Kabanata 2

328 6 0
                                    



"Bakit ka natawa may nasabi ba akong nakakatawa?" Ang tanong ni Alex na may ngiti sa kanyang mga labi.

"Hmmmm, wala naman natawa lang ako kasi bolero ka hehehe." Ang sagot ni Tanya kay Alex.

"Wowowow, hindi ako bolero ah, totoo lang ang sinasabi ko." Depensa ni Alex sa sarili sa sinabi ng babae.

"Hmmmm...ok sinabi mo eh, no choice kundi maniwala sayo mukha ka naman mabait, siguro mas lalo kang mabait pag tulog ka hahaha!" Ang tugon ni Tanya at nagtawanan na ang dalawa.

"So dito ka nagwowork?" Ang muling tanong ni Alex.

"Yup, kahera ako dito." Ang sagot ni Tanya.


Maya-maya'y tumunog na ang telepono ni Alex.


"Tumatawag na si kuya... haist istorbo naman, hinahanap na ako hehehe." Ang sabi ni Alex.

"Hmmm, sige lang punta kana sa may golf course at baka mapagalitan ka pa ng kuya mo." Ang tugon ni Tanya kay Alex.

"Ok pero pangako ko mapapadalas ang punta ko dito." Ang muling tugon ni Alex sa babae.

"Hmmmm, ikaw po ang bahala, sige na punta ka na do'n." Ang pagtataboy ni Tanya kay Alex.


Nang makabalik sa loob si Alex agad naman syang tinanong ng kanyang kuya kung saan sya nagpunta.


"Sa canteen lang kuya nauhaw kasi ako eh, naghanap lang ako ng maiinom." Ang tugon ni Alex sa kapatid.


Nang matapos ang laro ni Andrew napadaan pa ang magkapatid sa may canteen upang magmeryenda at muli nasilayan ni Alex ang maamong mukha ng babaeng agad nyang hinangaan.


Hindi na sila nag usap tanging matatamis na ngiti lamang ang kanilang naging palitan at hindi pala iyon nakaligtas sa matalas na paningin at pakiramdam ng kuya ni Alex.


"Ehem, ehem,ehem." Ang basag ng kanyang kuya ng muling napasulyap si Alex kay Tanya.

"Kuya talaga hehehe." Ang tangi nalang nasabi ni Alex habang nakangiti.


Habang pauwi naman sila ng bahay ng kanyang kuya hindi naiwasan ng dalawang lalaki na pag usapan si Tanya.


"Hmmmm, maganda sya noh?" Ang basag ng kuya ni Alex sa katahimikan nilang dalawa.

"Sino?" Ang pamaang namang tanong ni Alex kahit pa alam na nya kung sino ang tinutukoy ni Andrew.

"Si Tanya, maganda sya at mabait pa." Ang sabi nito.

"Oo kuya tingin ko nga mabait sya." Ang sagot naman ni Alex.

"Kaso may asawa na sya." Ang muling tugon ng kuya ni Alex na ikinagulat naman nya.

"Huh? Paano mo naman nalaman kuya?" Ang tanong ni Alex sa kapatid.

"Ano ka ba matagal na akong naglalaro do'n diba? Kaya kilala ko na si Tanya actually nung una crush ko sya pero dedma lang nya ako at yon nga ang sabi nya sa akin na may asawa na sya at dalawang anak, pero kung  titignan mo para pa din syang dalaga." Ang pag amin ni Andrew kay Alex.

"Baka naman sabi lang nya yun kuya?" Ang muling tanong ni Alex na ayaw maniwala sa sinabi ng kanyang kuya na may asawa na nga ang babae.

"Hindi, naisama na nya sa golf course yung dalawang bata at yung asawa nya." Ang paniniguradong tugon ni Andrew sa kanya.

"Ahhh! Sayang." Ang sagot ni Alex na hindi maitatago sa mukha ang panghihinayang.


Kinagabihan bago ipikit ni Alex ang kanyang mga mata para magpahinga hindi nya naiwasan na hindi maalala ang babaeng kanyang hinahangaan.


"Hmmmm... Grrrr, sayang may asawa ka naaaa...hooh! Pero hindi bale pwede naman siguro tayong maging magkaibigan." Ang usal ni Alex sa kanyang sarili at nakatulog na sya ng mahimbing.


Lumipas pa ang maraming linggo at buwan kada maglalaro si Andrew ay parati ng sumasama si Alex, hindi lang para sumuporta sa kapatid kundi para lamang makasilay kay Tanya.


Naging magkaibigan naman si Tanya at Alex at maganda naman ang kanilang naging samahan.


Ngunit ng magtagal naging busy na si Alex sa aya ng iba pa nyang mga kaibigan.


Marami ding mga naging kasintahan si Alex pero wala kahit isa syang sineseryoso sa mga iyon.


Napasama si Alex sa kanyang mga barkada, gimik kung saan-saan at punta sa lugar ng mga kaibigan sa mga probinsya ng mga ito.


Hanggang hindi na sila muling magkita ni Tanya, nabalitaan nalang ni Alex sa kanyang kuya na nag resign na ito sa kanyang trabaho sa golf course at lumipat sila ng Nueva Ecija.


Patuloy pa din namang inenjoy ni Alex ang buhay binata nya hanggang isang araw meron syang babaeng nakilala sa pamamagitan ng isa din nyang kaibigan hindi naman totally sila naging magkasintahan pero dahil meron sa kanilang namagitan nabuntis ni Alex ang babae at naobliga syang pakasalan ito.


ITUTULOY...



Just vote and comment if you like this chapter. Thank you so much. :))

love...love...love...

Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon