Challenge # 12

37K 1.3K 95
                                    

Dumating ako ng Metro nang alas onse nang umaga. Sa bahay nila Ido ako dumiretso dahil sa itinawag niya sa akin kanina. The girls, they don't want me going to the green house. Ang una nilang idinadahilan ay delikado nga naman sa akin dahil sa tagal ng ipagda-drive ko. Naiintindihan ko naman iyon. Ang ayaw talaga nila ay ang pagpunta ko roon para magluksa. Noong una ay naiintindihan nila ako pero sabi nga ni Yella sa akin, halos pitong taon na akong ganito, wala daw ba akong balak magbago.

Pagpasok ko sa sala nila Ido ay sumalubong sa akin ang nagtatawanang mga asawa ng mga kaibigan ko. But there's one particular person, I think doesn't belong there pero naroon siya and she was doing Yella's nails. Kumpleto sila roon. Naroon si Leira...

"Oh, nandyan ka na pala, Jude." Sabi ni Bernice sa akin. My eyes were only fixed on Arielle's. Nag-angat siya ng tingin at ngumiti sa akin.

"Hello, Jude. Kamusta?"

"What are you doing here?" I asked her. My heart was at it again. It's making me feel things that I have forgotten. It was merely because I think, she really reminds me of her.

"What kind of question is that, Jude?" Georgina said. "Arielle is our squad now. Saka ang galing niya sa nail art." Lahat sila ay itinaas ang kuko nila. Even si Leira ay may design ang kuko. I didn't say anything. Hinanap ko na lang si Ido. Ang sabi ni Gina ay nasa itaas raw at pinatutulog si Rocheta. Umakyat ako roon at hinanap ang kwarto kung nasaan ang kaibigan ko. Hindi ko naman matiis na hindi balikan ng tingin ang mga babae sa ibaba. They were talking and laughing and I hate to say this but Arielle fits in so much – na para bang matagal na silang magkakakilala.

When I got to where Ido is, isa lang ang lumabas sa bibig ko.

"What the fuck is happening?"

"Shhh! Maririnig ka ng baby girl kong sobrang ganda!" Pinanlakihan niya ako ng mga mata. Rocheta was only six. Tulog na tulog siya sa kama habang si Ido ay nakaupo sa couch sa harapan lang ng kama ng anak niya.

"Anong nangyayari?"

"Hindi ko alam. Basta nagising akong nandyan na silang lahat. Gina seemed to be enjoying her day off. Si Leira nga daw hindi pumasok doon sa TESDA. They seem to like Arielle. Ang saya-saya nila. Kanina pa iyan nagkukwentuhan. Considering Arielle is the youngest among all of them, nakakatuwang makitang nagkakasundo naman silang lahat."

"Why?" I asked again.

"Ano bang masama, Jude? Mabait naman iyang pinsan ni Azul." Sabi pa ni Ido. "Hindi mo ba siya gusto?" Tanong niya sa akin. Hindi ako nakasagot.

"Ayokong gustuhin si Arielle dahil lang naaalala ko siya sa kanya."

"Baka naman, iniisip mo lang na naaalala mo sa kanya iyon pero sa totoo lang nasanay ka na lang na naalala mo siya pero hindi naman na talaga." Walang abog na sabi sa akin ni Ido. Bigla ay napaisip ako. "Hindi mo ba gustong maging masaya, Jude? Hindi ka pa ba napapagod? Nagmamahal ka na lang ng alaala. She sacrificed her life for you and yet you're living your life like you wanted to end it all. Hindi naman dapat ganyan, Jude."

"But if I feel happy, pakiradam ko, pinagtataksilan ko siya."

Ngumiti si Ido. "Ganyan rin ako. Kay Roma noon, Pero naisip ko na kung si Roma nga ang tatanungin, hindi niya rin gugustuhin na maging mag-isa ako habambuhay. Mahal niya ako, at alam kong kung makikita niya ako ngayon, with all that I have, with my wife and my kids, alam kong masaya siya. Ganoon rin siya, Jude. Hindi masama na magiging masaya ka. Hindi masama na magsimula kang muli. God put them in our lives, for a reason, some people will stay, some won't but we are destined to meet them because of a reason, and that is to teach us a lesson, and in her case, you met her for you to learn that you deserve to be loved because of...."

Judas: The Redeemed Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon