Ipinagtaka naman ni Alex ang pananahimik na iyon ng kanyang kuya.
"Bakit ganyan ang reaksyon mo? May problema ba?" Ang tanong ni Alex sa kanyang kuya.
Maya-maya ay nagsalita ito sa napakalungkot na boses.
"Gusto mo ba talagang makilala ang donor mo?" Ang sagot ni Andrew na tila barado ang lalamunan ng magsalita.
Naguguluhan man ngunit sumagot pa din si Alex.
"Oo naman kuya." Ang sagot ni Alex.
"Sige, dadalhin kita sa kanya." Ang muling sagot ni Andrew.
Pagkalabas ng magkapatid sa hospital dumiretso sila ni Andrew sa isa pang hospital sa Manila.
Sa loob, napatulala si Alex ng makita nya ang isang pamilyar na mukha na nakaupo sa tabi ng kama ng isang babaeng pasyente na may benda ang mga mata, ang kapatid ni Tanya. Agad napatingin si Alex sa pasyenteng nakahiga.
Gulat si Alex ng mapagsino ang pasyente, hindi sya maaring magkamali si Tanya ang babaeng nakahiga at payat na payat na ito.
At kahit hindi man gaanong makita ni Alex ang mukha ng babae dahil sa benda sa kanyang mga mata, alam ni Alex na ang babaeng mahal nya ang nakahigang iyon.
Hindi maipaliwanag ni Alex ang kanyang nadarama ng mga oras na yun.
Nangangalog ang kanyang mga tuhod at unti-unti bumuhos ang mga luha ni Alex ng makalapit na ito kay Tanya.
"Tanya..." Ang sambit ni Alex sa pangalan nito, pero tulog si Tanya ng mgs oras na yun.
Hindi na napigilan ni Alex ang hindi humagulgol sa pag iyak dahil sa nakita nyang kalagayan ng babae.
Hinawakan nya ang payat na payat na kamay ni Tanya na halos mga buto nalang ang kanyang nahahawakan.
Isang tinig naman ng babae ang nagsalita sa likuran ni Alex ng unti-unti na syang nahihimasmasan.