Chapter 25 - "Practice turns to sorrow"

89 2 0
                                    

JOY's POV

"guys ready na ah.. start na tayo in one..... two.... three... GO!

Andito kasi kami ngayon sa freedom park at todo practice para sa activity na gagawen namin..medyo okay na naman kahit pano pero kailangan naming ipolish since nextweek na yung event.. tapos yung iba ayaw pa makinig tsk tsk..

"ano ba naman kayo guys ayusin nyo naman... puro kayo biro eh.. -- mhie

"oo nga naman guys. it's time to be serious arasso???

And they nodded,kami kasi kahit college na hindi pa rin maiwasang maging isip bata or bumalik sa pagiging bata kung minsan,kaya kahit seryosohang bagay na dinadaan pa rin namin sa biro. Nasa kalagitnaan na kami ng aming pagpapractice ng biglang bumuhos ang ulan,halos lahat kami ay tumakbo at naghanap ng masisilungan, hindi ko ineexpect na makikita ko sila,. bakit kailangan makita ko pa sila? sa mga oras na to parang gusto kong tumakbo at magpakabasa sa ulan dahil sa kahihiyan, dahil sa nagawa ko against sa kanila pero i'm happy na rin na si Carlo at yung girlfriend nya pa rin,na hindi ko nasira yung relasyon nila,na sa kabila ng hindi nila pagkakaunawaan at sa pagiging malapit namin okay pa rin sila.. Nagpretend na lang ako na hindi ko sila nakita,gusto ko ng kalimutan lahat ng masasakit na nangyari sakin,lahat ng mga taong involve sa pagdadalamhati ko. Gusto kong bumuo ng magagandang memories.. yung ibibigay sakin ng isang totoong tao.. Pero mahirap at di ganun kadali na matagpuan sya...

"kung ako sayo pipikit na lang ako para di mo sila nakikita..

"ha?? sino Angge?

"ay patay malisya lang haha...

"alam mo Angge,napakabait mo talagang kaibigan.. sobrang naappreciate ko ang tulong mo.. salamat talaga ah... (sarcastic kong sabi)

"haha biro lang yun.. pinapalakas ko lang loob mo eh..

"oo nga eh damang dama ko.. pero Angge salamat ah.. don't worry okay na ako,masaya na ako sa inyo nila Mhie..

"tama yun Joy.. maghintay ka na lang muna..ay darating na tamang lalaki para sayo.. wag ka lang apurado. :)

Minsan nagtataka na ako dito kay Angge eh,pag sya yung nasasaktan Gosh kala mo wala ng bukas kung makaiyak, tapos pagdating sakin.. Oh my gulay grabe kung makasermon... pero ganun naman na ata ngayon eh diba? ang galing nating magpayo sa ibang tao but we are in that situation wala tayong magawa,iiyak na lang ng iiyak hanggang gumaan ang pakiramdam tama??

"oi joy tara na tila na naman eh uwi na tayo.. bukas na daw ang practice eh..

"sige sige Angge. sabay na tayo papuntang sakayan..

"sige tara na..

Sabay na kaming naglakad ni Angge papunta ng sakayan,nakita kong umalis na din sila Carlo.. buti nga magkaiba kami ng way kaya hindi ko na sila makakasabay pa..

"ay Joy alam mo may lagi akong nakikitang gwapo na matangkad dun sa school.. crush ko na nga ata eh..

"gwapo na matangkad?? sino dun?? nakita ko na ba?

"kaibigan ni yass yun eh kaya di ko alam kung nakita mo na..

"ah baka hindi pa.. wala akong matandaan eh.. lahat kasi sila matangkad.

"matangkad nga epik naman ang mukha.. hahaha

"ay kelan ka pa natutong manlait ng iba.. ang sama mo na ah..

"haha i'm just nagbibiro lang.

"oh pano uwi na ako ah mag iingat ka,buhatin mo na kaya yung bahay mo dun sa may amin para sabay na tayo lagi umuuwi..

"sige sige bubuhatin ko bukas. haha

"Adik.. sige na mag iingat ka ah.. bye.

Sumakay na agad ako ng jeep kasi biglang lumakas ulan wala pa naman akong dalang payong.. pano na to?? Pagkaupong pagkaupo ko biglang nagplay yung song na At the Beginning ng Anastasia. Kailan kaya ako makakapagsimula sa mga magagandang bagay na mangyayari sakin kasama ng taong totoong magmamahal saken,8mont Kung may dumating man,sana.....Sana... sana siya na talaga..

TRUE LOVE WAITS (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon