Chapter 24 - "Lihim na paghanga"

107 3 0
                                    

MYSTERIOUS GUY's POV

"hoy.. ano tinitingnan mo na naman yung crush mo,kung ako sayo lalapitan ko na yun,para ka ng stalker eh..

"tigilan mo nga ako yass.. alam mo namang torpe ako eh.

"haha daig pa kita ikaw pasulyap sulyap ka lang samantalang ako nasa bahay nila nung isang araw..

"taas mo mangarap tol,

"aba ay tanungin mo pa sya,kahet cellphone number nyan meron ako.

"weh? seryoso ka penge naman tol oh..

"AYAW.. sabi nya wag na wag ko daw papamigay kaya pasensya ka na.. kung ako sayo lalapitan ko na yun..

"wag muna ngayon tol..

"haha bahala ka kung ayaw mo maunahan ka pa ng iba jan, edi kawawa ka.

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi ni yass,sanay na ako dun. Kakainis nga lang ayaw nya ibigay yung number.. tskkk... First day of school pa lang napansin ko na sya,Lagi ko syang nakikita,yun nga lang hindi nya alam na sinusulyapan ko sya since magkatapat lang yung room namin. Everytime na nakikita ko sya, sya yung lakad dito lakad dun na akala mo sobrang busy na tao. Everytime na nakakasalubong ko siya hindi ako makatingin ng diretso pero lagi kong sinasabi sa isip ko na ang amo amo ng mukha nya, na sa mukha pa lang nya malalaman mong napakabait nyang tao, at yung ngiti nya na sobrang lambing ang lakas ng impact sakin. One time nga nasa tapat kami ng library tapos bigla syang dumaan,then sinubukan kong tawagan sya.. "Joy" tapos bigla syang lumingon,hinahanap nya kung sinong tumawag sa kanya. Ni isa sa mga kasama ko walang nagreact,ako naman ayun natorpe at umurong yung dila kaya hindi na lang din ako nakapagsalita pa,tapos tuluyan na syang umalis. Yung makita ko lang siya kumpleto na ang araw ko,yung kahit panakaw ko lang siya matingnan masaya na ako. Darating naman siguro yung panahon na magkakausap ko sya ng harapan eh.. Sa ngayon titingnan ko na lang muna sya sa malayo,ganun naman talaga siguro pag gusto mo ang isang tao hindi ka makalapit sa kanya kahit na gustong gusto mo ng gawin.., "Sana makilala ko sya,sana magkaroon ako ng lakas ng loob na makilala sya,na malapitan siya... "

TRUE LOVE WAITS (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon