10

7.5K 249 7
                                    

--Alexa's POV--

Even though I'm not feeling well this morning,I still decided to go to school. Hindi ko alam kong may nakaka-alam na ba sa nangyari kahapon. Pero kung meron mn,I'm sure tuwang-tuwa na sila ngayon.Baka nagcelebrate o kaya nagparty pa eh. Tss.

Hanggang ngayon naiiyak parin ako sa ginawa ni Andrew sakin pero pinipigilan ko lang.

Hindi ko namalayang nasa school na pala ako. Dito lang ako nagpahatid sa gate. Yun naman talaga palagi kasi baka mag-isip ng iba yung mga chismosa kong mga schoolmates.

Pagpasok ko sa gate,ang daming nagbubulungan at parang nang-iinsultong mga tingin ang ipinupukol nila sakin.

"Totoo talaga yung sabi ko sayo girl na imposibleng patulan ni Andrew yang nerd na yan. Hahaha"

"Kawawa naman siya,pinaglaruan lang naman pala. Drop out na yan bukas.Hula ko."

"Buti nga sa malanding nerd na yan"

Ilan lang yan sa mga bulung-bulungan o sabihin na nating pagpaparinig.

Nung nakarating ako sa corridor ng floor na kinalalagyan ng classroom namin eh nagulat ako ng may mga bote ng mineral water ang sumalubong sakin. May mga balat ng prutas,crumpled paper,at worst,may napkin na natuyuan pa. Umiiyak na ako. Sila Anika ang may pasimuno ng lahat. Binuhusan din nila ako nung liquid na green na malapot at sinabuyan na naman ng feathers ng chicken. Binuhusan pa ko ng iba't ibang inumin.

Tawanan lang sila ng tawanan.

At ang mas masakit pa nung nakita ko si Andrew sa di kalayuan na nakatingin lang sakin emotionless at tumalikod na din. Ang sakit sakit na.

Hindi lang physically kundi pati emotionally.

"TAMA NA! ANO BANG NAGAWA KO SA INYO? BAKIT NIYO GINAGAWA SAKIN TO?!",sigaw ko.Hindi na ko nakapagpigil.

"UMALIS KA NA KASI DITO!",sigaw din ni Anika at sinampal ako. Nahilo ako lalo dun.

"Tandaan mo,magbabayad kayo.Maghihiganti ako sa inyo.",mahinang sabi ko na ikinatawa naman niya.

"Aw..I'm scared!",sabi niya in a sarcastic tone.

Feeling ko umiikot yung paligid ko at ayun natumba na talaga ako. Bago pa mn ako matumba,may nakasalo na sakin. Hindi ko mamukhaan.

"A-andrew?",mahinang usal ko.

"Hindi ako ang Andrew mo.",sabi niya.

Pagkatapos ay..

*blackout*

--Andrew's POV--

Ang sakit. Parang may tumutusok sa puso ko nung sinaktan nila si Ma--mean si Nerd. Nakita kong tumingin siya sakin,hindi ko kayang makita siya sa ganyang pangyayari kaya tumalikod na lang ako.

Naka-upo ako ngayon sa bench at nakita kong buhat nung lalaki si Nerd na walang malay kaya nag-alala na lang ako. Pinuntahan ko agad si Anika at tinanong kung anong ginawa nila kay nerd.

"Anika,anong ginawa mo kay nerd?! Bakit wala siyang malay kanina?!",pasigaw na tanong ko sa kanya.

"Pinahirapan at wag na wag kang maki-alam Andrew kahit mahal pa kita.kundi damay ang pamilya mo",malamig na sabi niya at iniwan ako.

Oo nga pala,anak ng Mafia si Alexa kaya ganun na lang katakot ang mga estudyante sa kanya. Binalaan niya rin silang lahat na wag kakaibiganin o lalapitan si Nerd at sumunod na lang sa mga utos niya kundi pati pamilya namin eh .Damay.

Saklap Dude.

Sweet Revenge (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon