LOGAN calling.
Crayon turned off her cell phone when she saw Logan's name on the caller ID. Hindi pa siya handang harapin ito. Matagal na niyang alam na espesyal sa puso niya si Logan. Ito ang naging tagapagtanggol niya sa loob ng mahabang panahon. Akala niya ay pareho sila ng nararamdaman, subalit alam na niya ngayong mali siya dahil nahulog ang loob nito sa ibang babae.
Ga'no man niya gustong ipaglaban ang nararamdaman niya para kay Logan ay hindi niya magawa dahil wala namang dapat ipaglaban. No'ng una pa lang naman ay one-sided love na talaga ang pagmamahal niya.
Halos buong buhay ni Logan pati ang malaking bahagi ng oras nito ay nilaan na nito para protektahan at alagaan siya. Pinasaya siya nito sa nakalipas na sampung taon at pinaramdam sa kanya na wala na uli masamang mangyayari sa kanya. Sa pagkakataong ito, si Logan naman ang dapat sumaya. Nakakalungkot man pero si Paige ang nakakapagpasaya rito at hindi siya.
I have to let him go para sumaya siya. Nangako ako sa kanya na hindi na ko 'yong batang Crayon na kailangan niyang protektahan. Kailangan kong ipakita sa kanya na kaya ko nang mag-isa.
Tinutok na lamang niya ang atensiyon niya sa pinapanood niyang movie. She was currently at the movie house. Nasa kalagitnaan na siya ng pelikula nang mag-crave siya sa popcorn. Habang naglalakad sa madilim na pasilyo ay may napansin siyang pamilyar na pigura na nakatayo sa pinto ng men's room. Tall figure in all gray and black outfit.
"Riley?" Napalakas ang pagsambit niya sa pangalan ng binata dahil lumingon ito sa kanya.
As usual, his jet-black hair was messy, and his eyes were sleepy. Mukhang kagigising lang nito. He cocked his head at one side. "Crayon? Kilala mo ko?"
Tumaas ang kilay niya. "Natural. Parati kang kasama ng boyfriend ni Antenna."
Bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito. "Oh. I'm glad you know I exist."
Tumaas ang kilay niya. Para kasing masayang-masaya si Riley na kilala niya ito. Nilagpasan na niya ang binata pero nagulat siya nang bigla siya nitong hilahin sa strap ng mailman bag niya. Napilitan tuloy siyang tumayo sa tabi nito.
"Ano ba?" angil niya kay Riley.
Luminga-linga ito sa paligid. Pagkatapos ay may kung ano 'tong tinuro sa loob ng CR. "Look."
Sumilip naman siya sa loob ng CR. A fresh bag of popcorn was sitting unattended on the bathroom sink. Kunot-noong nilingon niya si Riley. "Sa'yo ba 'yon?"
Umiling ito. "I'm wondering whether to eat it, or not..."
"Hoy, Riley. Mahiya ka. Hindi sa'yo 'yan kaya bakit mo kakainin? If you don't have money, ililibre na lang kita."
"I'm not poor, thank you," seryosong wika nito na tila ba nainsulto nang akalain niyang wala itong pera.
Sabagay, sa itsura at tindig pa lang nito, halatang nanggaling ito sa maykayang pamilya. "Pero bakit pinagti-trip-an mo ang inosenteng popcorn na 'yan?"
He turned to her. Nangislap ang mga mata nito. "It's healthy to do crazy things once in a while, you know."
"Crazy things such as stealing someone else's food?"
"We're not stealing it. Kanina ko pa hinihintay na may bumalik at kumuha niyan pero wala pa ring dumadating."
Tumaas ang kilay niya. "Ano'ng 'we'? 'Wag mo nga akong idamay sa kalokohan mo. And, what if may lason 'yan, or worse maliit na bomba kaya 'yan iniwan d'yan?"
BINABASA MO ANG
A Rocker May Get Tongue-tied (Complete)
Fiksi RemajaHELLO Band Series 3: Riley has been chasing Crayon for years now. Pero hindi siya nakikita ng babaeng krayola na 'yon dahil ibang lalaki ang parati nitong tinitingnan. So this time, nag-decide siyang maging malaking distraction para makalimutan na n...