"LOGAN is in love with Paige?!" gulat at sabay na bulalas nina Ate Ellie at Antenna.
Parang dinaganan ng mga salitang iyon ang mabigat na bagay sa puso niya. "'Wag nang paulit-ulit, puwede?"
"Ang akala ko, gusto ka rin ng kapatid ko," nanghihinayang na wika ni Ate Ellie.
Hindi niya maatim na makita ang awa sa mga mata ng mga kaibigan niya. Ngumiti siya at pilit na pinasigla ang kanyang boses. "Huwag niyo kong alalahanin. Buong buhay ni Logan, nilaan na niya para mapasaya ako. Oras na para siya naman ang sumaya."
"How about you, Crayon? Si Logan lang ang kaligayahan mo," malungkot na wika ni Antenna.
Nakangiting umiling siya. "Hindi na ko 'yong batang mahina noon, Antenna. Tinuruan ako ni Logan na kalimutan na ang nangyari sa'kin noon. Hindi ko sasayangin ang mga panahong nilaan niya para turuan akong tumayo sa sarili kong mga paa. Masyado na kong naging dependent sa kanya sa nakalipas na sampung taon. It's time to let him go now."
Matagal na tinitigan siya nina Ate Ellie at Antenna bago umaliwalas ang mukha ng mga ito.
"You've grown, Crayon," masayang sabi ni Antenna. "You're stronger now."
"I am," proud na sagot niya. Niyakap niya sina Ate Ellie at Antenna. "Salamat din sa inyong dalawa dahil naging kaibigan ko kayo. Malaki ang naitulong niyo para unti-unti kong makalimutan ang nangyari sa'kin noon."
Narinig niyang humikbi ang dalawa. Alam niyang magkakaiyakan pa sila kung magtatagal pa iyon dahil maging siya ay nagiging emosyonal na kaya kumalas na siya sa pagkakayakap sa mga ito.
"Sige na. Magko-cover pa ko ng balita," paalam niya sa dalawa.
Naglakad na siya papunta sa open field ng Empire U kung saan gaganapin ang Kite And Lantern Festival. Ngayon pa lang ay dagsa na ang mga estudyante ro'n na may dalang iba't ibang naggagandahan at naglalakihang mga saranggola.
Nakipagsiksikan siya para lang makalapit sa improvised stage na tinayo sa gitna ng field kung saan magsasalita ang kanilang universty president. Napapiksi na lang siya sa malakas na sigawan at tilian ng mga estudyante sa paligid. Agad namang nahagip ng mga mata niya ang sanhi ng pagpa-"panic" ng mga tao – ang HELLO. They were all wearing dark-rimmed eyeglasses that made them ten times hotter. Hindi kataka-takang nagwala ang mga kababaihan doon.
"Connor, Bread, Shark, Riley, I love you all!" sigaw ng isang babae sa tabi niya.
Bigla siyang kinabahan nang makitang papalapit si Riley sa direksiyon niya. Hindi siya makapaniwalang ang ganito kasikat na lalaki ay nagtapat sa kanya no'ng isang araw. Parang gusto nagdududa na siya kung nangyari ba 'yon talaga o guni-guni niya lang 'yon.
"Aray!" daing niya nang mabunggo siya ng mga babae sa likuran na naggigitgitan para makalapit sa banda. Nawalan siya ng balanse kaya napaupo siya sa damuhan.
"Move!"
Natahimik bigla ang lahat sa malakas na pagsigaw ni Riley. Hindi niya alam kung ano'ng nangyari pero biglang nahawi ang mga tao sa paligid niya. At bigla na lang sumulpot sa harapan niya si Riley. Nag-squat paupo sa harap niya ang binata.
"Crayon, are you okay?"
"I like you. 'Yong may malisya."
Biglang kumabog ng mabilis at malakas ang puso niya nang marinig sa isipan niya ang pinagtapat ni Riley no'ng nakaraan sa kanya. Nahihirapan tuloy siyang paniwalain ang sarili niya na guni-guni lang niya iyon. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi.
Riley smiled. "Cute. Long time no see, baby. Nakapag-isip ka na ba?" Pinisil nito ang pisngi niya. "Will you go out with me?"
Narinig niya ang malakas at sabay-sabay na pagsinghap ng mga tao sa paligid. Nahiling naman niya na sana ay bumuka ang lupa at lamunin siya dala ng sobrang pagkahiya dahil sa lantarang deklarasyon ng walanghiyang lalaki!
***
"SO, Miss Crayon Anne Pacia, kailan ka pa sinimulang ligawan ni Riley Mac Domingo?"
"Hindi niya ko nililigawan!" natatarantang kaila niya. "Ate Ellie stop bombarding me with stupid questions. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari."
"Ako, alam ko. You've suddenly become the most hated girl in Empire," natatawang sagot nito.
Pasimpleng nilibot niya ang tingin sa paligid. Nakagat na lang niya ang kanyang ibabang labi nang mapansing halos lahat ng babae ay tinatapunan siya ng masamang tingin. Siguro, kung hindi lang siya kilalang mataray sa unibersidad nila ay na-bully na siya. Ngayon lang niya nagawang magpasalamat sa matapang na features ng mukha niya.
Gusto niyang tirisin ang Riley na 'yon. Ang akala niya, pinag-trip-an lang siya nito dahil hindi na ito nagpakita sa kanya pagkatapos ng "pagtatapat" nito sa mall. Pagkatapos, ngayon, bigla na lang itong susulpot at magde-declare ng gano'n sa harap ng mga kaeskwela nila.
Nakakahiya!
"Pinagti-trip-an niya lang ako," frustrated na wika niya. "I mean, hindi naman kami ga'nong magkakilala kaya bakit bigla na lang niya kong aayaing makipag-date?"
May kung anong sinulat si Ate Ellie sa notebook nito habang tumatango-tango ito. "So, talaga ngang inaya ka niyang makipag-date."
"Ate Ellie naman eh," paungol na reklamo niya.
"'Kidding!" biglang bawi nito. "Anyway, nagulat talaga ako dahil sa tinagal-tagal ng pag-i-stalk ko sa HELLO, ngayon ko lang nakitang nagpahayag ng interes si Riley sa isang babae."
"Magtrabaho na nga lang tayo," iiling-iling na sabi niya.
Pero mukhang malabo na yata siyang makapag-concentrate talaga dahil nasa entablado ang HELLO. Katatapos lang kantahin ng banda ang cover ng mga ito ng Firework ni Katy Perry. Ang akala niya, tapos na ang papel ng HELLO ro'n. Ayun pala, kasama ng president at faculty members ng Empire U ang apat na miyembro ng banda sa first batch na magpapalipad ng saranggola bilang tanda ng pagsisimula ng kampanya.
"Let us all save mother Earth!" masiglang sigaw ng university president nila.
Everyone cheered nang isa-isa nang lumipad sa langit ang makukulay, naglalakihan at naggagandahang saranggola. May mga korteng agila, at mukha ng mga pamosong anime character gaya ni Doraemon. Ang gaganda tingnan ng mga saranggola na sumasayaw sa ihip ng hangin.
"Ay, ang bongga ng mga saranggola," nakangiting komento ni Ate Ellie na abala na sa pagkuha ng mga litrato.
"I agree," nakangiti rin niyang sang-ayon.
Pero ang maganda niyang ngiti ay unti-unting nawala nang unti-unti ring tumaas sa himpapawid ang isang saranggola na kumuha sa interes ng lahat – isang saranggola na may nakadikit na sulat. In big, bold letters, nakasulat ang mga salitang muntik nang magpahinto sa tibok ng puso niya:
I LIKE CRAYON.
Napalunok siya habang unti-unting binababa ang tingin mula sa saranggola, hanggang sa may hawak ng sinulid niyon. Her eyes met Riley's. Nakatingin at kumakaway pa ang walanghiya sa kanya!
"Ah, this really is a news," nakangising sabi ni Ate Ellie.
The girls around her glared at her.
Uh-oh.
BINABASA MO ANG
A Rocker May Get Tongue-tied (Complete)
Ficção AdolescenteHELLO Band Series 3: Riley has been chasing Crayon for years now. Pero hindi siya nakikita ng babaeng krayola na 'yon dahil ibang lalaki ang parati nitong tinitingnan. So this time, nag-decide siyang maging malaking distraction para makalimutan na n...