Chapter 22 - "Kung pwede lang sana...

107 3 0
                                    

JOY's POV

Andito kami ngayon sa library kasi ng mga kaibigan ko,kunwari nagbabasa at nagsesearch pero nagpapalamig lang naman kami.. hihi.,mababait kaming students eh ginagawang tambayan ang library.. Anyways hanggang ngayon nagtetext pa sakin si Carlo.. Hindi ko naman nirereplyan,then one time nakasalubong ko humingi ng sorry baka daw nasamaan ako sa inasal nya sakin last time we talked.Sabi ko lang okay na sakin yun since tapos na naman kaya kalimutan na lang.. Busy ako sa pagsusulat ng kanta ng maramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko,kaya kinuha ko ito agad at tiningnan kung sinong nagtext.. si Carlo pala..

"ui Crush anong oras ng uwian nyo? textback..

Hindi ko sya nireplyan since wala din naman akong load,kaya lang nacucurious din naman ako,why he's asking kung anong oras ng out namin..maya maya pa nagtext ulit sya..

"ui Crush...

Hmm bakit ba nya tinatanong.. bahala nga sya..

"Guys 5 na tara na sa room magstart na class natin.

Sabay sabay na kaming pumunta ng room for our last subject. Buti nga about "Parents vs. Love" ang topic eh,kaya hindi kami inantok habang nagdidiscuss ang professor,nagkaroon pa ng debate para daw malaman yung side ng bawat isa if which part is important inside the family.. Natapos ang klase ng nagtatalo pa rin ang iba.. Pagkatapos na pagkatapos ng attendance nagpaalam na kami sa bawat isa.. Then paglabas ko ng room nagulat ako ng makita ko si Carlo sa labas ng room nakaupo..

"sige guys una na ako ah.. ingat kayo bye..

"ui Crush wait lang..

"bakit??

"hatid na kita pauwi na din naman ako eh..

"no need kaya ko namang umuwi mag isa eh..

"No,I insist.. hahatid na kita.. iisang way din naman tayo eh.

"hmmm bahala ka..

Ayun sabay kaming lumabas ng school,nag abang kami saglit ng jeep then sumakay na din kami kaagad kasi gabi na rin.. Hindi kami nag uusap sa jeep since maingay dahil sa music,kaya parehas kaming tahimik.. After a few minutes nakababa na din kami ng jeep.. nilakad na lang namin papunta sa bahay since malapit na lang naman..Hindi pa rin ako nagsasalita kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko,awkward eh maya maya binasag nya na yung katahimikang namumuo saming dalwa.

"iniiwasan mo ba ako?

"ha.... ano.. ah.. eh.. hindi ah busy lang ako kaya di tayo nagpapangita..

"kahit sa text ko sayo hindi ka nagrereply eh..

"eh ano kasi eh wala akong load,wala naman akong itetext eh.

"ako hindi ba katext ang tawag mo saken??

"katext,kaya lang kasi baka magtaka yung girlfriend mo at lagi kitang tinetext..

"hindi naman eh...

"ay dito na pala ako.. salamat sa paghatid ah.. ingat na lang..

Papasok na sana ako ng gate ng magsalita sya...

"Almost 2 years na kami  ni Jastine. Masaya ang relasyon namin,minsan nagaaway kami pero pag nag usap na kami nagiging okay na din..Pero Alam mo Joy nung napalapit ka sakin,narealized kong nagiging unfair ako.hindi ka mahirap mahalin Joy dahil napakabuti mong tao pero..

(humarap ako sa kanya)

"pero ano??

"may girlfriend ako.

"dont worry hindi ko nakalimutang may girlfriend ka..

"yun na nga eh pero...

"bakit mo ba kasi sakin sinasabi yan?

"dahil ayokong masaktan ka pa...

"kaya nga wag ka ng magtext sakin,para hindi na ako mahulog pa sayo.Ang mali lang you dont love me but you gave me more reasons to love you,kaya nga iniiwasan kita,nilalayuan,pero anong ginagawa mo ikaw  pa ang lumalapit.

"sinubukan ko din namang layuan ka pero pag nandiyan ka na,natutuwa ako,pag nakakasalubong kita gusto kitang makausap,kahit na alam kong iniiwasan mo na ako kinukulit pa rin kita,at alam kong naging makasarili ako .. kaya sorry...

"baka may makakita pa satin mamisinterpret pa nila at makarating sa girlfriend mo mahirap na.sige pasok na ako.

Tinalikuran ko na sya,papasok na sana ako ng gate ng muli syang magsalita..

"itinago ko kay jastine na nagkakatext tayo kaya hindi nga alam yung tungkol sayo,first time kong naglihim sa kanya para lang sayo..Alam mo kung bakit ?? kasi masaya ako pag katext kita,pagkausap kita...ikaw yung taong totoo sa nararamdaman.. Yung totoo Joy gusto kita,kung wala lang akong girlfriend niligawan na kita.. Kung pwede lang sana,kung pwede lang sanang iwan ko siya ginawa ko kaya lang Mahal ko siya,hindi ko pedeng sayangin yung taong pinagsamahan namin para lang sayo.. kaya sana mapatawad mo ako kung nasasaktan kita ngayon....

Hindi na ako nagsalita pa,hindi ko na rin siya nilingon pa at tuluyan na akong pumasok sa loob. Mahirap pa lang mapalapit sa taong hindi ka kayang mahalin,mahirap maging kumportable sa taong hindi ka kayang intindihin at higit sa lahat,its so hard to love someone whose inlove with someone else and no matter how much you love that person,he can't loved you back because you know in yourself na talo ka..

Hanggang kelan ko kaya sasaktan ang sarili ko..

Hanggang kelan kaya ako matuto....

"Sana dumating yung araw na hindi na pain yung mararamdaman ko kundi happiness..."

TRUE LOVE WAITS (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon