Chapter 04 - Double Heartbreak

163 7 0
                                    

JOY's POV

Halos isang linggo na akong iyak ng iyak. Ni mag ayos nga ng sarili ko di ko magawa.Hindi ko kasi matanggap na tinapon nya lang ng ganun kadali yung dalwang taon naming pinagsamahan.Di pa naman siguro huli ang lahat diba?Maisasalba ko pa naman yung relasyon namin diba?Baka pag sakaling nakita niya ulit ako mahalin niya ulit ako,baka maging maayos na kami.Hindi na ako nagdalwang isip pa kaya't napagdesisyunan kong umuwi.Nag-ayos kaagad ako ng gamit ko para makausap ko na sya as soon as possible. Nagpaalam

na agad ako sa mama at dali dali akong umalis. Kinakabahan ako at natatakot at the same time kasi hindi ko alam kung anong magiging resulta nito pero kahit papaano umaasa at aasa pa rin akong maayos to. Buong byahe akong hindi mapakali,tinext ko na nga lang siya na magkita kami at mag usap,kaya lang nasasaktan ako sa reply nya : "para saan pa?". Diba ansakit?,pero nagpatuloy pa rin ako.After 3hours nakarating na din ako ng Ibaan.Tinext ko na lang ulit sya baka maisipan nyang pumunta.

to : jL

"i'm already here in Ibaan.Please let's talk. I'll wait for you here".

message sent.

Sa mga oras na to iisa lang yung pinagdadasal ko,yun ay "sana,sana pumunta siya,puntahan nya ako,sana dumating sya dito".Kahit na alam kong malabo umaasa pa rin akong darating siya.Kasi alam kong may natitira pa siyang pagmamahal para sakin.Almost 45 minutes na din akong naghihintay,i was about to call him kaya lang may tumambad na dalawang tao sa harapan ko,di ko alam kung matutuwa ako o masasaktan. Matutuwa ba ako dahil dumating siya o masasaktan dahil may kasama siyang iba. I dont want to conclude things easily hangga't hindi kami nagkakausap.Malay ko ba kung sino ang babaeng kasama nya pero kasi parang nakita ko na siya,she looks very familiar to me,hindi ko lang alam kung san ko siya nakita. Para mabasag yung tensyon sa pagitan namin ako na unang nagsalita.

"c-can w-we talk.... in private?

Ngayon lang ako nautal magsalita sa harap nya dahil siguro sa kinakabahan ako.

"as what i've said para saan pa yung pag uusapan natin,can't you see i'm with my FUTURE GIRLFRIEND and  we're in a hurry.

Para akong nabingi sa sinabi nyang yun. inemphasize nya pa talaga.Hindi ko alam irereact ko at hindi ko maigalaw yung buong katawan ko.Gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawa. Natulala lang ako sa kinatatayuan ko at konti na lang bibigay na yung mata ko,pero sana makisama tong luha ko kahit ngayon lang.

"may sasabihin ka pa ba?if you dont mind we need to go. (humarap sya dun sa babae) let's go Agua baka malate pa tayo".

Tinalikuran na nila ako at iniwan nila akong mag isa at tulala sa nangyari. Hindi ko na sila nagawang pigilan pa,ansakit eh. Alam nyo yung feeling na para akong pinatay ng dalwang beses,double disaster and double heartbreak in one month. Diba ang February is the month of love pero baket parang sa sitwasyon kong to february is month of pain. Ganun na lang ba kadali para sa kanya ang lahat. Patuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko ng biglang pumasok sa isipan ko yung pangalan nung babae "AGUA",pilit kong inaalala kung saan ko ba sya nakita.Bigla akong nanlambot sa naalala ko dahil yung babaeng sinasabi nyang future girlfriend nya ay ang babaeng sinabihan nyang maganda at crush nya sa facebook. IBig sabihin matagal na palang may lamat yung relasyon namin,ibig sabihin matagal na nya akong niloloko,ibig sabihin  ako na lang yung nagmamahal sa aming dalwa dahil yung pagmamahal nya ay nabaling na sa iba. Antanga ko bakit di ako naniwala sa mga bagay na naririnig ko nun,masyado akong nagtiwala sa kanya to the point na sya lang yung pinaniwalaan ko.Iniisip ko kung ano bang nagawa ko para gawin nya sakin to,ano pa bang pagkukulang ko sa kanya,dahil sa pangalawang pagkakataon iniwan na naman nya ako,binasag na naman nya yung puso ko,sinaktan na naman ako ng taong minahal ko ng sobra. Tama na siguro tong kahibangan at pagpapakatanga ko.Kailangan ko na sigurong magising sa katotohanang hindi sya ang taong para sakin,at dapat ko na rin sigurong patunayan at panindigan ang mga binitawan kong salita na "pagsisisihan nyang iniwan nya ako,at maririnig ko mismo sa bibig nya kung gaano siya nanghihinayang." Dahil sigurado akong gagawin ko ang lahat makaganti lang.

---panatikoniGod25---

waaah matatagalan po yung update ko ah kasi po midterm exam na namin.. basta po abangan nyo ung susunod na mangyayari sa next chapters. keep on reading guys.  Godbless.. :)

TRUE LOVE WAITS (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon