NAKAPASAK ang earphones ni Crayon sa mga tainga niya kahit wala namang musika iyon. Ayaw niya lang may kumausap sa kanya kaya siya naglagay niyon. Kasama niya kasi ng mga sandaling iyon si Antenna at ang nobyo nitong si Shark. Gano'n din ang magkasintahang Bread at Peanut. Naroon sila sa tennis court ngayon para panuorin ang practice game ng tennis team ni Logan.
"Talaga? Tutugtog ang HELLO Band sa Fine Arts Night?" masayang tanong ni Antenna.
Tumango si Shark. "Yep. Mabuti na rin 'yon para mabantayan kita sa Night ng college niyo. I'll be your date, okay?"
Yumakap si Antenna kay Shark. "Sure. Puwede bang magsama ng date ang ibang member ng HELLO kahit mula sa ibang college?"
"Yep. Si Peanut ang ka-date ni Bread sa gabing iyon."
Nag-thumbs up sina Peanut at Bread bilang kumpirmasyon sa sinabi ni Shark.
"Inaya na kaya ni Riley si Crayon maging date sa FA Night?" biglang tanong ni Shark. "Bukambibig niya kasi 'yon nitong nakalipas na araw."
Muntik nang maubo si Crayon dahil sa narinig niya. Bigla kasing nag-iba ang tibok ng puso niya. May balak si Riley na ayain siyang maging date nito sa Night ng kolehiyo nito?
"Hindi papayag si Crayon. Ni hindi nga siya um-a-attend ng Night ng Masscomm," naiiling na sabi ni Antenna.
Mas lalong nagwala ang puso niya nang dumating si Riley at walang sabi-sabing umupo sa tabi niya. Nagpanggap siyang abala sa pagtetext para hindi siya mapilitang lingunin ito.
"Hi, Crayon," bati ni Riley sa kanya.
Hindi niya ito pinansin.
"Riley, parating naka-todo ang volume ng pinapakinggan ni Crayon kapag naka-earphones siya kaya hindi niya tayo naririnig," imporma ni Antenna kay Crayon.
"Oh."
Gusto na sana niyang pasimpleng dukutin sa bag niya ang Ipod niya at buksan iyon subalit hindi niya magawa dahil nararamdaman niya ang madalas na pagsulyap-sulyap ni Riley sa kanya. Pakiramdam niya, napapaso siya sa tingin nito.
"Alam mo, Crayon..."
Napalunok siya habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Riley.
"Kung camera lang ang mga mata ko, siguradong memory full na ang mga ito sa sobrang dami ng stolen shots mo. I like you. Really, really like you," pabulong na sabi ni Riley na sinundan pa nito ng buntong-hininga.
Muli ay binalot ng kakaibang kaba ang dibdib ni Crayon. Wala siyang ibang marinig kundi ang malakas at mabilis na tibok ng puso niya dahil sa mga sinabi ni Riley. Kung aaminin din niya, sasabihin niyang kinilig siya dahil sa mga paru-paro sa tiyan niya na hindi niya alam na meron pala.
I want to see his face.
Unti-unting niyang nilingon si Riley. Nagulat siya nang makitang nakatingin pa rin ito sa kanya pero hindi siya nag-iwas ng tingin. Alam niyang gusto siya ni Riley dahil madalas nitong sabihin iyon, pero ngayon niya lang nakita sa mga mata nito ang emosyong iyon habang nakatingin sa kanya. Was it... love?
Naantala lang ang pagtititigan nila ni Riley nang may marinig siyang ingay. Dumako ang tingin niya sa tennis court.
Nakahilera ang lahat ng unipormadong player ng tennis team sa harap ni Paige na halatang naguguluhan sa nangyayari. Bawat isang player ay may placard na hawak.
"Will you be Captain Logan's date this coming FA Night, Manager Paige?" sabay-sabay na sigaw ng mga manlalaro.
Naitakip ni Paige ang mga kamay nito sa bibig nito nang mahawi ang mga player sa dalawa at lumabas si Logan na may dalang isang bungkos ng pulang bulaklak, pagkatapos ay nagyakap ang dalawa. Fine Arts nga pala ang kurso ni Paige.
BINABASA MO ANG
A Rocker May Get Tongue-tied (Complete)
Fiksi RemajaHELLO Band Series 3: Riley has been chasing Crayon for years now. Pero hindi siya nakikita ng babaeng krayola na 'yon dahil ibang lalaki ang parati nitong tinitingnan. So this time, nag-decide siyang maging malaking distraction para makalimutan na n...