04 ✔

7K 213 1
                                    

Ilang buwan na ang lumipas mula nang una kaming nagdate ni Andrew at ilang buwan na din simula noong nagsimula siyang manligaw sakin. Patuloy pa rin kami sa paglabas at tuwing lalabas kami ay palagi kaming pumupunta sa park. Napakasaya ko kapag kasama ko siya. 

Araw ngayon ng lunes.

Naglalakad ako patungo sa classroom namin habang nagdadasal na sana'y walang gagawin ang mga studyante sakin ngunit impossible ata yun. Hindi napigilan ni Andrew ang mga pambubully sakin. Hindi rin naman ako nagbago. Ganoon pa rin ang ayos ko.

Pagdating ko sa room,agad kong pinihit ang doorknob at mahinang binuksan ang pinto.

May kanya-kanyang ginagawa ang mga studyante.

Agad kong nilibot ang paningin ko pero wala pa dito ang hinahanap ko.

Naglakad na lang ako papunta sa upuan ko habang nakayuko. Wala namang kababalaghang nangyari kaya diretso2 lang ako sa pag-upo.

Sa wakas,dumating na ang aming guro. Nagdasal kami pagkatapos ay nagsimula na siya sa pagleleksyon.

*knock knock!*

Agad akong napangiti nang makita kung sino ang pumasok,si Andrew lang naman.

"Sorry Maam. I'm late.", paumanhin niya.

Pinatawad lang naman siya ng teacher dahil nga sa mga pagbabago niya. Simula nang nagdate kami,nagbago na siya. Masaya ako dahil dun.

Nagpatuloy sa pagdiscuss ang teacher at may ipinapasagot siyang equation sa blackboard,walang nagtaas ng kamay. Lahat sila nakayuko,halatang iniiwasan ang pagtingin sa mata ng guro upang hindi matawag.

I raised my hand.

"Okay. Ms. Montes,please come here and solve this equation. ", sabi niya kaya agad akong pumunta sa harap at kinuha ang chalk. Tawa ng tawa ang mga classmates ko maliban kay Andrew na galit. Tumawa sila na parang wala ng bukas.

"Miss Montez. Kabuwanan mo ba ngayon?",tanong ni Maam.

"Ah hindi po Maam,last week pa po yun nagstop",sagot ko kay Maam pero syempre hininaan ko ang boses ko sa huli.

"Laki kasi ng tagos mo gurl! HAHAHA! ", sigaw ng estudyante na kabilang sa A.Ns na si Ansey na bakla.

Tiningnan ko ang likurang parte ng palda ko. Meron ngang tagos at madami ito! Alam kong hindi ito totoong dugo. Inilibot ko ang tingin ko sa buong klase at di na ko nagulat nang may nakita akong studyanteng may dalang spray. Si Anika.

Ramdam na randam ko ang pagkahiya. Tagos sa puso. Naiiyak na naman ako. Bakit ba ang hina ko?

"E-e-xcuse me,Ma'am.", sabi ko at nagmadali na akong lumabas.

" Alexa---",pagtawag ni Andrew sakin pero pinutol ng guro ang pagsasalita niya.

"Sit down Andrew. Let Alexa change her you-know-what.", sabi ng guro namin na nagpipigil ng tawa.

Paglabas na paglabas ko ng classroom ay yun namang pagbagsak ng mga luha ko.

Agad akong dumiretso sa CR at ibinuhos lahat ng hinanakit ko. Tiningnan ko ang underwear ko at gaya ng hinala ko, wala namang dugo sa underwear ko kaya alam kong ginawa yon ni Annika. Inayos ko na ang sarili ko.

30 minutes later.

**Ting! Ting! Ting!**

It's break time. Papunta na akong cafeteria dahil talagang nagugutom na ako. Hindi sana ako pupunta doon kaya lang gutom na talaga ako, nakalimutan ko ata yung baon ko. Aish, sa lahat ba naman ng makakalimutan ko. Hmp.

Sweet Revenge (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon