Kabanata 3

238 4 0
                                    


Sa una naging maganda naman ang naging pagsasama ni Alex at ng babaeng pinakasalan ngunit hindi nagtagal lumabas din ang tunay na kulay ng babae.


Nagger pala ito at selosa at kahit maliit na bagay lang pinagmumulan pa ng kanilang pag aaway.


Hindi din maasikaso ang babae pagdating kay Alex. Maluho at puro sosyalan ang alam puntahan nito.


Nagkaroon naman sila Alex ng dalawang anak na lalaki na kahit ganun pa man ang ugali ng babae minahal pa din naman ni Alex ito at iginalang.


Lahat ng gusto ng asawa ay ibinibigay naman ni Alex hanggang halos under de saya na ang maging papel nya dito.


Lumipas ang maraming taon na ganun ang sitwasyon ni Alex at ng asawa nito hanggang unti-unti nakaramdam sya ng pananawa sa kanilang pagsasama.


Nang mga panahon na iyon na uso na ang social network site gaya ng mga friendster, yahoo, facebook at iba pa minsan sa sobrang inis ni Alex sa kanyang asawa sa pagpi-facebook na lamang nya idinaan ang init ng kanyang ulo.


Habang abala si Alex sa pagtingin sa kanyang news feed may isang pamilyar na mukha ang kanyang nakita at bigla parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan at tila nakaramdam sya ng kakaibang excitement ng muli nyang makita ang maamong mukhang iyon.


Iniadd ni Alex agad-agad ang babae ngunit ng araw na iyon hindi naka online si Tanya.


Araw-araw inaabangan ni Alex kung kailan tatanggapin ng babae ang kanyang request sa facebook at sa tuwing magtatapos ang araw na hindi pa din tinatanggap ang kanyang request nakakaramdam si Alex ng lungkot.


Isang araw nabigyan ng katuparan ang minimithi ni Alex inaccept ni Tanya ang kanyang friend request.


Hindi naman nag sayang ng oras si Alex at agad syang nag message kay Tanya.


Laking tuwa din naman ni Tanya ng muli silang magkausap ni Alex kahit pa sa facebook na lamang.


Doon nalaman ni Alex na nagkahiwalay din pala silang mag asawa sa kadahilanang parati syang sinasaktan nito, marami din palang hirap na tiniis si Tanya sa pakikisama nito sa kanyang asawa bago ito tuluyang bumitaw at humiwalay na sa asawa.


Sa kanilang pagkukuwentuhan nalaman din ni Alex na hindi naman pala magkalayo ang kanilang mga lugar hindi lamang talaga silang pinag-adyang magkita.

Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon