Chapter 05 - "Today my Life begins"

147 4 0
                                    

JOY's POV

Ang sarap sa pakiramdam pag alam mo sa sarili mong nakamove-on ka na.Yung feeling na para akong natanggalan ng tinik sa lalamunan. Natatawa na nga lang ako sa sarili ko pag naaalala ko yung mga araw at gabing wala akong ginawa kundi ang umiyak.So pathethic I am right?

But I promised to myself na yun na yung huling beses na iiyakan ko siya,cause after what he did to me,I want him to feel regret after all.

"Oh guitnang bayan. guitnang bayan.

Susmiyo marimar.Grabe naman makasigaw tong si kuya wagas, tinalo pa yung sounds ng sasakyan nila.Naputol tuloy yung pagmumuni ko.

"Kuya saglit po,bababa ako...

Nung makababa na ako ng jeep,pumunta na agad ako sa magiging school ko,infareness ang daming tao,kabi-kabila may makikita kang couple(sus maghihiwalay din sila haha ambitter eh noh?) Anyways umakyat na agad ako puntang second floor para mag inquire

and then kumuha na din ako ng registration form. Agad ko itong finill-up-pan and ofcourse i write my schedules.Grabe nga eh sagaran sa oras ganito ba talaga pag Education ang course,patayan..Sa hinaba haba  ng  ipinila ko sa cashier finally i'm officially enrolled,makakauwe na din..,pababa na ako ng hagdan ng maramdaman kong nagvibrate ng vibrate yung phone ko.Grabe bakit hindi ko narinig na may tumatawag saken kanina 4 missed calls and 8 messages from Jhay-ey..

"Asan ka na?

"Nakaenroll ka na ba?

"Mag- iingat ka pag-uwe mo ah??

"Text mo ako after mo jan.

Hindi ko alam kung bakit ang bait bait nya saken.After that break up kasi,siya yung taong nagpalakas ng loob ko,siya yung taong nagtiyaga sa drama at kasungitan ko noon kaya ang laking pasasalamat ko sa kanya eh. Ang swerte ko na lang at nagkaroon ako ng kaibigang kagaya nya.

"Hey sorry,busy kanina eh.By the way pauwi na ako.. Thank you Jhay-ey.

Napangiti na lang ako dahil sa mga text nyang yun. Naalala ko tuloy kung paano kami unang nagkakilala.Ireto ba naman ako ni Ate Glo sa kanya,mga taga Batangas nga naman ng lakas makabenta ng tao.Pero simula noon  naging close na kami,lagi na kaming nagkakatext,kumbaga siya yung naging dahilan bat naging masaya ako ulit.Dahil na rin siguro sa nagkaroon ako ng kaibigang kagaya nya. Sa kakamuni ko,hindi ko na napansing malapit na ako sa bahay,nilalakad ko na lang kasi since malapit na lang pag bumaba ka ng jeep. Exposure din to ah,bihira lang kasi ako lumabas ng bahay eh..

"Ang blooming natin ngayon ah...

Nagulat naman ako dun.

"Sus manong kayo po pala..Ganito lang po talaga kapag single nag iiba ang aura.. sige po at ako po eh mauuna na senyo.

Napangiti na lang ako ng dahil don.. Siguro iisipin ng mga taong makakakita saken na baliw ako,pero masisisi  ba naman nila ako kung bakit ang saya saya ko. Hindi naman siguro ito sign na may darating na bad news sakin,ang mahalaga I'm happy right now because of the people who love and stay with me.

...sorry po sa napakatagal na update.. inayos ko na po kasi yung mga susunod pang mangyayari.. Sana po tuloy tuloy nyo pang basahin ang story ko then if you like my story kindly vote na rin po.. Thankyou po and Godbless.

TRUE LOVE WAITS (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon