NAKALUHOD si Riley sa sahig ng chapel ng ospital na iyon at nakayukyok ang ulo sa sandalan ng isa sa mga pawn do'n habang taimtim na nagdadasal. Kahit sinubukan niya, nahuli pa rin siya sa pagliligtas kay Crayon. Nahagip pa rin ito ng van. Ayon sa mga doktor na gumamot sa dalaga ay malala ang natamo nitong injury sa ulo. Katatapos lang ng operasyon subalit wala pa ring malay si Crayon. It was breaking his heart and soul that Crayon was now in a comatose.
He was desperately praying to Him to save her. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kung sakaling may masamang mangyari sa babaeng mahal niya.
"Riley."
Tumayo siya nang makita si Tita Catelia sa kanyang likuran. Pumihit siya paharap dito pero dahil hindi niya ito magawang tingnan sa mga mata, napayuko na lamang siya. "I'm sorry, Tita. Hindi ko nailigtas si Crayon."
Bumuntong-hininga si Tita Catelia. "Aaminin ko, no'ng una ay sinisisi kita sa nangyari. Pero alam mo bang habang dinadala siya sa operating room ng kapwa ko doktor, wala siyang ibang binanggit kundi ang pangalan mo? My daughter loves you. I can't probably hate the person my only daughter values this much."
Naikuyom niya ang mga kamay niya nang maramdaman niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya. "Alam ko hong pagkatapos ng mga nangyari, hindi na ko karapat-dapat kay Crayon. Naging duwag at mahina ako. Pero ipinapangako ko ho na babawi ako. Alam kong magigising siya. She's a strong person."
"Your love made her strong, Riley."
No'n niya nagawang mag-angat ng tingin sa ginang. "Ho?"
Malungkot na ngumiti ito. "Pagkatapos nang trauma na pinagdaanan ng anak ko, lumiit ang mundo niya at umikot lamang iyon sa mga kaibigan niya, partikular na kay Logan. Pero sa tuwing maririnig ko ang pangalan mo mula sa kanya, nakikita ko ang pangingislap sa mga mata niya. Simula ng makilala ka ni Crayon, natuto siya kung pa'no magmahal ng tama. Riley, ikaw lang ang lalaking tiningnan ng anak ko ng may pagmamahal sa mga mata niya. You healed her, hijo. Nawala ang mga takot sa puso niya dahil minahal mo siya."
Naramdaman niya ang pagpatak ng mga luha niya. Masaya siyang naging malaking bahagi na pala talaga siya ng buhay ng babaeng mahal niya.
Hinawakan siya sa balikat ni Tita Catelia. "Puwede mo nang dalawin si Crayon sa kuwarto niya. Baka sakaling magising siya kapag narinig niya ang boses mo."
Sinamahan siya ni Tita Catelia sa pribadong kuwarto ni Crayon sa ospital na iyon. Nadurog ang puso niya nang makita ang nakakabit na aparato sa dalaga. She was comatosed, at iyon ang bagay na bumubuhay dito.
Iniwan na siya ng ginang sa silid. Hinila niya ang stool na nasa tapat ng bedside table at umupo siya ro'n. Marahan niyang hinawakan ang kamay ni Crayon at idinampi niya ang mga labi niya sa likod ng kamay nito.
"Crayon, I love you. I'm sorry for hurting you. Please wake up," bulong niya rito. "Marami pa tayong popcorn na pagdidiskitahan. Magpapalipad pa tayo ng mga saranggola para inggitin ang lahat ng single sa Empire. Marami pa kong Youtube videos na gagawin para sa'yo. Please. Wake up."
Muli na namang nadurog ang puso niya nang wala siyang natanggap na tugon mula sa dalaga. She was almost lifeless and it was breaking his heart to see her in that state. He should have been the one suffering and not her.
Gayunman, tinatagan niya ang loob niya. Si Crayon noon ang naging matatag para hindi matapos ang relasyon nila. Sa pagkakataong ito, siya naman ang hahawak sa kung ano mang bagay na iyon na nagkokonekta sa kanila.
"Crayon, did you know? We first met four years ago in Empire, while I was about to walk out from the entrance examination..."
BINABASA MO ANG
A Rocker May Get Tongue-tied (Complete)
Fiksi RemajaHELLO Band Series 3: Riley has been chasing Crayon for years now. Pero hindi siya nakikita ng babaeng krayola na 'yon dahil ibang lalaki ang parati nitong tinitingnan. So this time, nag-decide siyang maging malaking distraction para makalimutan na n...