na sabi niya. Dumating na iyong ambulance na sasakyan namin papunta sa lugar nila lola. Hindi naman daw kalayuan iyon dito. Ang nakakatuwa raw doon ay iyong napaklaking glass house na napakaraming halaman sa loob. Iba't ibang bulaklak daw. Ang nag-aalaga daw doon ay taga Metro. Hindi na rin naman ako masyadong nagtanong dahil naisip ko iyong glass house na nakita ko nang gabing halos patayin na ako at muling halayin ng mga lalaking iyon.
I am now okay, but I can never be the same again. Buntis pa rin ako pero wala na sa isipan ko ang tanggalin ang bata at ang mamatay. Just like what Doctor Lastimosa told me, may purpose pa raw ang buhay ko and maybe the purpose of it was this child inside of me.
I am thinking of the possibilities of us together. Nakakatuwa. Naiisip kong magkakaroon ako ng anak, sumasaya ako. I love it, kahit na hindi ko pa siya nakikita o nahahawakan. Madalas nararamdaman ko siya – nasa loob ko siya at kapag kalmado ako, alam kong masaya siya. I am thinking of going back to my parents, I am thinking of telling Mom and Dad at haharapin ko kahit na gaano pa sila masaktan becauase this is my reality now.
Sa lahat ng posibilidad na naiisip ko, hindi ko naisip na bumalik kay Judas. Inaamin ko namang nakaradam ako ng galit sa kanya. He didn't look for me, this happened to me dahil sa kanya pero mga ilang araw lang iyon. Naisip ko rin kasi na mahal nga naman kasi ako ni Judas at kung siya ay may pagkakataon, hindi niya ako hahayaang masaktan. Wala na akong narinig na balita sa kanya although naririnig ko mula sa mga tao na nagpupunta sa kabayanan na palagi raw silang may nakikitang mga lalaking naka-motor na paikot-ikot sa lugar na ito.
Maybe it was them. Maybe they were looking for me pero ayokong magpakita dahil pagkatapos ng nangyari sa akin, I don't think I deserve Judas or any other at all. Naisip ko rin na pakamahalin na lang ang anak ko. Mas mahalaga siya kaysa sa kahit kanino o kahit na ano.
We arrived at Lola's house. Inalalayan siya ng mga nurse. Sinalubong kami ng mga anak at apo niya at ubos – ubo ang pasasalamat nila sa pagtulong namin. Wala naman akong naitulong masyado. Mas marami pa rin siyang naitulong sa akin maski napakatahimik niya.
"Sayang at wala na si Doc Sam. Matutuwa iyon kasi reunited na si Lola sa mga anak niya at apo."
Doctor Sam is now based in Hong Kong. Doon na siya nagpap-practice ng medicine. May communication pa rin naman siya sa ospital at palagi niya akong kinakamusta kapag tumatawag siya. Parang nagsilbing anghel ko si Sam...
At kung tutuusin, kapangalan niya iyong first love ni Judas. Sam... Samantha, Samuelle. Tapos iyong nakapulot sa akin noon sa may tabing dagat, Samnicko ang pangalan. Sam pa rin.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin nab aka, inaalagan ako ni Sam, para kay Judas. Na baka siya ang tagapagligtas ko... pero madalas kong naiisip na nababaliw na nga ako.