Chapter 29 - "I'm hoping"

92 2 0
                                    

JOY's POV

Nandito ako ngayon sa labas ng room hinihintay si Angge,inaayos nya pa kasi yung gamit nya,actually kanina pa kaming out etong si Angge inayos lang nya yung report nya para mamaya kaya yung iba naming kasamahan nauna sa Chill Hauz para magreserve ng place kaya susunod na lang kami ni Angge. Habang naghihintay ako kay Angge, narinig kong may tumatawag sakin.. Paglingon ko isang gwapong matangkad na lalaki ang tumambad sa harapan ko,itatanong ko sana kung bakit kasi paalis na rin kami ni Anggge nang bigla syang nagsalita,

"Joy pwede bang makuha yung number mo?

(Sino kaya namang nagpapakuha.)

"ha??..sinong nagpapakuha?

"ah wala.. ako mismo ang kumukuha..

(Nagulat naman ako sa sinabi nya, bihira na lang kasi ang mga taong sila mismo ang kumukuha ng number,minsan kasi pinapakuha na lang sa iba.. )

"ah sige sige..

Inabot nya sakin yung cellphone nya kukunin ko na sana kaya lang nung makita kong touch screen yung cellphone nya umurong bigla yung kamay ko... bobo kasi ako pagdating sa touch screen,nakiclick yung mga di naman dapat maclick.

"pwede bang ikaw na lang magtype,nahihirapan kasi ako sa touch screen eh.. (then I smile)

"ah sige sige ano bang number mo.?

"0910900****

"salamat Joy.

"sige.. magpakilala ka na lang pag nagtext ka.

"sige walang problema.

"ay wait ano nga pa lang name mo?

"Jordan. Jordan yung name ko..

"okay sige..

Jordan pala name nya ,kapangalan sya ni babe.. astig.. Pagkabigay ko ng number ko,umalis na din kami eto namang si Angge nang aasar pa..

"ui si Joy may bago ng suitor..(sabay tawa)

"suitor ka jan.. kinuha lang number suitor na kaagad..

"tunge ka talaga.. yun kaya Joy yung sinasabe ko sayong gwapo na lagi kong nakikita. remember??

"ah siya ba yun?? haha sorry ka ako yung type..

"ay nakikipag agawan  ako teh..may boyfriend na ako oy..

"hahaha di ko nakakalimutan yun..

"loka ka... tara na at baka naghihintay na sila dun..

"oo na heto na binibilisan na ngang maglakad eh.. ..pero alam mo Angge kung manliligaw sakin yun baka pagbigyan ko.. 8 months na din naman akong di nagkakaroon ng boyfriend eh..

"ikaw lang naman yung may ayaw magpaligaw eh..

"alam mo namang nawalan na ako ng tiwala sa mga lalaki eh,kaya ganun na lang ako makitungo sa kanila..  "I deserve to be loved,and I deserved to be happy pero walang magbigay sakin nun..."

"malay mo yung kumuha na yun na ang lalaking totoong magmamahal sayo,na siya na yung magbibigay ng bagong pag-asa para sayo..

"Sana nga Angge siya na yun.. Sana nga...

TRUE LOVE WAITS (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon