Kabanata 4

205 4 0
                                    



Isang taon mahigit ang nagdaan walang nagbago sa relasyon nila Alex at Tanya mas lalo pa silang napapamahal sa isa't isa.


"Bakit nga ba ganun ang kapalaran sadyang mapaglaro... Noon malaya ako si Tanya ang may asawa. Ngayon malaya na sya ako naman ang hindi na malaya." Ang tanong ni Alex sa kanyang sarili sabay sa kanyang pagbuntong hininga.


Hanggang isang araw nagpasya na si Alex na makipaghiwalay na sa kanyang asawa. Kinausap ni Alex ang kanyang asawa at sinabi nya dito na gusto na nyang makipaghiwalay ngunit hindi naman nya pababayaan ang kanilang dalawang anak.


Tinanong sya ng kanyang asawa kung bakit gusto na nyang maghiwalay sila at sinabi naman ni Alex dito na hindi na sya masaya sa piling nito. Lahat ng saloobin ni Alex ay inilahad nya sa kanyang asawa ngunit bigla itong napaiyak.


Nakatingin lamang si Alex sa babae at maya-maya ay nagsalita ito.


"Alam ko marami akong naging pagkukulang sayo, alam ko din na masyado na kitang inabuso hindi ko naiisip na maaaring manawa ka sa akin, pero sana bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon magbabago na ako." Ang salita ng asawa ni Alex sa kanya.

"Ayoko na, pagod na pagod at sawang sawa na ako. Halos hindi na ako makahinga kapag kasama kita sakal na sakal na ako." Ang muling sabi ni Alex sa babae.

"Bakit meron na bang iba?" Ang tanong nito kay Alex.


Hindi naman nakaimik si Alex sa tanong na iyon ng kanyang asawa. Hindi nya alam kung aaminin ba nya o itatanggi nya ang katotohanan na meron na ngang iba.


"Alam ko meron na, nararamdaman ko pero sorry hindi kita isusuko." Ang madiing sabi ng kanyang asawa kay Alex.

"Hindi kita ibibigay sa kanya tandaan mo yan, may mga anak tayo at hindi ko hahayaang mawalan sila ng ama." Ang muling salitang binitawan ng kanyang asawa saka ito biglang tumalikod kay Alex.


Tahimik naman na naupo si Alex sa upuan na nasa kanilang sala ng biglang lumapit sa kanya ang kanyang bunsong anak.


"Papa nag aaway ba kayo ni mama?" Ang tanong ng bata sa kanya.


Limang taong gulang pa lamang ang kanyang bunsong anak at pitong taong gulang naman ang panganay.


"Hindi anak, hindi kami nag aaway ng mama mo." Ang sagot ni Alex sa anak.

Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon