02 ✔

9K 255 3
                                    

Alexandra Montes:

It's friday already. Nandito ako ngayon sa likod ng eskwelahan kung saan may mga kahoy na pwede mong silungan. Maganda ang panahon sa araw na ito,perpekto para sa pagtambay dito. Sariwa ang hangin at walang bully na umaaligid.

Nagbabasa lang ako nang libro nang may biglang umupo sa tapat ko.

Agad ko itong tiningnan at laking gulat ko sa aking nakita.

Nakatitig lang ako sa kanya at ganun lang din siya sakin. Agad umakyat ang takot sa sistema ko kaya napaatras ako sa kanya.

"A-andrew? Anong gi-ginaga-gawa m-mo dito?", nauutal na tanong ko sa kanya.

"Alexa wag kang matakot sakin,hinding-hindi na kita sasaktan muli physically. Pasensya ka na sa mga nagawa ko noon ha. Nadala lang naman ako sa mga kabarkada ko.", sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Agad kong iniwas ang tingin ko at tumayo. Pinagpagan ko ang sarili ko at kinuha ang mga gamit ko.

"A-ah. S-sig-ge. ", nauutal kong sabi.

Hindi ko ineexpect ang pagdating niya.

"Ahm,A-andrew,ma-uuna n-na ko ha.", sabi ko at tumalikod na sa kanya. Naglalakad na ko palayo nang bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko. He entwined our fingers. Pilit kong binabawi ang kamay ko ngunit sadyang napakalakas niya.

Dug.Dug.Dug.Dug

Hala! Ano itong nararamdaman ko sa dibdib ko? Ito ba yung tinatawag na mabilis na pagtibok ng puso lalo na kapag malapit ang taong gusto o mahal mo? Eh wala naman akong nararamdaman sa kanya eh.

"Sabay na tayo.",aya niya.

Agad akong umiling-iling.

" No.",I whispered.

"Bakit naman? ", tanong niya nang nagtataka.

" A-alam m-mo naman a-ang m-mga u-utak ng mga studyante d-diba? K-kaya b-bitiwan m-mo n-na ang k-kamay ko.",wika ko sa kanya at hinila ulit ang kamay ko.

"Psh. Pabayaan mo sila. Hinding hindi ko na itatago pa ang nararamdaman ko para sa iyo, Alexa.", sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

Luh. Anong ibig niyang sabihin ron? Nararamdaman? May nararamdaman siya sakin? Really?

Agad naman akong napayuko dahil sa hiya. Naramdaman kong uminit ang mukha ko.

" Tumingin ka sakin.",sabi niya at iniharap ang mukha ko sa kanya.

"Hmm? ", tanong ko.

" I didn't know you have beautiful eyes. You should stop wearing those glasses.",he said and smile.

"Hm. T-thank y-you but no.", I said.

Nararamdaman ko na naman ang pag-iinit ng pisngi ko. Err. I think this is what they called blushing. Err nakakahiya!

" Wait. A-are you blushing? Hahaha!",he said and laughed. His laugh is like a sound to my ear.

I just stared at him. Naramdaman niya naman yun kaya tumingin rin siya sakin.

"You're so cute.",sabi niya habang kinukurot ang pisngi ko.

Nambobola lang naman ata itong si Andrew.

" Let's go.",pag-aaya niya. Hinila niya na ko at nagsimula na kami sa paglalakad.

Ang paglalakad patungong classroom ay parang isang oras na para sakin.

Ang sama-sama ng tingin ng mga babae sakin kaya kinuha ko ang kamay ko sa kamay ni Andrew.

"Bakit?", tanong niya at kinuha niya na ulit ito.

Sweet Revenge (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon