Chapter 06 - "The beauty and madness in your life"

148 4 0
                                    

JOY's POV

Hindi ko maexplain yung sayang nararamdaman ko,totoo pala na kapag may umalis may darating namang bago na mag aalaga sayo ng totoo. Dalawang araw na ang nakakalipas pero parang kanina lang nangyari ang lahat ....

Flashback :

Kakatapos ko lang makausap ang ate ko sa telepono ng bigkang tumawag saken si Jhay-ey. Kwentuhan lang kami sa cellphone,kulitan,asaran hanggang sa humantong sa seryosong usapan.Sinabi nya sakin na hindi ko na daw kailangang maghiganti then I asked him why .....

"Simple lang, "you don't need to revenge just to cure your bad past,just to be happy and to be contented because the antidote of love is also love"..

Napaisip ako sa sinabi niya. Alam kong mali ang maghiganti,pero hindi ba pwedeng gawin kong reason yun para maging masaya ako sa buhay ko ngayon. At yun yung gagawin kong way para magawa kong maging masaya.At dahil don naliwanagan ako sinabi nya,pero halos mabitawan ko yung cellphone ko nung sabihin nyang...

"At alam kong pwede akong maging isa sa lunas na yun. Kaya kung pwede sana bigyan mo ako ng chance na pumasok sa buhay mo hindi bilang isang kaibigan kundi mas higit pa sa kaibigan. Mabait ka,masayahin,mas iniintindi ang pamilya kaysa pansariling interes. Kaya hindi mo ako masisisi kung nahulog ang loob ko sayo . Yung babaeng kagaya mo hindi dapat nag iisa at nalulungkot. Sino na lang makakakita ng kasiyahang meron ka sa buhay mo at sino na lang sasalo at dadamay sa kalungkutang nadarama mo ,kaya kung papayagan mo ako, "I will court you and I am willing to see the beauty of your life and I will catch you everytime you'll fall."

Natameme ako sa sinabi nya,hindi ko alam sasabihin ko.Handa na ba akong pumasok sa isang relasyon ulit? Papayagan ko ba sya? Masaya ako pero paano kung dala lang to ng kabaitan at kasiyahang nararamdaman nya,? Paano pag nahulog na naman ako sa isang patibong na kung saan ako yung talo? Paano kung mali yung nararamdaman nya? Anong sasabihin ko,anong gagawin ko? Pero wala naman sigurong masama kung susubukan ko ulit diba? Alam kong iba sya at di sya kagaya ng ibang lalaki kaya sana di ko pagsisihan ang desisyon kong to..

.

(end of chapter 06)

read read read and vote vote vote guys.. Kamsahamnida.. :-)

TRUE LOVE WAITS (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon