Kabanata 1

552 9 0
                                    



"Alex sama ka sa akin mamaya maglalaro ako ng golf may tournament kami nila pareng Boy, para naman makita mo kung paano maglaro ang kuya mo hah bibilib ka sakin panigurado hehehe." Ang buong pagmamayabang na wika ng nakatatandang kapatid ni Alex na si Andrew.

"Ano naman ang alam ko sa ganyan kuya?" Ang sagot ni Alex.

"Basta sumama ka panoorin mo lang ako, suportahan mo naman ako abah namputsa bahala ka wala kang allowance sakin hehehe." Ang biro pa nitong sabi sa kanya.


Close na magkapatid si Alex at ang kanyang kuya mula ng mamatay ang kanilang ama mula sa atake sa puso tatlong taon na ang nakakalipas si Andrew na ang tumayong padre de pamilya sa kanilang apat na magkakapatid.


Simple lang ang buhay nila Alex ngunit masaya naman ang kanilang pamilya dalawa silang magkapatid na lalaki at dalawang babae naman ang nasa gitna nila ni Andrew, si Alex na ang bunso sa kanilang apat.


Hindi pa naman ganung katandaan ang kanilang mama nasa 50 years old lamang ito ngunit mula ng namatay ang kanilang papa hindi na pinagtrabaho nila Alex ang kanilang ina.


Nagtayo na lamang sila ng isang maliit na negosyo para dito upang kahit papano ay malibang pa rin ang kanilang ina.


Kinahapunan umalis na sila Alex at Andrew, sumama si Alex sa kanyang kuya para kahit papano ay mapanood naman nyang maglaro ang kapatid.


Sports lover ang kanyang kuya Andrew.


Hindi lang golf ang hilig nitong laruin  minsan naglalaro din ito ng bowling at tennis pero itong golf ang madalas nitong puntahan.


Maganda ang golf club na pinuntahan ng dalawa.


May resort din at casino sa loob ng area at sa mga sasakyan pa lamang na mga nakaparada malalaman mo ng mga bigatin talaga ang mga naglalaro doon.


At nagsimula na ang tournament nila Andrew ngunit ilang sandali lang ay nakaramdam ng uhaw si Alex kaya nagpasya itong pumunta sa pinaka canteen ng golf para bumili ng maiinom.


Nang biglang napako ang paningin ni Alex sa babaeng kanyang kasalubong.


Naakit ito agad sa simpleng ganda ng babae at idagdag pa ang balingkinitan ngunit may bilugang mga hita at seksi nitong  balakang.


Agad ngumiti si Alex sa babae ng magkatapat na sila sabay bati ng "Hi" na sinagot naman ng babae ng isang simpleng ngiti at nagpatuloy na ito sa paglakad.


Hindi naiwasan ni Alex na lingunin ang babae habang naglalakad ito napangiti sya sa kaseksihan ng babae at maging ang pag imbay ng balakang nito habang naglalakad ay hindi nakaligtas sa kanyang paningin.


Matapos makabili ng inumin ay naupo muna si Alex sa isa sa mga mesa na nandoon at maya-maya lang ay nakita na nyang muli ang babae na pumasok sa loob ng counter na binilhan nya ng soft drinks at naupo sa may bandang kaha ng canteen.


Titig na titig si Alex sa babae at marahil ay nakaramdam ang babae na may taong nakatingin sa kanya kaya bigla itong napalingon sa gawing  iyon na kinaroroonan ni Alex.


Nang makita ng babaeng nakatingin si Alex sa kanya muling binigyan nito ng isang simpleng ngiti ang binata na sya namang nagbigay ng lakas ng loob kay Alex para lapitan ito.


"Hi!" Agad bati ni Alex sa babae.

"Hello." Ang ganting tugon nito.

"Ako nga pala si Alex, Alex Villanueva." Ang pagbubuo ni Alex sa kanyang pangalan.

"Isinama lang ako ng kuya dito actually wala akong alam sa sport na golf, basketball kasi ang hilig kong laruin." Ang pagpapatuloy na sabi nito na may kasama ng konting kwento.

"Tanya." Ang tipid na tugon ng babae kay Alex at ngumiti ito sa kanya.

"Hmmmm, nice name maganda kasing ganda mo bagay lang sayo." Ang sabi ni Alex.


Natawa naman si Tanya sa sinabing iyon ni Alex.



ITUTULOY....


Just vote and comment if you like this chapter. Thank you so much.

love...love...love...

Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon