9

250 18 0
                                        

Kumpleto sa ospital ang tropa. Ngayon ay nasa office sila ng doctor, mga walangya pa talaga eh, feel at home ang mga gago. May nakaupong higa sa sofa, may nangengelam ng gamit, at syempre may tahimik lang.

Naghihintay sila ngayon sa pagdating ng doctor, dahil langhiya daw ng doctor na yun, para pag hintayin sila ng matagal.

"I'm sorry I'm late"

"Tch, ano pa bang magagawa namin?"

"Shhh! Junhui! Gumalang ka nga!"

"Wrong send lang tsk"

"Wow, feeling text"

"Doc, hayaan nyo nalang po sila. Kamusta po si Seungkwan? Bakit ganun? Bakit parang may mali?" kumunot ang noo ng doctor sa sinabi ni Soonyoung.

"Anong may mali?"

"Si Kwan po, hindi nya maalala yung ngayon. Parang past lang yung naaalala nya? Tulad ngayon si Hansol talaga ang boyfriend pero yung ex nya lang naaalala nya"

"Hmm,"

"Tapos doc, alam naman nya na nag ttrabaho na sya, pero kasi hindi nya maalala yung mga memories namin. Naalala nya two years ago, pero hindi nya maalala na sila na ni Hansol"

Humalukipkip ang doctor at pinag salikop ang mga daliri nya isa isa. Ang ibig ko palang sabihin sa last chapter (🌸 6; The Past) na pumapasok ay sa trabaho. Malamang matatanda na sila at graduate na. Si Dino nalang ang hindi pa pero graduating na this year.

"Seungkwan ha-"

"Doc? Pwedeng tagalog po? Nose is blooding"

"Bobo mo talaga Seoks"

"Abaa! Gago ka"

"Mayroong selective memory lost si Seungkwan kung saan, nakakalimutan nya yung ibang pang yayari sa buhay nya. Madalas pag kabata lang, pero itong kay Seungkwan iba, present ang nakalimutan at past ang naaalala. Mahirap gamutin dahil wala naman talagang cure yan, nasa utak na nya kung babalik pa ang mga 'yon. Minsan try nyong mag sabi ng mga bagay na nakalimutan na nya, minsan may nag sasabi na effective daw, yung iba hindi naman. Pero try nyo parin baka gumana sakanya diba?"

Napatanong ang mag kakaibigan, ngayon nagets na nila, tagalog kasi eh hehe.

"Pero doc, kailan po talaga mababalik memory nya?"

"Wala tayong kasiguraduhan dyan, pero as long as na nag papa alala kayo ng mga bagay baka mapadali"

"Pero doc, sinubukan ko po kanina"

"Then? What happened?"

"Sumakit ulo nya,"

"Saang ulo?"

Nakatikim naman ng isang malakas na batok si Minghao mula kay Seungcheol.

"Bastos mo,"

"Tuloy mo Mr. Chwe"

"So ayun nga po sumakit ulo sya, then. . ."

". . ."

"Bigla nalang syang umiyak"

". . ."

"Sinabi nyang ayaw na nya"

"Ooh, may traumatic ba na nangyari kay Seungkwan?"

"Wala po, pero yung pag kasagasa nya"

"Oo nga, sa pag kaka alam ko yun lang"

"Maybe tuwing pinapaalala nyo ang past, imbis na yun ang maalala nya, ang pagkakasagasa nya ang alala nya"

". . .pero doc? Ano pong gagawin namin?"

"Paano kung nakakasama kay Seungkwan yon?"

"Edi hindi nalang natin ipaalala"

"Paano si Vernon?"

"Maybe, wala na tayong magagawa"

". . ."

"A-ano po?"

"Baka mas lalong lumala lang ang sakit ni Seungkwan"

". . ."

"Baka makalimutan nya kayong lahat"

". . ."

"Or worse, baka ikamatay pa ng pasyente"

remember me • verkwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon